Kabanata I: Panimula
Sa isang tahimik, maunlad, at makasaysayang lugar sa lalawigan, makikita ang paglabas ng mga tao sa kanilang mga bahay, para may gagawin sila. Yung mga iba ay nagjojogging, yung iba ay tulog pa. Yung mga iba ay pumunta sa tindahan upang magbenta at bumili, ang mga misis naglalaba, at mga tanod nagroronda. Sa isang maliit na bahay na nasa puso ng bayan ng Basi, sa isang maliit na silid, nakahiga at nakikinig ng musika ang isang babae. Siya ay si Yolanda Mae Paa, ang dalagita ng kanilang bahay. Isa siyang Grade 7 na estudyante na nag-aaral sa Divine Word College of Burnayan sa lungsod ng Burnayan. Hindi siya masyadong lumalabas sa kanilang bahay, pero meron naman siyang mga kaibigan sa online. Kahit maraming ginagawa ang kanyang mga kasama sa bahay, gusto niyang ipina-abot ang lahat.
Pagbukas ng pinto sa kaniyang silid, naaamoy na ang adobo na linuto ng kaniyang lola na si Elena Paa o Lola Lena kung simple lang. Mula pagkabata ni Yolanda, si Lola Lena ang nag-aalaga sa kanya, kapag wala si mama niya. Masipag magtrabaho ang kaniyang pamilya, ngunit si Yolanda, ay parang pa-easy-easy lang ang buhay.
Lola Lena: (masaya at may ngiti sa labi) "Yolanda Apoko, halika na, kumain ka muna, nandito ang paborito mong Adobo"
Inabot ni Lola Lena kay Yolanda ang pagkain at habang kumakain si Yolanda, nagcecellphone siya.
Lola Lena: "So, kumusta kayo at si Pepe Apoko?"
Biglang nabulunan si Yolanda dahil dito.
Yolanda: (naiinggit) "Ha? Bakit mo tinatanong matanda?!"
Lola Lena: "Kalma, kalma Yolanda. Nandyan ka na naman"
Yolanda: "Hmmph! Ba't ka kasi nakikialam"
Lola Lena: "Apoko, alam ko naman kung ok kayo o hindi, kasi nag-aalala ako sa inyong pag-ibig sa isa't-isa. Lalo na mas bata ka sa kanya"
Yolanda: "Hmmph!"
Dahil sa estilo ng pag-uusap at paglabas ng pag-iinggit ni Yolanda, lumabas si Lola Lena sa kaniyang silid.
"Naku Yolanda, kailan ka kaya magbabago para sa kabutihan?", bulong ni Lola Lena sa kaniyang sarili.
Sa kabila ng kanyang mga alalahanin, si Yolanda ay nagpatuloy sa kanyang pag-aaral. Siya ay matalino at masipag, ngunit madalas ay napapagod sa mga expectations ng kanyang mga guro at kaklase. Ang tanging nagpapalakas ng kanyang loob ay ang kanyang pangarap na makapagtapos at makasama muli ang kanyang ina, at ang kinabukasan nila at si Pepe.
Sa bayang timog ng Lungsod ng Burnayan, makikita ang paghahalaman ng isang lalaki. Ang lalaki ay walang iba kundi si Jose Maria Balweg, o mas kilala na Pepe, ang boyfriend ni Yolanda. Siya ay isang Grade 12 na estudyante na nag-aaral din sa Divine Word College of Burnayan. Kahit malaki man ang agwat ng kanilang edad at si Yolanda, "age doesn't matter" ang motto nilang dalawa.
Pepe: "Pagtingin ko sa Vietnam Rose na ito, lagi ko siyang naaalala, ang kulay na dilaw"
Pagkatapos niyang maghardin at magdilig, pumunta siya sa kaniyang silid upang gumawa ng kaniyang pananaliksik tungkol sa "hugas bigas" bilang isang natural sa pagpataba ng mga halaman. Sa pagbukas ng kaniyang laptop, meron nag-"ting" at yun na pala si Yolanda.
Yolanda: "Pepe"
Pepe: "Ano yun Yoli?"
Yolanda: "Wala, miss lang kita eh hehe"
Pepe: "Aww"
Habang nagrereply si Pepe, binuksan ng kaniyang ina ang pinto at meron siyang ipapagawa kay Pepe. Tumugon siya dito at nagreply,
"TTYL Yoli, maglilinis lang ako"
Masunuring anak si Pepe. Isa siya sa mga Top 10 na estudyante sa kanilang klase.
Sa kabilang banda, kahit nagreply man si Yolanda ng "Ok beh", naiinggit na naman siya. Pagbukas ng pinto, nakita ni Lola Lena ang nakasimangot na mukha ni Yolanda.
Lola Lena: "Yolanda, meron bang problema ija?"
Yolanda: "Wala! Yung magaling mong apo, iniwan niya ako dito mag-isa na naman sa Messenger ko"
Lola Lena: "Haysst, Yolanda, kalma iha. Parang hindi mo alam kung sino si Pepe, masipag na bata yun, at mapagmahal siya sa kaniyang pamilya"
Yolanda: "Oo nga, pero parang gusto ko rin na maipadama niya ang pagmamahal na 'yon sa akin"
Lola Lena: "Hay naku, maghintay ka lang, at magpasalamat ka, na may jowa kang ganon at hindi barumbado. Nabalitaan ko sa Facebook, andaming barumbado doon, gusto mo ng ganon?"
Yolanda: "Hindi"
Lola Lena: "Gaya ng sabi ni mama mo, sapat na si Pepe para sa iyo"
Tumango si Yolanda at hindi makapagsalita dahil nagblublush na ito.
Lola Lena: "Oo nga pala, magflaflight si Tita Lily mo dito mula Canada"
Yolanda: (parang excited) "Dapat papuntahin natin siya dito! Nabalitaan ko, meron siyang mug para sakin"
Lola Lena: "Nakakahiya naman Iha"
Yolanda: "Pero gusto ko nga!"
Lola Lena: "Hay naku, nandiyan ka na naman Yolanda, kalma"
Yolanda: "Paano ako kakalma ha?! Kung nakikiaalam ka sa mga bagay na hindi mo dapat pinakikialaman! At gustiong-gusto ko nga yung mug ni Tita!"
Dahil sa galit ni Yolanda, lumabas si Lola Lena sa kaniyang silid at tinawagan niya si Pepe.
Lola Lena: "Pepe, Iho, nandiyang ka ba?"
Pepe: "Yes po lola, anong nangyari po?"
Lola Lena: "Nagsisimula na namang umalburoto ang jowa mo iho"
Ipinaliwanag ni Lola Lena ang nangyari at sinabi niya rin na hayaan nila na mag-cooldown si Yolanda.
Pagkalipas ng isang oras, hindi na niya natiis ni Pepe, at nagchat na ito kay Yolanda.
Pepe: (sa telepono, nakangiti) "Hi, Yoli! Kumusta ka na? Meron ka bang problema?"
Yolanda: (ngumiti, ngunit may halong pag-aalala) "Hi, Pepe. Miss na kita Pepe, alam mo ba yung nangyari kanina"
Pepe: "Alam ko na 'yon, ikwinento ni Lola mo sa akin"
Yolanda: "Ahh oo nga pala, Pepe, sorry na Pepe, hindi ko nakita yung mga salita ko na naman"
Pepe: "Ok lang yun Yoli, pero kay Lola mo ang paghihingian mo ng tawad ha?"
Yolanda: "Yun nga, huhu"
Pepe: (may pag-aalala) "Yoli, lagi mong tatandaan na nandito lang ako para sa'yo. Kahit anong mangyari, nandito ako."
Yolanda: (bahagyang napaluhang ngiti) "Salamat, Pepe. Ang swerte ko na nandiyan ka para sakin."
Pepe: "Aww, anytime sweetcakes ko, basta ingatan mo ang mga salita mo ha?"
Yolanda: "Of course naman lovey!"
Habang magkalayo, patuloy ang kanilang relasyon sa kabila ng mga pagsubok. Alam ni Yoli na hindi magiging madali ang kanilang landas, ngunit naniniwala siyang sa tulong ni Pepe at ni Lola, makakayanan niya ang lahat ng hamon.
10Please respect copyright.PENANA1M2fRMZvco