Kabanata III: Lakbay sa Aral
Isang Biyernes, sa paggaling niya sa paaralan,
Lola Lena: "Yolanda Iha, punta ka na sa taas at magbihis ka na, alam ko na pagod na pagod ka sa Physical Education ninyo kanina"
Yolanda: "Wala yun, ang talagang pagod na pagod ako ay sa pag-aaral!"
Lola Lena: "Huy, nandiyan ka na naman, kalma ka lang"
Galit na tumaas si Yolanda papunta sa kaniyang silid. Nagbihis na siya at inilabas niya ang kaniyang cellphone upang magpatugtog ulit.
Sa kabilang dako naman, kauuwi naman ni Pepe galing sa tindahan, dahil bumili siya ng mga paninda ng kaniyang ina. Habang siya ay nagbibibihis, nagchat si Yolanda.
Yolanda: "Pepe, meron akong sasabihin na chismis"
Pepe: "Oh, ano yun Yoli?"
Yolanda: "Si Jenny may crush siya sa isang Grade 8 na estudyante!"
Pepe: "Hay naku, normal lang yan sa highschool at edad niyo nayan"
Tumawa si Yolanda dahil doon habang umiinom naman si Pepe ng kaniyang tea.
Pepe: "Oh, anong nakakatawa doon?"
Yolanda: "Akala mo lalake nu?"
Pepe: "Yeah?"
Yolanda: "Turns out, babae yun
Nang marinig niya ito, agad niyang idinura ang kanyang inumin.
Pepe: " Ano? Nagkacrush siya sa babae?"
Yolanda: "Yupyupsies. At, anak siya ng isang guro sa paaralan natin"
Pepe: "Ha, hindi ba natatakot si Jenny doon?"
Yolanda: "Uhm—"
Habang siya ay magsasagot sana, biglang sumingit ang kanyang lola.
Lola Lena: "Yolanda Iha, meron ka bang takdang aralin ngayon?"
Yolanda: "Ayy...wala JHAHAHAHAHAH"
Lola Lena: "Diyos Mio, nandiyan ka na naman. Kung meron kang takdang aralin, mag---"
Yolanda: "Oo nga pala, magsusulit kami bukas sa science!"
Lola Lena: "Oh ano, magchichismis ka pa ba? Magreview ka na Iha"
Yolanda: "'che!"
Sa puntong iyon, sumingit naman si Pepe.
Pepe: "You need some help Yoli? Nandito ako, ngayon may free time ako"
Yolanda: "Matanda..."
Lola Lena: "Magpareview ka na kay Pepe Iha, o ano, ma-iitlog ka bukas"
Yolanda: "Sige sige, basta tatawagan ka kung meron akong kakailanganin"
Lumabas si Lola Lena sa silid, at nagsimula na silang magreview.
Pepe: "Ok Yoli, makinig kang mabuti ha?"
Yolanda: "Sige"
Hindi naka-on ang video ni Yolanda, at habang nagtatalakay si Pepe, nagcecellphone pala si Yoli. Pumasok si Lola Lena at,
Lola Lena: "Hoy! Anong ginagawa mo Yolanda? Nagcecellphone ka?"
Yolanda: "Wow, ivinulgar mo pa? Meron lang ako chinachatan matanda!"
Lola Lena: "Magfocus ka muna nga sa iyong pagreview, nagrereklamo ka sa aral at ganyan ka?"
Yolanda: "Hay Oo na! Just shut up! Labas!"
Lola Lena: "Naku naku, nandyan ka na naman. Hintayin mo, umabot lang ito sa mama mo. Walang cellphone para makapagfocus ka Iha!"
Lumabas si Lola Lena sa silid na galit. Habang nakakunot na naman ang noo ni Pepe.
Yolanda: "Sorry kanina for the interruptions, Pepe"
Pepe: "Ok lang yun, Pero, ganyan ka ba talaga kay Lola mo?"
Yolanda: "Yeah, sorry, hindi ko kasi napipigilan kung ganon"
Pepe: "Yoli, matanda yun, siya ang nag-aasikaso at nagaalaga sa iyo, huwag mo naman siyang bastuhin ha?'
Yolanda: "Sanay na yun"
Pepe: "Naku, basta, huwag mo na siyang ganunin, kasi alam ko na---"
Yolanda: "Magreview na tayo, at sorry na tungkol doon"
Pepe: "Ok, so uunahin natin ang atom. Alam mo ba kung ano ang atom?"
Yolanda: "Uhm, an atom is...an atom the smallest unit of matter"
Pepe: "Hmm, ok. How about...ano ang element?"
Yolanda: "Uhm, an element is...each of more than one hundred substances that cannot be chemically interconverted or broken down into simpler substances and are primary constituents of matter."
Pepe: "Hmm, Parang pamilyar yung ibinagay mo na kahulugan ha?"
Yolanda: (nagpapawisan) "Uhm, HAHAHAH"
???: "Hoy ano yan?! Nagsesearch ka?"
Lumingon si Yolanda at nandun pala si Lola Lena.
Lola Lena: "Ano sinabi ko Iha?"
Yolanda: "Sige sige"
Pepe: "Ok, babasahin ko muna yung mga nakailahad na impormasyon at ipapaliwanag ko. Klaro?"
Yolanda: (humihikab) "Yeah"
Pepe: "Makatulog ka na Yoli? Hindi pa tayo nagsisimula"
Yolanda: "Paumanhin Sir hehe"
Pepe: "Ok, walang distractions ha?"
Yolanda: "Yes daddy"
Pepe: "Ha?"
Yolanda: "Magreview nga tayo beh"
Pepe: "Sige"
Nagsimula na magreview ang dalawa, mula sa Atoms, hanggang sa Atomic Number, at hanggang sad ulo ng lesson nila.
Kinabukasan, inihatid ni Lola Lena at Kiko si Yolanda sa paaralan. Habang naglalakad si Yolanda sa hallway, nakasalubong niya ang science teacher niya na si Mrs. Edralin.
Yolanda: "Good Morning ma'am"
Mrs. Edralin: "Good Morning too Ms. Paa"
Yolanda: "Hehehe"
Mrs. Edralin: "Ano, handa ka na ba sa pagsusulit natin sa science mamaya?"
Yolanda: "Ayy, hindi ko alam ma'am hehehe"
Mrs. Edralin: "Hindi ka nagreview nu?"
Yolanda: "Oo naman ma'am."
Mrs. Edralin: "Mabuti kung ganon."
Yolanda: (pabulong sa sarili) "Not really ma'am."
Mrs. Edralin: "Oo nga pala, pwede pa kayong magtanong bago kayo mag-umpisa sa pagsusulit ninyo ha?"
Yolanda: "Ok ma'am"
Sa pagbaba ng kaniyang bag sa kaniyang upuan, merong nagkatok sa pintuan ng kaniyang classroom.
Jenny: "Yol, nagreview ka para sa quiz?'
Yolanda: "Oh, ako pa? HAHAHAHAHAH"
Jenny: "Hala, hindi nakita yung notification ni ma'am huhu"
Yolanda: "Ano ginawa mo kagabi?'
Jenny: "Wala, maaga akong natulog kagabi"
Yolanda: "Anong maaga? Nakita kang active sa Messenger 10:30pm pa"
Jenny: "Uhm..."
Yolanda: "Let me guess, nagkakaFrancine ka na naman nu? HAHAHAHAH"
Jenny: "Anokamo?"
Yolanda: "Wala, aminin HAHAHAH. Nakalahad pa sa note mo noong gabi"
Jenny: "Anong note?"
Yolanda: "Pamilyar ba ito sa'yo?: Oh how I wish you're and romantic, parang France"
Jenny: "'che, just shut up Yoli, magreview nga ako"
Habang palabas sila sa kanilang classroom, nasa dulo naman ng hallway si Pepe. Sininyasang ni Pepe si Yolanda ng thumbs up. At sa pagtingin naman ni Yolanda sa kanya, nag-heart sign naman siya pabalik sa kaniya.
Pepe: (pabulong) "Galingan mo Yoli, wishing you with all my love"
Ngumiti naman si Yolanda sa kanyang sinabi. Lumabas naman si Migs sa classroom nila at si Pepe.
Migs: "Uyy Pare, ano yun? Hehehe"
Pepe: "Oh wala, magsusulit sila kasi ngayon pre"
Migs: "Oh, ikaw na ulit na nangreview sa kaniya nu?"
Pepe: "Well, free time ko naman kahapon pre"
Migs: "Sabagay, wala namang ipapasa ngayon. Ginamit ko lang oras ko kahapon para magPubG"
Pepe: "Mabuti naman pare, paano pala yun?"
Migs: "Basic lang. Gusto mo turoan ka ngayon wala pang mga iba?"
Pepe: "G! Tirang tira na ako ngayon, let's go!"
Bumalik sina Pepe at Migs sa kanilang classroom upang maglaro ng PubG. Sa kabilang dako naman, bumalik naman sina Jenny at Yolanda mula sa canteen at pumasok na sila sa kanilang classroom. Agad naman pumasok si Mrs. Edralin.
Mrs. Edralin: "Ok class settle down, lalong kayong mga lalake sa likuran!
Tumahimik na ang lahat.
Mrs. Edralin: "Ok, before we can finally get into our monthly assessment, magbalik-tanaw pa tayo sa ating mga lessons"
Ang Klase: "AwwL"
Mrs. Edralin: "Oh ano? Gusto niyong agad magsulit?"
Ang Klase: "Hindi po ma'am."
Mrs. Edralin: "That's what I thought, ok"
Pagkatapos ng kanilang lesson throwback, nagumpisa na ang pagsusulit. Kay Jenny, andami na niyang blangko sa papel. Pero kay Yolanda, bilang sa bilang, sinagotan niya ang mga ito ng maigi.
Pepe: "Alalahanin mo 'to ha bebe ko?"
Nakaukit na sa kaniyang isip ang mga isasagot niya dahil sa review na ginawa nila at si Pepe noong gabi.
Sa meryenda, lumabas si Pepe sa hallway at nagtambay na sa terrace.
Pepe: "Pre, ang hirap pala ng PubG"
Migs: "Huwag kang mag-alala, masasanay ka din"
Saglit lang, lumabas sina Jenny at Yolanda sa kanilang classroom at nilapitan nila si Pepe. Pagkalapit,
Migs: "Oh, meron ka palang company ha? You lucky duck, mauuna na ako byers!"
Pepe: "Excuse me, isa lang sa kanila ang Jo- Ok the time is up"
Jenny: "Mauuna na din po ako"
Yolanda: "Pepe, tignan mo ang papel ko"
Binuksan ni Pepe ang papel ni Yolanda at doon na nakalahad, 46/47.
Pepe: "Wow, very good Yoli, ILYSM!"
Yolanda: "Proud ka ba s'akin?"
Pepe: "Of course ha! Halika, punta tayo sa Mcdo, treat ka sa McFlurry!"
Yolanda: "That's my lovely jowa, let's go!"
Pumunta na silang dalawa sa Mcdo para kumain.
7Please respect copyright.PENANAkgotdts9PU