All rights reserved
95Please respect copyright.PENANAUeYBacUQJw
95Please respect copyright.PENANAbF668bGGOJ
No part of this book may be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted in any form or by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise, without the prior written permission of the author.
95Please respect copyright.PENANATbhpwadpmS
Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
95Please respect copyright.PENANAOlcgA8I1QW
95Please respect copyright.PENANAp1RXRHvzO4
PLAGIARISM IS A CRIME PUNISHABLE BY LAW.
95Please respect copyright.PENANA09cxzPb4UL
©DISTINCTLY_ERI 2021
You guys can follow me on Wattpad to read more of my stories :)
(Tagalog stories)
95Please respect copyright.PENANAlUCw4XgFJg
95Please respect copyright.PENANAvq5h5JGCRS
95Please respect copyright.PENANAery8N1fCji
__
95Please respect copyright.PENANAiL5HOjJOZg
"Ang panget panget non crush mo pa? Ano bang nakita mo don at deds na deds ka sa kanya?" Naiiritang komento ni Phoebe.
95Please respect copyright.PENANAvGdKS4cpIG
May point naman siya, ano nga bang nagustuhan ko sa lalaki na iyon eh hindi nga naman siya ganoong kagwapuhan?
95Please respect copyright.PENANAITnedowZ1X
Pero sabi nga nila diba wala iyon sa itsura kundi sa ugali. Masasabi kong mabait naman si Seth kahit maitim siya dahil probinsya ito.
95Please respect copyright.PENANAFJfBVIKyoB
Sa kabila ng pisikal niyang anyo ay ang kasipagan niya sa pagtatrabaho. Maaga silang naulila ng mga kapatid niya at ng nanay niya. Yung nanay niya ay minsan lang makapagtrabaho dahil sakitin, ang mga kapatid niya nasa elementarya palang habang si Seth at ako ay mag g-grade 11 na sa next school year.
95Please respect copyright.PENANADtnjLD8bVJ
Life is always tough ika nga nila pero parte daw iyon ng pagiging malakas. Edi ibig sabihin non ay gusto ko siya dahil malakas siya?
95Please respect copyright.PENANAWvGvexeFHt
Bakit parang nakikita ko naman na may future kaming dalawa? Minsan naiisip ko nalang na nababaliw na ako dahil crush ko talaga si Seth kahit di naman siya kapansin pansin, pinansin ko lang talaga dahil pinagtatawanan siya ng mga kaklase ko dahil lahat gagawin niya magkapera lang.
95Please respect copyright.PENANAq4ImNxdsPC
Napabuga ako ng hangin at sinagot si Phoebe. "Basta! Hindi ko alam! Saka wag mo ipagkakalat yon ha? Kundi sasabunutan kita." Pagbabanta ko sa kaniya.
95Please respect copyright.PENANAbnYnbDD1yJ
Sabado ngayon at nasa may tindahan kami na may upuan sa magkabilang gilid. Actually kanina pa kami dito nagchichismisan. Nasa opposite side si Phoebe kaya magkaharap kami.
95Please respect copyright.PENANAZVTByHTtCN
"As if namang may magkaka interes kapag pinagkalat ko yan." Tugon niya.
95Please respect copyright.PENANArzUG9KB1ft
Hindi ko nalang sinagot dahil may point naman siya.
95Please respect copyright.PENANAQBq4B6m4mi
Umiinom kami ngayon ng soft drinks at yung pinaka murang chocolate bar. Gumawa kasi kami ng group work namin at kanina lang natapos.
95Please respect copyright.PENANAVi3bYnqOY9
Pasado alas dose na kaya grabe ang sikat ng araw kahit september na.ano bang magagawa namin? Nasa probinsya kami kaya tiis tiis nalang. Pagka December naman ay malamig nagjajacket kami minsan.
95Please respect copyright.PENANA2eNmqbT8dA
Ano na kayang ginagawa niya? Pakiramdam ko nagtatrabaho siya kahit ito na dapat ang oras niya para magpahinga at gawin din ang group work.
95Please respect copyright.PENANA8v8SbtjkOI
Kahit di kami magkaklase halata naman na pare-pareho lang ang mga pinapagawa ng subject teachers.
95Please respect copyright.PENANAR3NJeTsDE7
Hindi ko alam basta simula ng napansin ko siya naging ganito ako, palagi ko siyang hinahanap at hinihintay kapag nasa school. Ang lakas ng tama ko, hindi ko alam kung ano ba ito. Kakaiba at ngayon ko lang naramdaman.
95Please respect copyright.PENANAtwF478aQiy
Nakakabaliw dahil sobrang nahihiya ako sa kaniya at hindi ko masabi na gusto ko siya kasi friends kami kahit di ganoong close at higit sa lahat pinagtatawanan siya ng iba dahil sa lahat talaga gagawin niya.
95Please respect copyright.PENANAIq0kqGxVNj
Wala akong nakikitang mali doon, maliban sa inggit ng mga tinatawanan siya dahil si Seth kumikita na. Feeling mga taga Maynila e pare-pareho lang naman kami ng estado sa buhay.
95Please respect copyright.PENANAH45U4oYupe
Pinagtagpi tagpi lang din ang mga bahay. Hindi naman kasalanan ni Seth na mahirap sila at namatay pa ang nag iisang inaasahan nila sa buhay.
95Please respect copyright.PENANAaIOjf1ADnx
Tumayo si Phoebe at inaya ako. "Tara punta tayo sa may sakahan pupuntahan ko yung kapatid ko pati si Papa."
95Please respect copyright.PENANA42ofz7UjQJ
Tumayo na din ako at nagsimula na kaming maglakad. Habang naglalakad ay hawak namin ang soft drinks na may maraming yelo at sa kabila naming kamay ay mga tigpipisong pagkain.
95Please respect copyright.PENANAQX9PEv0b6T
Inilabas ni Phoebe ang payong niya kaya sumilong ako doon at sabay naming tinungo ang palayan na malapit sa paanan ng bundok.
95Please respect copyright.PENANAJ3NGo7MkSb
Sa may silong kami pumunta dahil nga mainit at hapon na. Kahit na mahirap kami ay ayoko pa ring masunog ang balat ko.
95Please respect copyright.PENANAuyXxtjJC8P
"Papa!!!" Tawag ni Phoebe sa tatay niya at iniwan niya ako sa may silong.
95Please respect copyright.PENANAJKYL8miKU3
Patuloy lang siya sa pagtawag at paghahanap sa tatay niya na nasa kabilang dulo pa yata ng palayan.
95Please respect copyright.PENANAyF7Tasbcd6
Ekta-ektarya ang palayan pero wala man lang para sa ibang magsasaka. Nakikisaka lang dito sina Phoebe at ang bayad ay dalawang sako ng bigas.
95Please respect copyright.PENANAntNveODOl2
Dito sa amin mababa lang ang presyo ng isang sakong bigas pero kapag nasa Maynila sobrang laki ng patong at umaabot na ng isang libo.
95Please respect copyright.PENANAQ9eo4H0ZLQ
Parang pang tuition na yan dito sa probinsiya eh. Hanggang ngayon nagtataka ako bakit mas mayaman ang konsumer kaysa sa naglalabas ng produkto.
95Please respect copyright.PENANA4rtfn1F2f5
Ang unfair lang tignan. Natanaw ko si Phoebe na kinakausap ang tatay niya na balot na balot ang buong katawan kahit sobrang mainit. Mayroon pa itong katabi na kalabaw na kasama nito sa pagsasaka.
95Please respect copyright.PENANAgPb74Ah29p
"Bakit nandito ka?"
95Please respect copyright.PENANAJgTwRojdXg
Napalingon ako sa nagsalita walang iba kundi si Seth na doble doble din ang suot may suot na ngang sumbrero may pa long sleeves pa.
95Please respect copyright.PENANAkcises10M6
Napakurap kurap muna ako bago ko siya sinagot, nakakagulat naman kasi siya. "W-wala lang, hinihintay kasi ni Phoebe yung Papa niya, yon.. sinamahan ko lang."
95Please respect copyright.PENANAhn5F7S7uee
Ngumiti siya sa akin at nagsalita. "Wala daw pero ang dami mong sinabi." Iniwas ko agad ang tingin ko at tinignan sina Phoebe at ang tatay niya.
95Please respect copyright.PENANAMmN6SixW1A
Sandali. Nang aasar na ba siya niyan?
95Please respect copyright.PENANAMp9d5kxuJk
Parang nagbago siya ngayon. Hindi siya yung katulad sa school na tahimik lang, maikli magsalita, yung mga tunay na kaibigan lang ang sinasamahan.
95Please respect copyright.PENANAmvNbRGi69E
Nilingon ko siya ulit at tinanong ng pinaka nakakatangang tanong. " Eh ikaw anong ginagawa mo dito?"
95Please respect copyright.PENANABwguqyZF5R
Humagikgik siya ngunit mahina lang. "Obvious naman sa suot ko diba?"
95Please respect copyright.PENANALpsJPcPNNW
Napangiti nalang ako dahil ngayon ko nalang siya ulit nakitang matawa. Alam ko lagi siyang nahihirapan kahit di niya sabihin.
95Please respect copyright.PENANAfaLJaT9kQy
Ang mga mata niya ay parang kinakausap ako minsan kung ano ba talaga ang totoong damdamin niya.
95Please respect copyright.PENANAE9t3YTYq5Q
"Natapos mo na ba yung group activity?" Pagbabago ko ng topic.
95Please respect copyright.PENANAaotHI7cdEv
Naconscious lang ako bigla dahil baka sa kakatrabaho niya hindi na pala siya gumagawa ng mga dapat niyang gawin as a student.
95Please respect copyright.PENANAoRyaqhggWZ
"Oo natapos ko na." Sinundan niya pa ng tawa bago nagpatuloy. "Grabe ka naman maging concern Jeny."
95Please respect copyright.PENANAaLHxuUVWxw
Tinubuan ako bigla ng hiya sa katawan. Nagiging halata na ba ako na may crush ako sa kaniya? Nakakahiya, paano na ba to? Ang tagal kasi ni Phoebe eh.
95Please respect copyright.PENANAFr30TZem0h
"Oh natahimik ka?" Nag aalala niyang tanong. "Na offend ba kita may sinabi ba akong masama?"
95Please respect copyright.PENANAdQFzsaAdXq
Mahina akong natawa sa sinabi niya. "Hindi noh! May iniisip lang ako."
95Please respect copyright.PENANAJVXSysNao5
"Sino naman yan?" Tanong niya at umupo siya sa tabi ko.
95Please respect copyright.PENANAPiFzME4Bvy
May halos isang ruler kaming pagitan at mas lalo ko lang naramdaman yung pagka ilang dahil sobrang lapit namin sa isa't isa at parang kinukuha niya lahat ng hangin.
95Please respect copyright.PENANAbePcojzxdM
"Anong sino? Baka ano?" Bakit ako nagtataray sa kaniya?
95Please respect copyright.PENANAPKMYgp1bMH
Nakita ko sa peripheral vision ko na uminom siya sa may metal niyang baunan ng tubig.
95Please respect copyright.PENANAEsdESYZnVb
Napapikit ako sa sunod niyang tanong. "Oh ano nga."
95Please respect copyright.PENANABN71x2x0a1
Napapunas ako sa aking noo dahil sa tumatagaktak na ang pawis ko dahil sa katabi ko.
95Please respect copyright.PENANAlk3exnVm8f
"W-wala. Wag mo na alamin." Seryosong sambit ko para wala na talagang kasunod ang tanong niya.
95Please respect copyright.PENANAuAj6I7kkkZ
Tumango siya at tinago niya ang baunan niya ng tubig sa bag na nasa likod niya.
95Please respect copyright.PENANAePyx4agpoA
"Ayan na pala yung kaibigan mo. Sige mauna na ako." Pamamaalam niya bago siya tumayo at bumalik sa may imbakan ng palay at bigas.
95Please respect copyright.PENANAvpAUXMH0qJ
Saktong pag dating ni Phoebe ay ang paglingon ko sa kaniya.
95Please respect copyright.PENANAOXN35CttbM
"Oh ano yon?" Usisa niya at siya naman ang tumabi sa akin.
95Please respect copyright.PENANAoTo6tVWtgA
"Wala yon." Dahilan ko kahit sobra sobrang meron talaga.
95Please respect copyright.PENANA5FC8rVH3No
"Wala daw." Pagpupumilit niya kaya nagseryoso ako at di siya tinatapunan ng tingin habang nagsasalita.
95Please respect copyright.PENANAiQS79eeoTk
"Hoy ano nga? Ikaw ha." Pagbabanta niya pero nginitian ko lang siya.
95Please respect copyright.PENANA3oFgPzjfUN
"Wala nga iyon.. asa ka naman na kakausapin ako non. Tumambay lang siya dito tapos kinuha ata yung gamit niya." Pahabol ko.
95Please respect copyright.PENANAb4eSeVvHrK
Ayoko lang talaga maissue sa school at malaman pa ng iba na gusto ko siya.. si Seth. Ayokong dagdagan ang problema niya sa mundo.
95Please respect copyright.PENANAQWR9RhE3Gd
"Nag usap kayo?" Tanong niya pa ulit pero tumanggi ako.
95Please respect copyright.PENANAr4sBfqgw8b
Inayos niya ang gamit niya bago kami sabay na umalis ng palayan at pauwi na sa kaniya kaniyang bahay.
95Please respect copyright.PENANAlAnq6iVKUY
031721
95Please respect copyright.PENANA5kvd82NSay
95Please respect copyright.PENANAACpf4veJ1i