Kabanata II: Siklab
Sa bukang-liwayway, maagang gumising si Lola Lena upang maghanda at magluto ng almusal para kay Yolanda. Gumising naman si Yolanda, at pumunta sa banyo upang maligo. Pagkatapos ng 30 na minutos, lumabas si Yolanda sa banyo at pumunta na siya sa kaniyang silid upang magbihis. Pagkababa niya, eksakto naman na nakaluto na si Lola Lena.
Lola Lena: "Yolanda Iha, pagkatapos kang ihatid sa paaralan, magtatambay ako sa Lungsod dahil meron akong importanteng pupuntahan."
Yolanda: "Hay naku, aral na naman! Sana walang klase ngayon, ang hirap mag-aral!"
Lola Lena: "Nandiyan ka na naman, nagrereklamo tuwing may pasok. Palaging ganyan."
Yolanda: (inikot ang kaniyang mga mata) "Hmmph"
Lola Lena: "Iha, mag-aral ka ng mabuti, nandiyang naman si Pepe na tutulong sa iyo kapag nahihirapan ka."
Walang magawa si Yolanda kundi tumahimik sa sinabi ng kanyang lola. Pagkaraan ng ilang minutos, meron na nagbobosina sa labas ng kanilang bahay. Iyon pala si Manong Kiko, ang kanilang service.
Lola Lena: "Iha, bilisan mo nang kumain, nandiyan na si Kiko"
Yolanda (nag-aalmusal): "Edi, mauna ka na tanda!"
Galit na lumayo si Lola Lena at papunta sa tricycle. Habang lumalayo siya,
Lola Lena: "Hindi mo ba napapansin kung bakit walang gustong kumaibigan sa iyo noong elementary ka?"
Yolanda: "Hmm..."
Napaisip ng malalim si Yolanda.
Lola Lena: "Naku, bilisan mo iha, ma-lalate ka na!"
Pagkatapos sinabi ni Lola Lena yun, nagdiretso na si Yolanda sa tricycle habang nagdadabog palayo sa kusina.
Sa biyahe, walang pansinan ang mag-lola.
Lola Lena: "Alam mo iha, huwag ka nga ganyan sa amin. At bakit ka nagkakaganyan?"
Yolanda: "Wala matanda!"
Sa galit ni Lola Lena, hindi na niya ito pinapansin. Pagkalipas ng ilang minuto, nakaabot na sila sa paaralan. Inabot din ang mag-lola ang bag ni Yolanda sa kaniyang classroom.
Lola Lena: "Check na ba lahat?"
Yolanda: "Oo"
Lola Lena: "Tawagan mo kapag magpapasundo ka na ha?"
Yolanda: "Gusto ko nang umuwi!"
Lumayo na si Lola Lena sa pagrinig niya dito. Umupo na lang si Yolanda sa kanyang upuan.
Sa isang saglit, meron kumatok sa pintuan. Pumunta si Yolanda at binuksan ito. Sa pagbukas niya,
Pepe: "So, wala ka pang kasama diyan diba Yoli?"
Dahil sa walang katao-tao, nagyakapan ang dalawa.
Yolanda: "Pepe, miss na miss kita."
Pepe: "Miss na rin kita bebe ko."
Yolanda: "Oh, ang bango mo."
Pepe: "Aww shucks, salamat. Yun pala, kumusta na ang bebe ko sa mga lessons niya?"
Yolanda: "Well, pretty good actually. Hehehe."
Pepe: "Sure?"
Habang nag-iisip siya ng sagot, pumasok na ang isa sa mga kaklase niya.
Pepe: "So, sure?"
Yolanda: "Wala! Punta ka na sa classroom niyo!"
Kumunot ang noo ni Pepe sa pagkarinig niya dito.
Yolanda: "Shoo!"
Lumayo si Pepe dahil dito, at nag-dial siya sa kaniyang cellphone.
Pepe: "Hello Lola?"
Yolanda: "Hello Iho, 'musta diyan?"
Pepe: "Nagsisimula na naman si Yolanda, Lola"
Yolanda: "Hala, hayaan mo lang siya, magbabago mamaya ang kaniyang isip, hayaan mo lang ng saglit."
Pepe: "Ok Lola, salamat po"
Pagkababa niya ng cellphone, lumabas si Yolanda sa kaniyang classroom at papunta sa CR. Meron na nag-notify sa kaniya sa cellphone. Sa pagkita niya ito,
"Punta ka dito sa CR. Meron akong sasabihin"
Pumunta si Pepe sa CR. at doon,
Yolanda: "Pepe, sorry na Pepe kanina."
Pepe: (huminga ng malalim) "Hay, Yoli. Bakit ka nagganyan sakin?"
Yolanda: "Kasi, andaming tao kanina, at ayaw ko namang nahihiya."
Pepe: "Ayy, ok gets ko. Pero please magsabi ka ng warning kapag ganon ha? My heart can't take it kung ganon ka kasi sa'kin."
Yolanda: "Pepe..."
Pepe: "Yoli, alam mo naman na mahal na mahal kita. Wala akong iba, kundi ikaw"
Yolanda: (naiiyak) "Aww, Pepe"
Pepe: "Alalahanin mo yun Yoli, nandito ako para sa 'yo."
Yolanda: "Aww, Pepe, ikaw talaga ha, ang sweet mo."
Pepe: "Hey, what can I say, ikaw lang."
Nagyakapan ulit ang mga dalawa, at pumunta na sila sa kanilang mga classrooms.
Sa pag-upo ni Yolanda sa kaniyang upuan, lumapit ang isang nagngangalang Jennifer Judith Silang, o mas kilalang "Jenny" o "Jenang", ang best friend ni Yolanda.
Jenny: "Yol, tapos mo na Religion mo?"
Yolanda: "Oh, ako pa? Of course ha, tapos ko na Jenang"
Jenny: "Sheesh, sana ol"
Sa katotohanan, nung isang gabi, nagpaturo si Yolanda kay Pepe tungkol sa kaniyang Religion subject. Dahil natatamad na itong magsaliksik sa internet, si Pepe na ang nagsaliksik at gumawa ng kaniyang takdang aralin, habang siya naman ang nagsulat.
Jenny: "Sana ol tapos na talaga, ang sipag mong mag-aral"
Yolanda: "Heh, wala yan, parang piece of cake lang"
Sa kabilang dako naman, makikita na nagsasaliksik na naman si Pepe tungkol sa kasaysayan ng kanilang lungsod. Nagbukas ang pinto at pumasok si Miguel Ramirez o mas kilalang si "Migs", ang kaniyang best friend.
Pepe: "Pre! Musta lakad mo sa Bautista?"
Migs: "Ok naman, andaming nasugatan sa karera kaya"
Pepe: "Ayweh?"
Migs: "Oo, may pako kasi na nagulungan ng isang siklista, at doon na nagkakabundolan na ang sumunod. Pero wala namang serious injury doon."
Pepe: "Hala, buti ok na"
Migs: "Yeah, yun pala. Musta na kayo at ang jowa mo?"
Pepe: "Well, muntikan na nagpasiklaban ng apoy, pero at least may tubig"
Migs: "Ah yes, buti nagkaayos kayong dalawa?"
Pepe: "Well in a way, parang need lang namin ng explanations para magkaintindihan kami"
Migs: "Yeah, ganon kami rin at ang jowa ko. Pero, respetuhin mo lang siya at ok na. Ganon ang totoong relationship"
Pepe: "Oo nga"
Sa meryenda, lumabas si Pepe sa classroom at nagtambay na sa hallway. Bitbit niya ang isang plastic na merong chips, biscuits, at chocolate at ang kanyang meryenda. Dumating si Yolanda na nakahawak ng isang papel.
Yolanda: "Pepe, tignan mo to ha"
Pepe: "Eh, ano 'to?"
Yolanda: "Basta, nandiyan"
Pepe: "Sigi"
Binuksan ni Pepe ang papel at nakalahad doon,
"Dear Ms. Paa,
We are happy to invite you on October 8, 2023 at the Nuestra Senora dela Caridad Hall or the Auditorium for the 1st Grading Recognition Program as your son/daughter has achieved"
Napangiti si Pepe dahil dito.
Pepe: "Pwede ba ako pupunta?"
Yolanda: "Of course ha, ikaw naman yung nagturo sakin eh"
Dumating naman si Jenny.
Yolanda: "I mean, hindi maaari, che!"
Pepe: "Ok, alam ko gutom na kayong dalawa, punta na tayo sa canteen"
Sa canteen, andaming estudyante ang nakapila. Yung iba ay bumubili ng milk tea, yung iba naman ay nakikipag-usap at nakikipagchismisan. Nakita ni Jenny ang isa niyang kaklase na gusto niyang makausap at pumunta siya sa kaniya. Sa harapan ng counter,
Yolanda: "Pepe"
Pepe: "Yes Yoli?"
Yolanda: (tinuro ang lumpiang gulay) "Can...you....please?"
Pepe: "Wehh"
Yolanda: "Please"
Pepe: "Sige Yoli, ililibre kita sa gulay, basta huwag kang galit ha? Nakakatakot na ang ganon"
Yolanda: (tumatango)
Pumunta na silang dalawa sa isang mesa at doon na sila kumain, nag-eenjoy na mga binili nilang pagkain. Habang sila ay kumakain, masayang nagchismisan ang dalawa.
8Please respect copyright.PENANA1Jxu4phdJ2