Blur
Hindi muna ako umuwi nang matapos ang misa. Instead, dumaan ako sa malapit na park, just a few steps away from the church. The park wasn't that big, but was spacious enough. In the middle, there was a resplendent circular fountain with a graven image of a little angel. The fountain was surrounded by concrete benches, purposely made for people who'd rather listen to the relaxing sounds produced by the jets of water, kaysa pagtuunan ng pansin ang mga nakakarinding pagtalak ng ibang tao.
Naupo ako sa two-seater swing at pinagmasdan ang mga batang naglalaro. May mga masayang nagpapadulas sa slide, lumalambitin sa monkey bars, at nagpapalipad ng saranggola. Nakakatuwa dahil ang iba sa kanila, kasama pa ang mga magulang nila. Noon kasi, palaging ang nanny ko lang ang kasama ko. O kaya naman si Levi at Ate Faye. Hindi rin naman mahilig lumabas no'n si Kuya dahil puro siya PS4.
These children... They seemed so happy... and unbothered. Ang sarap sigurong bumalik sa pagkabata. 'Yung mga panahon na wala ka pang masyadong iniintindi. 'Yung ang problema ko lang, kung anong palusot ang p'wedeng sabihin para payagang lumabas. Hindi kasi p'wedeng paulit-ulit. Problema ko rin pala kung paanong uutuin si Manang Beth. Lagi niya kasi akong pinapatulog tuwing hapon. Nakakapagod din kaya magtulug-tulugan. 'E asungot din no'n si Kuya. Palagi niya 'kong sinusumbong kay Manang Beth. Pinepeke ko raw ang tulog ko. Palibhasa 'di niya na kailangang magpanggap. Batugan kasi siya noon.
Tapos dati rin, sugat lang sa tuhod ang problema ko.
Hindi gaya ngayon...
Adulting really sucks.
"Hindi ka nagsabing pupunta ka..."
I turned my head to see who it was. 'Di ko nga alam kung bakit pa. 'E halos kabisado ko na ang boses niya. Hindi na siya nakasuot ng puting sutana. Stripes na polong asul at khakis na ang suot niya. Humawak si Jehoram sa magkabilang gilid ng swing, inirapan ko siya. Pinanood kong muli ang mga bata habang tinutulak-tulak niya ako.
"Kailangan bang magreport muna sa sakristan bago magsimba?"
He chuckled. "Sungit," bulong niya. Hindi man lang nag-effort para hindi ko marinig.
"Bakit ba nandito ka? Tapos na service mo?"
"Nagpaalam na 'ko. Pupunta pa 'kong palengke 'e."
"Ikaw ulit mamimili?"
"Magbabanat ng buto."
Binitiwan niya ang swing. My eyes followed him when he occupied the other seat. Magkadikit lang ang seats namin kaya nang lakasan niya ang pag-ugoy, napaangat din ang dalawang paa ko.
Jehoram was hard-working. It was too plain to see. Kahit hindi banggitin ni Mang Diego at ni Margarette, kapansin-pansin naman. And he was an Altar server too. Paano niya napagsasabay-sabay ang lahat ng 'yon? Considering na madalas ko rin siyang makita sa ospital para bantayan ang kapatid niya.
Siguro nga gano'n talaga.
If there's a will, there's a way.
Kahit gaano pa kahirap. Kahit nakakapagod. Kapag talagang diligent ang isang tao at hell-bent na may mapatunayan, palaging may naiisip na paraan. Maliban sa pagsuko. There's always a better option than giving up. Actually, hindi nga 'yon option 'e. Kasi kahit ang hirap-hirap na ng buhay nina Jehoram, naitataguyod niya naman. Kung makangiti nga siya, parang wala ng bukas 'e. He could even find time to serve Him.
And take note... He's doing it without even a single complain.
I was just wondering... did he ever have a girlfriend?
Magaling naman siya sa time management 'e. Baka naisisingit niya rin sa oras ang babae niya?
"Can I ask?"
"Can I not answer?"
Inuntog ko ang siko ko sa tagiliran niya. "Hindi ka talaga matinong kausap!"
He laughed. "Sure..." Tumango-tango pa siya. "'Wag lang number ko ah? I don't text."
"Ang hangin!"
He grinned. "Ano na ngang tanong mo?"
I pursed my lips, nagdadalawang isip. Hindi ata magandang idea na itanong 'yon. But I guess there was no harm naman? Oo at hindi lang naman ang sagot.
"Nagka-girlfriend ka na?"
He was caught off guard. His feet skidded to the ground. The swing halted, napakapit tuloy ako nang mabilis sa gilid. Jehoram's mouth was ajar, mangha ang mga matang tinutunaw ako sa tingin.
"Hoy 'wag kang assuming! Curious lang ako. 24 years old ka na kasi tapos isip 14 years old ka pa rin. Naisip ko lang na baka kulang ka lang sa kilig."
Umangat ang gilid ng labi niya, mukhang may sasabihin na namang hindi maganda.
"Ano ngayon kung kulang ako sa kilig? Pupunan mo?"
"What?!"
Bumilog ang mga mata ko. Sabi ko na nga ba! Hindi siya magkamayaw sa pagtawa. He was taking the mickey out of me again. Lagi na lang! Nagiging hobby niya nang asarin ako. He even had the audacity to pinch my cheek, tapos ay nilakasan ang pag-ugoy ng swing. Parang tanga.
Tumigil lang siya nang makaramdam kami ng mga patak. Tumingala ako, pinansala naman niya ang palad niya. The swing came to a halt. Ang mumunting patak ay lumaki at naging malakas. Hanggang sa sunod-sunod na ang pagbuhos ng ulan.
"Come..."
Mabilis na tumayo si Jehoram at hinatak ako. Nagpatianod lamang ako, yakap-yakap ang bag, habang pinangsasangga niya sa ulo ko ang malalaking braso niya. Truth was, hindi iyon sapat dahil nababasa pa rin ako. Nang makarating tuloy kami sa gilid ng isang convenient store, pareho kaming basang-basa. Nakisilong kami sa maliit na bubong, nagtataka kung bakit hindi na lang kami pumasok. He just handed me a towel, I thanked him habang pinapagpagan niya ang katawan niyang basang-sisiw.
"For your peace of mind, wala pa kong nagiging girlfriend. Nanay ko lang tsaka si Annie." Hindi pa rin siya nakakamove-on sa tanong ko. "Ikaw? May naging boyfriend ka na?"
I made my eyes narrower. Bago pa 'ko makapagsalita— or say, makapang-asar— hinarap niya na sa 'kin ang dalawang palad para pigilan.
"Oh! 'Wag ka ring assuming!"
Humalakhak ako at sinuntok ang dalawang palad niya.
"Meron!"
"Daddy mo tsaka sina sir Bailey?"
I was about to answer no dahil ang totoo, engaged na 'ko, nang biglang bumukas ang pinto sa gilid ko. Napalingon kami pareho. Kasabay ng pagtunog ng door chime, lumabas ang isang pamilyar na babae.
Sobrang pamilyar.
She's wearing a halter dress and a killer heels. Nakakulot ang bronze na buhok, naka-full bangs. Lalo tuloy nagmukhang maputla ang balat niya. May kasama rin siyang pamilyar na babae, si Naiah. Kinuha ng isang body guard ang bitbit nila. Halatang galing pa sila sa pagtawa. Naiah noticed my presence. Mabilis niyang kinalabit ang kaibigan para mapansin ako.
Hindi nagtagal ang tingin sa 'kin ni Thaliya. It lingered to the hulky man beside me. Nang muli niya 'kong balingan, nakaangat na ang kilay niyang on fleak. Wala siyang sinabi at tumalikod na, kinawit ang payat na braso sa kaibigan. Naiah just smiled at me, I nod. Hindi ko na narinig ang sinabi ni Thaliya sa kaniya. But based on the sudden drop of Naiah's jaw, it seemed unwell.
"'Di ba anak ng pangulo 'yon?"
Tipid akong ngumiti kay Jehoram at tumango. Of course he knew her. 'E sa pagkakaalam ko nga, nagbibigay rin ng donations si Thaliya sa mga simbahan.
"Uwi na 'ko..."
"Hatid na kita."
Umiling ako. "Pupunta ka pang palengke 'di ba? Tsaka, magtataxi ako."
He pinched my nose, napahawak ako roon, scowling at him.
"Mahal magtaxi. Magtipid ka nga!"
"'E pa'no ako uuwi? Wala si Mang Diego, nasa Antipolo kasama si Mommy. Dala nila 'yung Chevro."
He just winked at me. The next thing I knew, nasa loob na kami ng convenient store. May available seats naman doon kaya naupo muna kami. Nakuha pa ni Jehoram manlibre ng Siopao. Asado sa 'kin, sa kaniya naman ay 'yung may ube— which was so weird.
"May mga bagay talagang weird sa mundo. Ang boring naman kung wala 'di ba? Alam mo, minsan, kailangan mo ring lumabas sa comfort zone mo. Hindi porque dito ka sanay, dito ka na lang palagi. Malawak ang mundo. Exciting ang buhay. Explore."
Umirap ako. "Ang dami mong sinabi. Ang sabi ko lang naman, mas masarap ang asado!"
"Sabi mo kaya, weird 'to." Kumagat siya nang malaki sa siopao.
"Weird naman talaga!"
Hirap siyang lumunok. "Lahat ng bagay kung 'di mo susubukan, weird. Ang pagkain, kahit paborito, nakakasawa pa rin. Lalo na kapag paulit-ulit. Try something new," aniya at hinigop ang root beer.
"Loyal ako sa asado. Ayoko nga ng ube!"
He clicked his tongue, hinati ang siopao. Bumilog ang mga mata ko nang ma-realize kung anong gagawin niya.
"Hoy! Ayoko niyan, 'wag mo subukan!" I panicked nang bigla niyang hablutin ang siopao ko. "Jehoram! Ano ba! Ayoko nga ng ube! Ibalik mo 'yang siopao ko!"
"Tikman mo muna 'to." Nilapag niya ang siopao na ube flavor sa tray. I whined. Ngumisi naman siya sa 'kin. Papansin talaga! "Masarap, promise."
Nakipagtitigan ako sa siopao, nakanguso. Ayaw ko talaga sa itsura. Parang binaboy ang walang kamuwang-muwang na tinapay. Parang siopao na pininturahan ng violet. Ano 'to? Pagkain ng alien?
Malawak pa rin ang ngisi ni Jehoram. I sighed, defeated. Lumunok ako nang malalim, dinampot ang tinapay. Titikman ko lang naman. Kapag 'di ko nagustuhan, ibabalik ko kay Jehoram. Bahala siya diyan.
Kinagatan ko nang maliit ang siopao. Tinapay lang ang nalasahan ko. So far, 'di naman siya nakakalason. I wasn't satisfied with the first bite, kaya kumagat ako nang mas malaki, hanggang sa nalasahan ko ang palaman. I made sure to savour it properly. Kapag may nalasahan akong 'di maganda, baka idura ko 'to sa harap niya. Good thing, wala naman. I haven't tasted anything weird. Hindi naman pala masama. Pangit lang talaga ang kulay.
Jehoram pursed his lips, nagpipigil ng tawa. Inirapan ko siya at kinagatan muli ang siopao. Epal!
Nagpatila kami ng ulan sa loob. Nakapangalumbaba ako habang siya naman, kanina pa pindot ng pindot sa cellphone niya. Maya-maya pa, may pumasok na anghel. Nakaputing shirt siya, jeans, at itim na ballcap. Sinalubong siya ni Jehoram. Agad namang tinapik ni Evan ang balikat nito.
"Ingatan mo, bro, ah."
"Babalik ko 'yon nang walang gasgas."
I stood up to acknowledge his presence. We're not close, pero may utang ako sa kaniya. Hindi pa nga ako nakakapag-thank you. Nagshoshower daw kasi siya noong dumating si Kuya para sunduin ako sa kanila. He immediately smiled upon seeing me behind Jehoram.
"Hi! Ikaw si Ma'am Blaire, 'di ba?"
He extended his arm. I equalled his smiles at tinanggap ang nakalahad niyang palad.
"Blaire na lang."
"I'm Evan. Sorry, I forgot to introduce myself no'ng first meeting natin."
"It's okay," sabi ko nang kap'wa kami magbitiw ng kamay. "Thank you nga pala. And sorry kasi bigla kaming umalis last time. 'Di na 'ko nakapag-thank you."
Tumango siya, nakangiti pa rin. "Okay lang din. Pinaliwanag naman sa 'kin ni Jehoram 'yung sitwasyon."
He was really an angel in disguise. Napansin ko rin siya kanina. Sakristan din tulad ni Jehoram. Baka doon sila naging magkaibigan. Mas mukhang approachable nga lang si Evan. Ang amo kasi talaga ng mukha niya. Parang hindi marunong gumawa ng kasalanan.
Jehoram cleared his throat, papansin. "Let's go?"
"Anong let's go?"
Hinatak niya na naman ako. Seriously, matagal ko nang napapansin. Ang hilig nitong manghatak. Kapag tinatanong ko naman, titignan lang ako na parang pagod na pagod na siyang kausapin ako. Nilampasan namin si Evan, natawa siya nang mahina. Nang balikan ko siya ng tingin, naiiling siya. Pero nang magtama ang mga mata namin, tumango lang. Na parang sinasabi niya na okay lang... Okay lang? Okay lang na hatak-hatakin ako ng kaibigan niya?
"Sasakay tayo diyan?"
Pansin ko ang mataas na bisikleta. Two-seater 'yon, kulay pula, at mayroong basket sa unahan. Kunot pa rin ang noo ko kahit may idea na 'ko sa nangyayari. Sumampa si Jehoram sa harap, tapos nilingon ako. Proud na proud sa naisip na idea.
"Tara. Babagalan ko lang."
Hindi ako gumalaw. Nakayakap lang ako sa bag ko, pinaniningkitan siya ng mga mata. Okay, slightly, sinasamaan siya ng tingin. Nagbabanta. Wala kaya akong tiwala sa kaniya! He laughed.
"Wala ka talagang tiwala sa driving skills ko 'no?"
"Buti alam mo!"
"Come on! Hindi pa 'ko sumesemplang buong buhay ko." He shrugged, ang yabang!
Hindi na ako nakipagtalo. Sumampa na lang ako sa ikalawang seat— sa likuran niya. Gusto ko na lang makauwi para magshower. Kung tutuusin, p'wede namang iwan ko na lang si Jehoram at magtawag ng Taxi. Kanina pa sana. Kaso nga lang, nakakakonsensya. Bigla akong nanghinayang gumastos. Bakit pa magwawaldas ng pera kung may alternative naman? Marami nga diyan, hangga't kaya nila, maglalakad na lang.
"Kahit itanong mo pa si Tatay, mahusay akong driver. Nakikita mo 'tong gasgas rito? Si Evan ang may gawa niyan! Ako? Never pa akong sumemplang."
"Ngayon pa lang?"
Umayos ako ng upo. Masyadong mataas itong bisekleta ni Evan. Feeling ko, bigla akong mawawalan ng balanse. Siguraduhin lang ni Jehoram na mag-iingat siya. Magpapakasal pa 'ko. Baka bago pa magising si Levi, naunahan ko na siyang makipagmeet kay Lord.
"Sumemplang na pala," bulong na naman ni Jehoram. Pero rinig ko. Ulit.
"See!"
Hinampas ko ang likod niya. He really didn't know how to whisper.
Jehoram was true to his words. Binagalan niya lang talaga ang pagpapatakbo sa bisikleta. Sa sobrang bagal, hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong napairap. Yes, I told him to slow down, pero hindi literal na usad pagong! Sa inis, gusto ko na lang agawin ang manibela sa kaniya at ako na ang magpipidal!
The 30 minutes duration became 1 hour or so. Ang tagal. Pagdating namin sa bahay, hindi na siya nagpalipas ng oras. Nagpaalam lang siya sa 'kin at umalis na rin. Kung anong bagal namin makarating sa bahay, gano'n naman siya kabilis nagpidal paalis. Tulad ng inaasahan, maids lang ang nasa bahay. 'Di pa umuuwi sina Mommy. Kinabukasan naman, maagang umalis si Kuya para maghabol ng gawain, hindi naman pumasok si Bailey dahil hula niya, hindi na naman papasok ang professor nila sa Accounting.
"Tita," pagsagot ko sa landline phone. Tumatahip ang dibdib ko sa kaba. Biglaan kasi ang pagtawag niya. Ilang linggo ko na ring hindi nabibisita si Levi dahil kay Madame, 'di ko maiwasang mag-overthink kapag hindi ko nachecheck ang lagay niya.
"Blaire," pagbungad ni Tita. "I've heard about what happened. Ayos ka lang?"
I couldn't deny that it was a sigh of relief. I was thinking of the worse. Akala ko, may nangyari ng hindi maganda kaya napatawag siya. Maybe I should visit Levi as soon as possible. Para naman hindi na ako paranoid. P'wede naman sigurong manghingi ako ng tulong kay Ate Faye. I can ask her tungkol sa mga whereabouts ni Madame at sa schedule niya, para naman makabisita ako nang hindi inaalala kung magpapang-abot kami. I shouldn't let her sweep over me. Kaya nga ako umuwi ng Pinas para kay Levi. I should have forseen this coming. Hindi p'wedeng habang buhay akong magtago at mag-adjust dahil ayaw niya sa 'kin.
"Blaire?"
"Y-Yes..." maagap kong sagot, upon realization na na-preoccupy ako for some seconds. "Yes, Tita. Ayos lang po ako. Dumating naman po si Kuya kaya kahit papa'no may nagdefend sa 'kin. I'm not just sure kung okay lang si Madame. She might... have felt disrespected."
Kahit naman hindi kami in good terms, Lola pa rin siya ni Levi. Parte na siya ng buhay ko. Hindi ko siya pwedeng basta na lang ipagtulakan dahil ayaw namin sa isa't isa. Between the two of us, I was more capable to settle my hash. Mas kaya kong rumespeto. Sabi nga ni Mommy, ang pinakamagandang regalo sa mga taong walang respeto ay respeto. Give them something they don't have.
Tita sighed. "Hindi ko pa siya nakakausap. Si Faye lang ang nagsabi sa 'kin. She accidently bumped with your friend sa BGC at nabanggit niya ang nangyari. Tell me, what exactly happened?"
"It was... nothing." She better not know. "Yeah, nothing for you to worry. Tulad lang ng dati—"
"Oh come on, then it must be bad!" she exclaimed. Napabuntong hininga na lang ako. "We all know how she badly treats you noon pa man, Blaire. No need for you to cover her up. Pasensya na kung wala ako do'n. I must have done something. Paniguradong wala na namang preno ang bibig ni Mama. I'm really sorry."
"Hey, okay lang po talaga. Tsaka nando'n naman po si Kuya 'e. Siya po ang humarap kay Madame. Don't stress yourself over it, okay? Anyway, kamusta na po si Levi? I'm sorry, hindi po ako nakakadalaw," pag-iiba ko sa usapan.
"I understand. Wala pa rin namang pagbabago. I guess tama lang na 'wag ka munang dumalaw, Blaire. Don't get me wrong, pero halos sa ospital na kasi tumira si Mama. Hindi ata magandang magpang-abot ulit kayo."
It took seconds for me to respond. Kakasabi ko lang na dadalaw ako. Mukhang kailangan ko pa rin talaga mag-adjust.
'Di bale. Hanggang ngayon lang naman 'to, Blaire. Matatapos rin.
I pursed my lips and nodded. "Naiintindihan ko po."
"Thank you." She clicked her tongue. "Anyway, saan ka pala nitong mga nakaraan? Kahapon?"
"Kahapon?"
"Yes."
"Ah..."
Kumunot ang noo ko, confused sa bigla niyang pagtatanong. It was so out of the blue. Isa pa, hindi naman mahilig magtanong si Tita ng tungkol sa akin. What's with her sudden curiosity?
"Ano... sa church?"
"Are you with someone?"
"Po?" mas kinugalat ko 'yon. She's weird. And sounded suspicious. May problema ba? Inisip ko ang nangyari kahapon. Nagpunta ako sa church. Isasama ko dapat si Chelzie pero nasa Aklan naman siya. So technically, mag-isa ako. "Wala po. Mag-isa lang ako, Tita. Bakit mo po natanong?"
Marahas siyang bumuga ng hangin, even the sound of her breathing was too audible. "Wala lang. I'm just curious."
"But just in case na kailangan niyo po ako diyan, I won't think twice. Sabihan niyo lang po ako."
Natahimik siya. Ang mabibigat na paghinga niya lang sa kabilang linya ang naririnig ko. Napalingon ako sa gawi ng hagdan. May t'walya na nakasampay sa balikat ni Bailey. Mukhang katatapos lang magtreadmill. Our eyes met, nagtatanong ang tingin niya. I mouthed Tita, assuming na 'yon ang sagot sa unspoken question niya. Hindi naman siya sumagot at dumeretso lang sa kusina.
"Last question, Blaire," pagtawag muli ni Tita sa atensyon ko. "Would you... allow Mama get in the way?"
My forehead creased. "Ano pong ibig niyong sabihin?"
Muli niyang pinatunog ang dila niya, bumuntong hininga. "Nevermind. I just need assurance na hindi ka papatalo kay Mama. Hindi ko alam kung anong plano niya. But knowing her, she won't stop unless she's satisfied. Alam naman natin kung anong gusto niya. And I want to hear it directly from you. You'll marry my son no matter what, right?"
"Of course! Ano po bang klaseng tanong 'yan, Tita. Are you expecting me to give up dahil lang kay Madame?"
"I trust you'll not," she sounded more confident this time. Somehow, para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan. "Mahal na mahal ka ni Levi, Blaire. 'Wag ka sanang mapagod sa paghihintay. Kaunti na lang naman 'e. 'Pag gising niya, ipaplano ko na agad ang wedding niyo. Kahit walang suporta ni Mama. It's going to be a church wedding kasama ang mga malalapit na tao sa inyong dalawa. 'Yun din ang gusto mo 'di ba?"
"Yes, Tita..."
"No matter what happen?"
Sa pagtataka, hindi kaagad ako nasagot. Bakit parang... iba? Hindi naman siya ganito. Hindi ko alam kung nag-ooverthink lang ba ako o may laman talaga ang mga tanong niya. I wasn't comfortable with how her question sounds to my ear.
"Blaire?"
"No matter what happen."
She breathed. "Mabuti naman. Masaya talaga ako para sa inyo ni Levi, Blaire. Malaki ang tiwala ko sa 'yo dahil noon pa man, nand'yan ka na para sa anak ko. Pero 'wag mo sanang isipin na sapat ang lahat ng ito. Because to tell you frankly, gusto ko rin si Thaliya. She's kind and classy. Pero ikaw ang mahal ng anak ko. And as his mother, kailangan ko siyang suportahan sa kung saan man siya masaya. And that's you. Hope you will not do something to break my trust. 'Wag mo akong ipahiya kay Mama."
She ended the call, pero nanatiling nasa tainga ko ang telepono. Hindi pa rin ako tuluyang mapalagay. She sounded different. Or more like, speculating? Hindi ko alam. May nangyari ba? Nagdududa siya? Nag-aalala na baka magtagumpay si Madame sa kung anumang plano niya? She should not. Engage na kami ng anak niya. There's no way for me to lose heart. Sa dami ba naman ng pinagdaanan namin. Sa dami ng pangarap namin. I'd never abandon any of them, and him, kahit kailan.
"Baka naman nag-ooverthink ka lang?" ani Chelzie habang pinapaikot ang tinidor sa pancit.
I invited her for lunch the next day, sa isang restaurant malapit sa architectural firm na pinagtatrabahuhan niya. Mabuti na lang, pumayag siya. Akala ko busy siya dahil sa project niya. I just really have to see it from other's point of view. Baka ako lang talaga ang nag-iisip ng mali at naghahanap ng malisya.
"I hope so. 'Di ko lang talaga maiwasang ma-bother. Hindi naman kasi siya gano'n. She doesn't even give a damn sa whereabouts ko. Tatanungin niya lang ako kapag kasama ko si Levi. That was so different."
"Baka naman nagwoworry lang siya dahil kay Madame? She's afraid na magtagumpay ang matandang bruha sa panglalason sa isip mo. You can't blame her. Tinik sa lalamunan ang biyenan niya." She gulped her lemon-flavored iced tea.
"Nabanggit niya rin pala si Thaliya."
Kumunot ang noo niya. "Oh bakit daw?"
"She admitted na gusto niya rin si Thaliya. Mabait daw and classy. Feeling ko nga gusto niyang sabihin na mas classy kaysa sa 'kin. Hindi niya lang masabi. She even told me indirectly na nakuha ko lang ang boto niya dahil ako ang mahal ni Levi. Hindi ko raw dapat siyang ipahiya kay Madame."
"Ang OA naman," she commented. "Paano kung... hindi ikaw ang mahal ni Levi?" My forehead wrinkled, agad bumilog ang mga mata niya. "I mean, I was just asking! Gusto ko lang malaman ang possibilities. Kung hindi ikaw ang mahal ni Levi?"
"'E 'di hindi ako ang susuportahan niya! Obviously, si Thaliya naman talaga ang gusto nila. Gustong pakasalan at maging parte ng pamilya nila. Pero hindi naman mangyayari 'yon. Ako ang mahal ni Levi. Si Madame lang talaga ang problema."
Natahimik siya at muling pinaglaruan ang pancit. Tinutusok-tusok niya lang 'yon pero hindi niya kinakain. Salubong ang mga kilay niya, halatang malalim ang iniisip. Now she looked troubled— actually more troubled than me.
Kinuha ko ang sariling baso ng iced tea at sumimsim nang kaunti.
"Speaking of Thaliya, I saw her last Sunday."
She shifted to her seat. Nanlaki ang mga mata niya at binitiwan ang tinidor. Kulang na lang sumampa na siya sa mesa sa labis na pagkakahilig. Is it just me or kakaiba talaga ng mga tao sa paligid ko nitong mga nakaraan?
"May sinabi ba siya sa 'yo?"
Kunot ang noo ko at bahagyang lumayo sa mesa. "Wala naman. Bakit?"
She sighed, mukhang relieved. Or disappointed? Hindi nawala ang gitla sa noo ko. Nilayo niya ang sarili niya sa mesa at muling tinusok-tusok ng tinidor ang pancit.
"Weird," bulong ko, naiiling.
"May kasama ka ba noong nagkita kayo?" She seemed perplexed.
I nodded. "Si Jehoram."
Naging mala-pusa ang mga mata niyang singkit. Nalimutan kong malisyosa nga pala ang babaeng ito. My eyes grew wider when I realized what she probably was thinking, mabilis kong inangat ang tinidor at tinutok sa kaniya.
"Wait! Alam ko 'yang iniisip mo!" maagap kong depensa at binaba ang tinidor. "Tumigil ka ha. Nagkita lang kami sa park. Umulan kaya sumilong kami sa gilid ng convenient store. Saktong lumabas si Thaliya. That's it," paliwanag ko at sumubo ng pancit.
She made a face at inumpisahan na ring kainin ang pancit niya. Nang mangalahati, bumaling ulit siya sa 'kin, cocking her head. Nag-angat ako ng kilay at uminom.
"Isn't it weird?" tanong niya habang ngumunguya.
"Weird what?"
"And suspicious?"
"Ha?"
She blew out a puff of air, umiling at binaba ang tinidor. "Nothing," sagot niya. "Ikaw nga, magpromise ka rin sa 'kin!"
"Magpromise saan?"
"Basta! Magpromise ka!"
"Paano ako magpapromise kung hindi ko alam kung saan! Mamaya, masama pala 'yang gusto mong mangyari, 'e 'di kasalanan ko pa?"
"My God! Ilang taon na tayong magbestfriend, masama pa rin ang tingin mo sa 'kin? Bakit ko naman ipapahamak ang future sister-in-law ko?" Sumimangot siya.
Ilang sandali akong natulala sa kaniya, trying to get it through her mind. Hindi ba dapat ako ang magtanong? Isn't it weird? Sila. Ang weird nila. Lahat ng tao sa paligid ko. O baka naninibago lang ako dahil matagal akong nawala?
Lumabi ako at tumango na lang. "Okay..."
Sumeryoso ang mukha niya, bagay na hindi ako sanay. Inabot niya ang kamay ko sa ibabaw ng mesa. Napapitlag ako, stunned.
Sabi nila, mas stern daw ako kumpara kay Chelzie. She's naturally jovial. Pero 'pag dating sa mga seryosong bagay, nagbabago ang ihip ng hangin. She thinks much deeper. Ang dami niyang alam. Mas highbrow kaysa sa 'kin. She always knew the right words to say. Sometimes, it scares Kuya. Baka raw nasasapian ang fiancee niya.
Chelzie gave me a closed-lip smile.
"Promise me... your happiness first before anything else. Iyon ang priority mo, no matter the case may be. Promise?"
Napakurap ako. Magkahalong stunned at confused sa kung saan man niya nahuhugot itong sinasabi niya. Why do I feel like people were giving me sly innuendoes? Parang alam na alam na nila ang mangyayari sa future. Ako rin naman. Alam kong ang future ko ay makakasama ko si Levi. Magigising siya at ikakasal kami. Hindi ako sure kung matatanggap ba kami ni Madame pero bahala na. Basta ang alam ko, a married life with Levi ang end-game ko. It's just him or no one.
Kaso... parehong future lang kaya ang nakikita naming lahat?
'Wag nilang sabihin na nagdududa sila.
Iniisip ba nila na uurong ako dahil kay Madame Eliza?
Natahimik ako. Kumalas ang kamay ni Chelzie sa 'kin. She smiled, tumango na parang alam niya ang sagot sa tanong niya.
Happiness first before anything else? Masasabi ko ba 'yan? Applicable ba 'yan sa lahat ng pagkakataon? Parang ang hirap naman. Hindi naman sa lahat ng oras, mahalaga ang happiness ko. Mahirap kaya i-fulfill 'yon. Maraming kailangang i-sacrifice. Then you have to evaluate, too, if which matters more. Kung 'yung kaligayahan mo o 'yung bagay na kailangan mong isakripisyo. Sometimes, one's greatest happiness precludes the happiness of many. You have to choose.
Tama lang siguro na 'wag ako magbitaw ng pangako. Hindi ko naman masasabi ang susunod na mangyayari. Sabi nga nila, let's just cross the bridge when we get there.
Then it hits me.
Mali nga siguro ako.
It's impossible for us to foretell one and the same future. Everyone can dream for a similar ending, but not everyone will have a parallel prediction.
True enough, future is a blur.
***
581Please respect copyright.PENANA16KCkVzaDL
581Please respect copyright.PENANArBYKPu7U4s
581Please respect copyright.PENANArMZkseZr71
581Please respect copyright.PENANAgWScr6Oxl3
581Please respect copyright.PENANAPMXEBxDfwl
581Please respect copyright.PENANAU80X2ys4wh
581Please respect copyright.PENANAiN3xrYx4X6
581Please respect copyright.PENANAKa8Cvu0We4
581Please respect copyright.PENANAXe9JysKNJG
581Please respect copyright.PENANAeGpt3vzkzd
581Please respect copyright.PENANAZue3ACtlhC
581Please respect copyright.PENANAz0CLpwUjAk
581Please respect copyright.PENANA3n7NNu0EnQ
581Please respect copyright.PENANAIyEVjhpKbO
581Please respect copyright.PENANA0tnlfJUnhD
581Please respect copyright.PENANA1NfdXZkvij
581Please respect copyright.PENANAmN6NJKNjPK
581Please respect copyright.PENANA3jqzI9QtYR
581Please respect copyright.PENANAvcbaSRMqAM
581Please respect copyright.PENANAXQaQgSHtGv
581Please respect copyright.PENANArCL9s3HG1W
581Please respect copyright.PENANAXN1Q3wQs8w
581Please respect copyright.PENANAD1uLm0FH5x
581Please respect copyright.PENANAKsL8uaW4Jt
581Please respect copyright.PENANAPD0pGxNdo7
581Please respect copyright.PENANAi7SJPSadqP
581Please respect copyright.PENANAwBWHqElUYS
581Please respect copyright.PENANAiK6ZFVR5Xf
581Please respect copyright.PENANAAfbknQNIzn
581Please respect copyright.PENANABRmSz79vrv
581Please respect copyright.PENANAvk4aLKHJCG
581Please respect copyright.PENANAEgI2xTvItG
581Please respect copyright.PENANACB658rvtMm
581Please respect copyright.PENANAhzbgWpBlqr
581Please respect copyright.PENANALRZEXImsxB
581Please respect copyright.PENANALCLiBSb0S4
581Please respect copyright.PENANAvPlhrJMquf
581Please respect copyright.PENANAmbsrWZuxTM
581Please respect copyright.PENANAlcj8nSOplD
581Please respect copyright.PENANAQUtDOIy6vs
581Please respect copyright.PENANAAOW2GBUaVm
581Please respect copyright.PENANA5A9cEdyXlX
581Please respect copyright.PENANADYrlGcZxuq
581Please respect copyright.PENANAsmIfpNFY8Z
581Please respect copyright.PENANAWohTCSWrLM
581Please respect copyright.PENANAxY1hfvMcP5
581Please respect copyright.PENANAqQGcw5IV2P
581Please respect copyright.PENANAhEScGeNNC0
581Please respect copyright.PENANAEc04Ri8klZ
581Please respect copyright.PENANAecCSU8SFN8
581Please respect copyright.PENANAs671aqo3FQ
581Please respect copyright.PENANA85I0gLxrHj
581Please respect copyright.PENANAVlxdXw42SF
581Please respect copyright.PENANAkrRf2HlKWV
581Please respect copyright.PENANANf7IQQmo2h
581Please respect copyright.PENANAJxlmZRoHBT
581Please respect copyright.PENANAomWDFtvpi0
581Please respect copyright.PENANAyu5HVS2I1o
581Please respect copyright.PENANALkxvqLCFfc
581Please respect copyright.PENANARaUtHyPhA0
581Please respect copyright.PENANAmlfUOFl0YH
581Please respect copyright.PENANATrnreBxDUy
581Please respect copyright.PENANA0oMT18hSYN
581Please respect copyright.PENANAQ9qOM9YVEl
581Please respect copyright.PENANAS3JuuzIWLY
581Please respect copyright.PENANAtDYH5sWwkY
581Please respect copyright.PENANA6Ucz9ljcF8
581Please respect copyright.PENANAaTXONCvQgP
581Please respect copyright.PENANAdDQf32ZIp6
581Please respect copyright.PENANAi0EMttsOY0
581Please respect copyright.PENANArgZZCzQDlH
581Please respect copyright.PENANAd5fdMVM9K4
581Please respect copyright.PENANAHhrgFFl3Lv
581Please respect copyright.PENANAgtA1SRb9XU
581Please respect copyright.PENANAdDVI22sYY1
581Please respect copyright.PENANAxdR7MN1KDz
581Please respect copyright.PENANAj8zImHs2xY
581Please respect copyright.PENANAieKPBH1Ptq
581Please respect copyright.PENANAgwzww15zzZ
581Please respect copyright.PENANAhqG6P0Jh4x
581Please respect copyright.PENANAJHbt8DNIYU
581Please respect copyright.PENANA1PGr5iREwU
581Please respect copyright.PENANA9dTyqMgaot
581Please respect copyright.PENANAvU5Wmpn3KF
581Please respect copyright.PENANA1dJfsSLquj
581Please respect copyright.PENANAZj53zXy7Sc
581Please respect copyright.PENANA9GOcle1qc3
581Please respect copyright.PENANAuIcojl6CSV
581Please respect copyright.PENANA4po57FUBwn
581Please respect copyright.PENANAWOod3ZHL3x
581Please respect copyright.PENANANU4EeujApQ
581Please respect copyright.PENANAZIP7RlzoMe
581Please respect copyright.PENANADuhxQtRAjl
581Please respect copyright.PENANA7Ej4TXoeGH
581Please respect copyright.PENANAy4bJHxHnPM
581Please respect copyright.PENANA9p4p1GBmmr
581Please respect copyright.PENANA0DlRR53KeO
581Please respect copyright.PENANAiDXNiPrFJ9
581Please respect copyright.PENANAHeGcZkuOOd
581Please respect copyright.PENANAdsbV2ibIbZ
581Please respect copyright.PENANApC4I9UanWP
581Please respect copyright.PENANAeZMyjXSTo8
581Please respect copyright.PENANAy8VT9NB8ND
581Please respect copyright.PENANAPkdFuC3Uqq
581Please respect copyright.PENANA5tnOikakIG
581Please respect copyright.PENANAkTVYbx5MTs
581Please respect copyright.PENANApOXOU6uoH7
581Please respect copyright.PENANAEevTX4mLyy
581Please respect copyright.PENANAxT2eNLnLa6
581Please respect copyright.PENANA6Ou6NFj46a
581Please respect copyright.PENANAn5Kh6IN8Aw
581Please respect copyright.PENANAjy5lh2twh3
581Please respect copyright.PENANAeZsAYLncws
581Please respect copyright.PENANAv93tGEBLyZ
581Please respect copyright.PENANA5BLybWSKud
581Please respect copyright.PENANAFEkh7MxF2V
581Please respect copyright.PENANAcQV1DdZbyb
581Please respect copyright.PENANA5h7WjQrW7V
581Please respect copyright.PENANA2KvjzRrAt5
581Please respect copyright.PENANAeOIaO1E2Yg
581Please respect copyright.PENANABMBLZmDlVy
581Please respect copyright.PENANA8BiQx1zY83
581Please respect copyright.PENANAY6F3T5j7kq
581Please respect copyright.PENANA5dCZL0h3FC
581Please respect copyright.PENANAfMk6FOcWF4
581Please respect copyright.PENANAYAaDnnj5hd
581Please respect copyright.PENANAAePZg4Mgsk
581Please respect copyright.PENANAoEIABmmNht
581Please respect copyright.PENANAJt4kxB0CCm
581Please respect copyright.PENANALimimmxvwS
581Please respect copyright.PENANAD7T91D6w9d
581Please respect copyright.PENANA2kwiZ7XmoB
581Please respect copyright.PENANAtC4swDDUwS
581Please respect copyright.PENANArtBn3b5Zz6
581Please respect copyright.PENANADRbNEz7eM3
581Please respect copyright.PENANAEfKRk1nHGm
581Please respect copyright.PENANA2KU7eFR4iI
581Please respect copyright.PENANA6z6gHschyy
581Please respect copyright.PENANAwNyyS5GeKK
581Please respect copyright.PENANA8QMjLJK93t
581Please respect copyright.PENANANaccA1zROk
581Please respect copyright.PENANATBqT6tVWyY
581Please respect copyright.PENANA4yW7c93DLW
581Please respect copyright.PENANAV1O9NqlzJ9
581Please respect copyright.PENANAiodCAwRVRW
581Please respect copyright.PENANA9eHb09vfeq
581Please respect copyright.PENANAkZVoDgEnNo
581Please respect copyright.PENANAyql1IvLr4E
581Please respect copyright.PENANAouY9XubBIS
581Please respect copyright.PENANATYEIFzNjuO
581Please respect copyright.PENANA4LTaQRP1G4
581Please respect copyright.PENANATgGhpZFVgB
581Please respect copyright.PENANAln1HOrApoZ
581Please respect copyright.PENANAhKpczVScqj
581Please respect copyright.PENANAyTGlU1qhT3
581Please respect copyright.PENANAyQpgq6Hejn
581Please respect copyright.PENANAPTT3QOibp1
581Please respect copyright.PENANAgJTQzW3WFM
581Please respect copyright.PENANAb64HghZ3cp
581Please respect copyright.PENANAW4lkeaOMHL
581Please respect copyright.PENANA2ePUz6iZXD
581Please respect copyright.PENANAkNnd7QLInn
581Please respect copyright.PENANAMBC5BrIS9K
581Please respect copyright.PENANA215YQUDaUP
581Please respect copyright.PENANAAxJex3h8Qr
581Please respect copyright.PENANA2S4MP8Y51C
581Please respect copyright.PENANAixSX4zimx7
581Please respect copyright.PENANAPAeEK0Zz0p
581Please respect copyright.PENANAvmxdrAbYjQ
581Please respect copyright.PENANA85liJ9sqWv
581Please respect copyright.PENANAlXiJJlrU8u
581Please respect copyright.PENANAyRfdEu0I3d
581Please respect copyright.PENANA5lrTI2RF1q
581Please respect copyright.PENANAoSz0KQZVKi
581Please respect copyright.PENANAYq39ji7PlF
581Please respect copyright.PENANAPNZ3O0RPkN
581Please respect copyright.PENANA9LaAnZaVco
581Please respect copyright.PENANAYhFnxwIGwz
581Please respect copyright.PENANAg1YAr6Y9oP
581Please respect copyright.PENANAc5q2piLYDn
581Please respect copyright.PENANA7szDTDYVkC
581Please respect copyright.PENANApSXgsOdF8g
581Please respect copyright.PENANAlgTUxlUA0i
581Please respect copyright.PENANAUk2439uo6V
581Please respect copyright.PENANAZ6GTX8ZB1Y
581Please respect copyright.PENANAN5v0cSj7dn
581Please respect copyright.PENANA8HLWI6k2om
581Please respect copyright.PENANAC9SecmHCN9
Jeremiah 29:11||581Please respect copyright.PENANA2NV8iXkMXz
581Please respect copyright.PENANAVns4rFtHEa
"For I know the plans I have for you," declares the Lord. "Plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future."