
Kung hindi ganito ang takbo ng mundo, hindi ako magdadalawang-isip na tumakas tayo.360Please respect copyright.PENANAWiq2dY2Mas
360Please respect copyright.PENANAnhUnNQV5L6
Hindi maalis ni Tydel ang kanyang isipan sa pag-uusap nila ni Jessenia. Kung may nasabi man siyang mali o masakit, kung kaya lang niyang mabago, tapos na ang lahat. Hindi na niya muling mababalikan ang nakalipas. Siguro sa sandaling iyon ay nalaman na ng puso niya ang kasagutan. Na kahit sobrang sakit...360Please respect copyright.PENANATltZJQ6fxs
360Please respect copyright.PENANAXfj2z2U9me
Kahit ayaw niya, si Tydel na ang hari ng Midnia.360Please respect copyright.PENANARY3Er97h0n
360Please respect copyright.PENANAMqIfHVbxOq
- - - 360Please respect copyright.PENANAAeve9pX8ny
360Please respect copyright.PENANAJCVURVN27A
Mga iilang linggo nang hindi nagpapakita ang kanyang papa. Nakahandusay sa higaan ang haring Idrola, walang salita, walang imik. Hindi kumukuha ng pansin, hindi namamansin. Noong isang gabi tinatak na ni Tydel sa isipan niya na wala nang buhay ang tatay niya. Sinisikap man ng mga manggagamot ng Midnia na maayos ang kalagayan ng hari, parang may nakaukit na sa utak ni Tydel na wala nang pag-asa. Mabilis na ring kumalat ang sakit sa mga nayon ng kaharian. Unti-unting nasisira ang pundasyon ng kaharian. Mas naramdaman ni Tydel ang pagiging mag-isa.360Please respect copyright.PENANAwVW3aJtXI7
360Please respect copyright.PENANAjaEQAtuaxF
Madalas na ngayong puntahan ni Tydel ang Amang Abracosa, ang matandang nagpalaki sa kanyang ama. Malaki ang kaniyang paghanga sa matanda, dahil hindi lamang sa pamumuno o pakikipaglaban ang karunungan na inaabot niya; isa siyang Mezular.360Please respect copyright.PENANAWDwdfHAHph
360Please respect copyright.PENANAt6L7Iyrhja
Kagalang-galang ang mga Mezular sa loob ng bawat pader ng Midnia. Sila ang gabay ng sangkatauhan. Matagal na silang naririto sa mundo. Marami ang nagsasabing sila ang mga katulong ng Inang Kalibutan, ang diyosang kanilang pinaniniwalaan, lalo na't marami sa kanila ang mayroong kakaibang kapangyarihan na nakakatulong sa pag-unlad ng bansa. Ang kanilang karunungan ang nagbibigay liwanag sa bawat desisyon na ginagawa ng gobyerno at ng mamamayan. Kailangan ni Tydel ang karunungan na ito. Kailangan niyang malaman kung paano maging isang hari. 360Please respect copyright.PENANAJQat5EjQNy
360Please respect copyright.PENANAGe4ZJMIA5z
Pero sa bawat pagkikita nilang dalawa ni Abracosa, tila may nawawalang liwanag sa langit.360Please respect copyright.PENANAuQHK3pwLU9
360Please respect copyright.PENANAz21xAD2EI9
"Amang Abracosa, nararamdaman mo ba?"360Please respect copyright.PENANA7qjQHyWMJP
360Please respect copyright.PENANAhrpCNTBnRA
Napatingin si Abracosa sa kanya, parang may kakaunting kinang pa sa mata ng binata.360Please respect copyright.PENANAkK1uSMlCZK
360Please respect copyright.PENANAMw8UpRf5Kl
"Ano iyon, anak?" sagot ng matanda.360Please respect copyright.PENANASzpcv5kx0S
360Please respect copyright.PENANAZEztcBfK2b
"Unti-unting dumidilim ang kapaligiran. Sa tingin ko'y hindi lang ito dahil sa panahon. Sa tingin ko, may paparating."360Please respect copyright.PENANAp8SfN6zzuE
360Please respect copyright.PENANA4mOvVDCwzG
"Palagi namang may paparating, Tydel. Hindi lang tayo handa." malungkot na sinabi ni Abracosa. Kaniyang tiningnan ang lapag at hinaplos ang damo.360Please respect copyright.PENANA88GDjNGEdU
360Please respect copyright.PENANA3szktbdokw
Patuloy pa rin ang kaniyang pagsasanay. Araw-araw niyang sinisikap na aralin ang bawat salita sa mga librong nakatanghal sa mga pader ng bahay ni Abracosa. Tinulungan ng matanda si Tydel na gumamit ng baril at tabak, kung dumating man ang panahon na dahas na ang kinakailangang paraan. Napansin ni Tydel ang pag-aalinlangan ni Abracosa sa simpleng pagbibigay ng baril sa kanya.360Please respect copyright.PENANAh4aKCZygAC
360Please respect copyright.PENANAxxOADmBsVh
Nahalungkat din ni Tydel ang mga librong nagpakita ng kasaysayan ng Midnia, kung paano ba ito nabuo. Bata pa lamang si Tydel noong nagsimula ang Midnia. Ngunit, sa kanyang mga alaala't panaginip, dinig niya ang sigaw ng mga tao, ang pagsunog sa mga bahay, at ang isang koronang tinalsikan ng itim na dugo.360Please respect copyright.PENANAvZTqyA481r
360Please respect copyright.PENANAzo5gZsnQk1
"Napapaginipan mo pa rin ba ang pagtakas natin sa Teccao?" biglaang tanong ni Abracosa, na tila alam niya ang iniisip ni Tydel.360Please respect copyright.PENANAOucc1jbObV
360Please respect copyright.PENANAXC6hybW5C1
"Oo, ama, hindi ko maintindihan. Ang alam ko lang, patuloy ang pagdurusa ng kaharian natin dahil sa kanila. Dahil sa kanila, patay na si tito. Nagawa nilang patayin ang pinakamalakas nating mandirigma. Ano pa ba ang hindi nila kayang gawin?" iyak ni Tydel.360Please respect copyright.PENANAo9zmigCLyS
360Please respect copyright.PENANAe3vloNBZTp
"Mga iilang linggo nalang bago sila ulit umatake." sabi ni Tydel habang tumitingin sa mga pahina ng libro. Nagsimula siyang gumuhit ng larawan ng pagkamatay ng kanyang tito.360Please respect copyright.PENANAMQ8MuRZDvo
360Please respect copyright.PENANA5Ew4v66pNd
Huminga nang malalim si Abracosa.360Please respect copyright.PENANAP5NquBVtxC
360Please respect copyright.PENANAKGcjLtQMlg
"Sa tingin ko, kailangan mo nang malaman ang katotohanan." sabi niya. Tumayo si Abracosa sa kanyang inuupuang bato. Sinayaw ng hangin ang kanyang puting buhok.360Please respect copyright.PENANAfjBlEaLuE4
360Please respect copyright.PENANAmFbfqPDz8T
"Noong bata ka pa, Tydel, tumakbo tayong mga Midnian mula sa Teccao. Lahat tayo dito ay mga Teccian noon. Ngunit tinuligsa natin ang mga utos ng gobyerno, dahil nakakasama ang kanilang pamamahala. Binigyan ni Grandor, ang hari, ang kaniyang militar ng kalayaan sa pag-aresto ng mga taong kasalungat niya. Iilang nayon ang napaalis nung araw na iyon. Ang 'Araw ng Pagbabago." Lahat ng ito, dahil sa maling tao napunta ang korona ng Teccao."360Please respect copyright.PENANAtncCpPE7TJ
360Please respect copyright.PENANAWnfPJqMOCW
Tahimik na lumuha si Tydel. Isang tingin lang ni Abracosa sa binata at alam na niya ang katanungang umiikot sa isipan niya.360Please respect copyright.PENANA4pK9I7srPU
360Please respect copyright.PENANAjYKbfIuzeh
"Desisyon ng papa mo na itago sa iyo ang katotohanang ito. Lahat ng mga tao, lalo na ang iyong mga guro, kinausap niya."360Please respect copyright.PENANATUnrqskd7u
360Please respect copyright.PENANApag2ocCEe7
Tinago ni Tydel ang kanyang mga luha kay Abracosa. Napatingin siya sa dumidilim na langit. "Kung hindi ako ang nararapat na maging hari ng Midnia, handa akong sumuko. Ngunit hindi ako titigil na lumaban para sa kaharian—"360Please respect copyright.PENANADskaykIGOb
360Please respect copyright.PENANANo4RWIhxO8
"Hindi ganiyan ang intensyon ng ama mo. Sa totoo, ang kinakatakutan niya ay ang labis mong pagmamahal sa bansa. Noong sanggol ka pa lamang, Tydel, may naramdaman na ang mga Mezular sa tibok ng puso mo. Ikaw lang ang pupuwedeng maging hari ng kahariang ito."360Please respect copyright.PENANANe6gARejeg
360Please respect copyright.PENANAsL1N6PsYi2
Tumingin si Tydel sa matanda. "Kung ganoon, bakit 'to tinago sa akin?"360Please respect copyright.PENANAMU4h039Zei
360Please respect copyright.PENANA5IYeHIHa5X
"Dahil alam nating dalawa kung ano ang gagawin mo, kung sakali mang malaman mo."360Please respect copyright.PENANAhSPMrMy4JC
360Please respect copyright.PENANAlEL8jEtqmU
Lumakad si Abracosa papunta kay Tydel at umupo sa tabi ng binata. "Mahal na mahal ka ng tatay mo, Tydel. Ayaw niyang mapahamak ka't masaktan dahil lamang ikaw ang anak niya."360Please respect copyright.PENANAFS8xNYl1GX
360Please respect copyright.PENANAWwUOSDv4tq
Malungkot na nagsalita si Tydel. "Hindi ko kinakaya na humilata lang habang nilulusob tayo buwan-buwan ng mga Teccian. Kailangan kong gumawa ng paraan para matapos ang gulong ito."360Please respect copyright.PENANAEI97M6wVZt
360Please respect copyright.PENANAUPVbtn87fh
"Tydel, alam kong puro ang iyong intensyon, pero sana maintindihan mo ang kahalagahan ng dugo mo. Kung walang mamamahalang Dysplis sa Midnia, babagsak lang ang kaharian. Iyan ang matagal ko nang panaginip, Tydel."360Please respect copyright.PENANALUUG7LNw69
360Please respect copyright.PENANAc7TYv3mKeu
"May dugong Dysplis din si mama, kaya niyang maging reyna ng kaharian."360Please respect copyright.PENANAXkDFkGjmdd
360Please respect copyright.PENANAEAGPUGPtPc
"Makakayanan niya, oo. Magaling ang mama mo. Pero sa darating na panahon, mas kailangan ka namin, Tydel."360Please respect copyright.PENANASqrpOqHiOR
360Please respect copyright.PENANAmQqlQjtuqh
Tumayo si Tydel. "Hindi ko kayang umupo lamang. Kailangan kong tumayo, lumaban! Amang Abracosa, kailangang kong pumunta ng Teccao—" huminto si Tydel sa kanyang mga salita. "Doon ko lang magagawang mabago ang landas natin..."360Please respect copyright.PENANALKwww0jnFb
360Please respect copyright.PENANAHeyIknXRdI
Tumahimik sila nang ilang sandali.360Please respect copyright.PENANAT07CPukhUE
360Please respect copyright.PENANAaCJa4iD0o8
"Pagpapakamatay lang ang gagawin mo, anak." wika ni Abracosa.360Please respect copyright.PENANA0daXZHdVrD
360Please respect copyright.PENANAgQOyArPMe5
"Handa na akong mamatay para sa bayan."360Please respect copyright.PENANArTr4Mvcpsw
360Please respect copyright.PENANAr7QGpm0DfX
Umambon na nang konti sa paligid nila. Nagsimula nang bumalik sa bahay-kubo ni Abracosa ang mga ibong kanyang inaalagaan. Inilatag ng matanda ang kanyang kamay sa mainit na damuhan, na parang may hinihingi siyang kasagutan mula sa lupa.360Please respect copyright.PENANAS7pGn8vmph
360Please respect copyright.PENANArFC2CnhSTh
"Alam mo, Tydel, ito ang palaging sinasabi sa amin ni Inang Kalibutan; sa bawat paggalaw natin, hindi lang ang isip ang dapat na gumagana. Kailangan din nating tanungin ang ating puso. Dahil sa kalaliman ng ating mga puso, namumuhay ang parte ng ating pagkatao na nakakabit pa sa ating pinanggalingan. Na magsasabi sa atin kung ano ang nararapat na pasya."360Please respect copyright.PENANAzC3oIbDLi5
360Please respect copyright.PENANA0YnWydg1qa
"Ano kaya ang sagot ng puso mo, Ama?" tanong ni Tydel.360Please respect copyright.PENANAIPTMuPBJAv
360Please respect copyright.PENANAcNFo2zhdOH
"Na kinakailangan mong intindihin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng puso." sagot ni Abracosa.360Please respect copyright.PENANAksFGRLvIZj
360Please respect copyright.PENANAL5bol1Zsy5
Nilagay ni Tydel ang kanyang kanang kamay sa kaliwang dibdib.360Please respect copyright.PENANACy5AbM3BAI
360Please respect copyright.PENANA9i455DiUDv
"Hindi ko alam kung kakayanin ko ang hinihiling mo.”360Please respect copyright.PENANAAJlXrKWxRo
360Please respect copyright.PENANAxRbxfSuZYE
- - - 360Please respect copyright.PENANAe2Cf06NeX9
360Please respect copyright.PENANAbrlT3YTA1Y
Dumating ang panahon na mas lumaganap lamang ang sakit sa bawat nayon ng Midnia. Ginawa ng lahat ng mga manggagamot ang kanilang makakaya, pinagod ang kanilang mga katawan hanggang sa wala nang maibugang salita. Sa tulong ng mga Mezular at ang mga pinagkakatiwalaang tao ni Idrola, maraming buhay ang nasagip. Ngunit hindi ito sapat para ibangon muli ang kaharian mula sa paghihirap.360Please respect copyright.PENANAh2HsoZVrQp
Punong-puno ng lagim ang mga kalye ng Midnia. Halos walang taong makikita sa bawat sulok ng kaharian. Kung mayroon man, ito ang mga taong pinalabas ng kanilang pamilya sa takot na mahawaan ang iba, na silang mahahanap ng mga guwardiyang umiikot-ikot sa mga nayon upang makita ang kalagayan ng tao. Mabilis silang itatakbo sa ospital, pero halos lahat ng mga pasyenteng naghihintay sa kanilang pagkakataon ay namamatay na lamang sa gutom at init.360Please respect copyright.PENANAgw5CNeFgNc
360Please respect copyright.PENANAC9ZSYsMcbq
Bawat araw, mas lumalakas ang ulan sa Midnia.360Please respect copyright.PENANA5pqlUolz6O
360Please respect copyright.PENANA2QweRJsduQ
Sa dami-rami ng masasamang pangitain, mas tumindi lamang ang pinaninindigan ni Tydel. Kailangan niyang umaksyon. Kung hindi, hindi siya isang totoong prinsipe.360Please respect copyright.PENANAdzJPNgMAaA
360Please respect copyright.PENANAEsTVZKyfAM
“Sa susunod na lumusob ang Teccao, maghahanda na ako. Pupunta ako sa ugat ng lahat ng ating problema at ipapangako ko sa inyong lahat na masisira ko ito.” biglaang wika ni Tydel kay Amang Abracosa habang pinapakain ng matanda ang kanyang mga ibon.360Please respect copyright.PENANAK5mGqR71hj
360Please respect copyright.PENANAiDTpguo5lW
“Siguro nga’y hindi na kita mapipigilan. Pero iisa lamang ang tanong ko sa’yo. Ano ang iyong plano?” sabi ni Abracosa.360Please respect copyright.PENANAnJf9ISbTsZ
360Please respect copyright.PENANAmpRnvAPadP
Lumapit si Tydel sa kanyang guro na may hawak na balde ng pagkaing-ibon. “Hindi ko rin alam, ama. Pero ang alam ko’y kapag nandirito lang ako, walang magandang mangyayari sa atin.”360Please respect copyright.PENANABEW0pAuJXI
360Please respect copyright.PENANA6iimXJdUXT
Buntong-hininga na lamang ang lumabas kay Abracosa.360Please respect copyright.PENANAyMutYiI3Rw
360Please respect copyright.PENANARwJpv8Qofa
“Mayroon akong alam na puwede mong simulan.” sabi ng matanda.360Please respect copyright.PENANAcI9HSIBzIc
360Please respect copyright.PENANAPPbCAwLDGx
Pumasok sila sa kanyang silid-aklatan, isang maliit na kwartong mataas ang bubong at sa bawat pader ay nakahiga ang libo-libong mga libro. Liniwanagan ng sikat ng araw ang mga sulok ng kwarto. Inabot ni Abracosa ang isang panikwas sa kanyang gilid at unti-unting gumalaw ang mga pader at bumaba ang mga istante. Nang mapunta na ang aklat sa maaabot ni Abracosa, itinigil niya ang paggalaw ng pader at inabot kay Tydel ang libro.360Please respect copyright.PENANAdpVpgSuBRI
360Please respect copyright.PENANACOG8lBrP0G
Binuksan ng binata ang mga pahina at kanyang nakita ang isang nayong namumuhay sa loob ng isang latian, na kahit umaga man ay madilim. Ngunit nakikita rin niya ang kasiyahan ng mga tao sa iginuhit na larawan. Para bang walang pahid ng digmaan sa kanilang mga pader.360Please respect copyright.PENANATPT8Z220zM
360Please respect copyright.PENANAdTQwsrwzpq
“Ang nayon ng Cura. Ang kinalimutang nayon ng Teccao. Nasa kanila ang solusyon sa sakit na lumalaganap sa kaharian. Kung iyong mabigay ito sa atin, pupuwede ka nang magpahinga sa mga natitirang araw ng buhay mo.” sabi ng matanda. “Ngunit mahirap itong pasukin. Kung tinanong ka, sabihin mong ipinadala ka ni Amang Abracosa. Pero, hindi ko maipapangako ang iyong tagumpay.”360Please respect copyright.PENANAeuF78muo0y
360Please respect copyright.PENANAm6eAwBffK0
“Opo, ama. Maraming salamat po.” at niyakap ng binata ang kanyang tagapayo. Tumulo ang luha ni Abracosa sa mga buhok ni Tydel.360Please respect copyright.PENANAQhbum77JNW
360Please respect copyright.PENANAzzm5w64SnK
“Maghahanda ako para sa iyong paglalakbay. Kailan ka aalis?” sabi ni Abracosa nang nilulunok ang kanyang kalungkutan.360Please respect copyright.PENANAS1pjrLV3t0
360Please respect copyright.PENANAjHHDTNnwxG
“Ngayong gabi ‘ho, ama.”360Please respect copyright.PENANANw2DK7v64Q
360Please respect copyright.PENANA1ocIvl1tTy
“Magkita tayo sa gilid ng kagubatan. Magpaalam ka na sa mga minamahal mo.”360Please respect copyright.PENANA9TPtGLb4zM
360Please respect copyright.PENANAcwLqSRH6iy
Nang umalis na si Tydel mula sa kanyang bahay, lumabas si Abracosa at umupo sa hagdanan ng kanyang bahay-kubo. Dinamdam ng kanyang mga paa ang init na ibinibigay ng lupa. At siya’y umiyak, nilabas ang kanyang pighati.360Please respect copyright.PENANARiBbru6Ach
360Please respect copyright.PENANAJofObDd561
Bakit siya ang dapat isakripisyo? Sa dami-rami ng tao sa kaharian, bakit siya?360Please respect copyright.PENANAgUkMga3EPg
360Please respect copyright.PENANAYTLfcK8H50
- - - 360Please respect copyright.PENANAc9hCsOB5mU
360Please respect copyright.PENANAyxE6GJYcch
'Tydel, hindi ko kakayanin 'to...' ay ang mga salitang sumira sa puso ng binatang prinsipe.360Please respect copyright.PENANAgWKZKh2jJH
360Please respect copyright.PENANAQIVvwkD9rM
Noong hapong iyon ay nagsimula nang pumunta si Tydel sa kanyang mga kaibigan mula sa akademiya. May dilaw na kinang ang gilid ng langit at lupa na tila magsilbing kolorete sa paglisan ng araw.360Please respect copyright.PENANAap6btJEFwO
360Please respect copyright.PENANAwCmLgrfJoc
Mabilis siyang nakapaglibot sa nayon gamit ang kanyang motor; halos walang lamang sasakyan ang mga daan. Mabuti rin at walang nakakilala sa kanya, marahil dahil na rin sa suot niyang salakot, o dahil kakaunti na lamang ang naglalakad sa mga kalye. Ayaw niyang maisip ng tao na aalis papuntang ibang kaharian ang pag-asa nila.360Please respect copyright.PENANAMjS0rG2Mmk
360Please respect copyright.PENANAU1Slabtj0G
Nang pagpasok ni Tydel sa bahay ng kanyang pinakamatalik na kaibigang si Hernando, tila wala nang natirang kasiyahan sa paligid. Nagkasakit ang ina ni Hernando ngunit pinipilit pa rin nyang gumalaw para alagaan ang kanyang mga anak. Sa nakita ni Tydel, siya ang nag-aasikaso sa pagpapanatiling malinis ng bahay; parang malapit nang bumagsak ang matanda. Bago pumasok si Tydel, iniwan niya muna ang sapatos niya sa tapat ng pinto. Umiiyak na pinapasok ng ina ni Hernando ang prinsipe.360Please respect copyright.PENANAQC8yyN2PRj
360Please respect copyright.PENANAsGcaY2wotf
"Iyong Kataas-taasang Prinsipeng Tydel, hindi niyo na kailangang hubarin ang inyong sapatos—"360Please respect copyright.PENANARh2aKgLmsk
360Please respect copyright.PENANAD5rDiVdTJk
"Salamat po, Inay, pero hindi po mawawala ang paggalang ko sa inyo kahit ako'y maging hari."360Please respect copyright.PENANAsxObtFNZHF
360Please respect copyright.PENANAL3YaBecgJ0
Mas lumala ang pagluha ng ina. Sa sandaling iyon, bumaba na si Hernando mula sa kanyang kwarto at huminga nang malalim nang makita ang presensya ng kanyang mahal na kaibigan.360Please respect copyright.PENANA7bsJUpYPOB
360Please respect copyright.PENANAtd03ulf67f
Nag-alok si Hernando ng tasa ng tsaa ngunit tinanggihan ni Tydel, sinabing, "Hindi ako magtatagal."360Please respect copyright.PENANAqPfSuOoeHh
360Please respect copyright.PENANAweTE1vem3d
Umupo si Hernando at humigop sa kanyang tsaa. "Naaalala mo pa ba 'yung araw na muntik ka nang mabaril ng guwardiya?"360Please respect copyright.PENANAOvn4wMaalP
360Please respect copyright.PENANA6VWtOnmHva
Ngumiti si Tydel. "Oo. Grabe ka kasi, 'di ka mapakali. Ayan, muntik na 'kong mamatay dahil sa'yo."360Please respect copyright.PENANA2Jj5baMLMK
360Please respect copyright.PENANAeMLRBvXLXj
Tumawa si Hernando. "Alam mo, 'yun din ang araw na nalaman kong gagawin mo ang kahit ano para sa kabutihan ng kahit sino man– maliban sa sarili mo."360Please respect copyright.PENANABfRKJvJOUx
360Please respect copyright.PENANAy3UOgVX1mN
Humina ang ngiti ni Tydel. Tumingin siya sa lapag. "Hindi ko mapigilan. Ito na ako."360Please respect copyright.PENANAEYFbI1nFWt
360Please respect copyright.PENANA8yWMEPwntH
"Kung kaya ko lang na masamahan ka, Tydel, gagawin ko nang walang pag-aalinlangan. Alam mo 'yan." sabi ni Hernando.360Please respect copyright.PENANAYlMYCagpwk
360Please respect copyright.PENANAePEZr9b2Pn
"Alam ko, ngunit mas mahalaga ang pamilya mo." sabi ni Tydel.360Please respect copyright.PENANAyMD13yWun1
360Please respect copyright.PENANABMYUbrCaS0
"Parang tanggap ko na na mamamatay si Inang. Oras nalang talaga ang hinihintay." buntong-hininga ni Hernando.360Please respect copyright.PENANAl1Hkd6MXnT
360Please respect copyright.PENANAQSJT4w69aP
"Hindi lang ang nanay mo ang kailangan mong asikasuhin. Nandyan pa ang mga kapatid mo."360Please respect copyright.PENANAMHMxfV2umh
360Please respect copyright.PENANAIokS2By815
Tumahimik nalang si Hernando. "Mag-ingat ka. Kailangan mong bumalik para sa bayan."360Please respect copyright.PENANA7DbbVWSmoI
360Please respect copyright.PENANA4Fsz3kjb1y
"Hindi ko maipapangako, pero gagawin ko ang aking makakaya."360Please respect copyright.PENANA3zJgyysCsF
360Please respect copyright.PENANACPOAkidUzF
Umalis si Tydel pagkatapos siyang yakapin ni Hernando. Kay sakit sa kanyang puso na maaaring ito na ang huli nilang pagkikita. Naramdaman din niya ang kakaunting galit na mayroon si Hernando. Ngunit wala na siyang magagawa pa.360Please respect copyright.PENANAHU0Nl7Qci3
360Please respect copyright.PENANA89JcZ9V7m1
Huli na ang pag-uusap nila ni Jessenia.360Please respect copyright.PENANA9LZwNxW1AQ
360Please respect copyright.PENANAR29jVOOj62
Marahil hinuli niya dahil hindi pa niya kaya. Dahil hindi pa siya handa. Ngunit may sagot na ang puso niya, hindi lang niya masabi. Natatakot siya. Ayaw niya muna.360Please respect copyright.PENANAbudbWGw82w
Labis nilang sinuportahan at minahal ang isa’t isa, kahit na ang Midnia ay nawawarak na sa pagitan nilang dalawa. Hanggang ngayon, si Jessenia pa rin ang munting apoy na sumasama kay Tydel sa mundong kay lamig. Kung puwede lang sanang manatili nalang siya sa kanyang mga kamay sa sandaling magkita sila mamaya…360Please respect copyright.PENANAQ1rgVheJaj
360Please respect copyright.PENANAqNd3jsGgpz
Gayunpaman, kahit gaano kabigat ang puso ni Tydel, kailangan na niyang pakawalan ang tanging nagbibigay sa kanya ng liwanag.360Please respect copyright.PENANAqyiVD0pBbi
360Please respect copyright.PENANAhPZa3VQoGL
Sa kanilang pagkita, umiiyak na ang dalaga. Basa sa ulan, naghihintay sa tapat ng kanyang bahay para masulyapan lamang ang minamahal. Pagbaba ni Tydel sa motor ay sinalubong siya ng halik ni Jessenia. May luhang tumulo sa kanyang mata nang maisipan niyang huminto muna at manatili. Sana ganito nalang ang takbo ng oras. Mabagal, pero walang hinto. Para mas madama niya ang pagmamahal ni Jessenia. Para maisang-tabi na muna niya ang kanyang mga problema.360Please respect copyright.PENANApfq1U2u1hC
360Please respect copyright.PENANAja4WOGa9Rt
Umiyak ang dalawa at nagyakapan sa ilalim ng ulan. Sa isipan ni Tydel, halos iisang oras silang nandoon, sinusulit na lamang ang sandali.360Please respect copyright.PENANAmYLHCTq5T2
360Please respect copyright.PENANAJnaf6941cZ
Sa wakas, nagawa ring magsalita ni Tydel. “Anong ginagawa mo sa kalagitnaan ng daan? Bakit hindi ka pumasok, ang lakas ng ulan, mahal.”360Please respect copyright.PENANAn3jjCRUSNf
360Please respect copyright.PENANAyMSClqBYi6
“Parang naramdaman ko na na aalis ka. Hindi ko alam kung bakit pero alam ko…” iyak ni Jessenia, at naramdaman ni Tydel ang higpit ng kanyang yakap.360Please respect copyright.PENANAaTWSuBVvsR
360Please respect copyright.PENANATFMxGLdDsq
“Patawad, mahal.”360Please respect copyright.PENANArB2hQnHVIa
360Please respect copyright.PENANA9GKpgiHF4X
“Tydel, hindi ko kakayanin 'to…”360Please respect copyright.PENANAt1u3K2ehrE
360Please respect copyright.PENANAICUAq0FtfO
Hindi na napigilan ni Tydel ang kanyang luha. Mahinhin niyang nilagay ang pisngi ni Jessenia sa piling ng kanyang mga daliri; kay lambot ng kanyang hawak, kay sakit ng sandali.360Please respect copyright.PENANAwWVvAYMLdM
360Please respect copyright.PENANAdN9VpmrPpH
“Tingnan mo 'ko. Alalahanin mo ang mukhang ito. Maraming araw ang darating bago mo ako makita muli, pero ipapangako ko sa iyo…” Napahinto si Tydel. “Pasensya na… hindi ko maipapangako ang pagbalik ko.”360Please respect copyright.PENANA2wUWN6yJWX
360Please respect copyright.PENANAqRylI9Tnan
“Alam ko, hayaan mo na muna akong mahawak ka nang matagal.” sabi ni Jessenia kahit pagod na ang labi.360Please respect copyright.PENANA9MaL6pFdYL
360Please respect copyright.PENANA1tb1IgCCM4
“Kung hindi lang ako ang prinsipe, mahal… Kung hindi ganito ang takbo ng mundo—” ngunit hindi natapos ni Tydel ang kanyang mga salita.360Please respect copyright.PENANA044HW3M3HS
360Please respect copyright.PENANAu10lzqZjYR
"Pero ganito ang takbo ng mundo. Ang sakit ring isipin, Tydel…” luha ni Jessenia. “Pero may iisa akong maipapangako sa iyo. Tingnan mo ko, mahal.”360Please respect copyright.PENANAuM8AbdcN7e
360Please respect copyright.PENANA0yDh2Qqv2M
Nagkita ang mga mata ng dalawa. Bulong ni Jessenia, "Kahit man may galit sa atin ang mundong ito, pipiliin ko pa ring tumakbo sa tabi mo. Ipaglalaban ko ang pagmamahal natin. Paninindigan kita. Kahit hindi ko na kaya, sa’yo pa rin ako…"360Please respect copyright.PENANAzkhRJTvu7o
360Please respect copyright.PENANA1RXxJOcBJ7
Nanginig ang katawan ni Tydel at nanghina siya sa kamay ng kanyang minamahal. Hindi pinakawalan ni Jessenia si Tydel.360Please respect copyright.PENANArkanw0I23b
360Please respect copyright.PENANAKJlCXtxbcb
“Kung ito ang kasagutan ng puso mo, ito ang ipagpatuloy mo.” sabi ng dalaga.360Please respect copyright.PENANA28DsJhsijH
360Please respect copyright.PENANAiFPOWyktra
"Mahal na mahal kita. Paalam, Jessenia."360Please respect copyright.PENANAzsIJDvO09D
360Please respect copyright.PENANAzdzFX8VlCS
- - - 360Please respect copyright.PENANAK0nw5l0XHx
360Please respect copyright.PENANAQdGGQHuxJu
Tahimik na ang mga sumunod na oras. Pagbalik ni Tydel sa palasyo ay hindi na siya nakapagsalita, kahit sa harap ng kanyang sariling inang si Lumina. Hindi niya magawang mabanggit lamang ang kanyang paglisan, dahil alam niya ang gagawin ng kanyang mama. At kahit salungat sa kaniyang kalooban, kailangan niyang ilihim ang nararamdaman.360Please respect copyright.PENANAVfQTfjmzL5
360Please respect copyright.PENANAwGGDy4TRpi
Kinulong ni Tydel ang sarili niya sa kanyang kwarto upang makapag-impake ng kanyang gamit. Ang baril, kutsilyo, iilang pagkaing pinapakain lamang sa militar, mga damit na pang-sibilyan, lahat ay ipinagkasya sa isang maletang kayang ikarga ni Tydel sa kanyang likod.360Please respect copyright.PENANAsVynauSjvs
360Please respect copyright.PENANApmNTcT75sc
Ngunit hindi siya makalabas.360Please respect copyright.PENANACyvaz5X5Zr
360Please respect copyright.PENANALooeiJFp81
Bumagsak ang binata sa sahig, natapon ang laman ng maleta. Hindi makahinga nang maayos, patuloy na tumutulo ang pawis. Mayroon pang takot na pumipigil sa kanya, at kahit ipinipilit niya itong itulak pababa, hindi niya maiwasan ang pangangamba. Unti-unting humihigpit ang kanyang mga baga, at namumula na rin ang kanyang mga mata sa pag-iyak. Niyakap niya ang kanyang sarili habang nakahilantad sa lapag. Wala siyang magagawa kundi ang maghintay sa pagtigil ng lahat.360Please respect copyright.PENANAmVzChKYPjf
360Please respect copyright.PENANA64GW5YaF0u
BOOM. Sa lakas ng pagsabog na narinig ni Tydel, bumalik siya sa kanyang pag-iisip at nakahinga nang malalim. Hindi niya alam kung iilang minuto siyang nakahiga sa sahig. Biglang kumalog ang lapag, umugoy ang palasyo, habang binibigyang-kahulugan pa ni Tydel ang nangyayari.360Please respect copyright.PENANAL69kNRjNDf
360Please respect copyright.PENANASnf8icuzAf
Lumabas siya sa kanyang kwarto at tiningnan ang mga pasilyo; kaliwa’t kanang natatarantang tumatakbo ang mga trabahador. Sa labas ng bintana ay dinig niya ang sigaw ng mga tao. Ang kaninang dilaw na liwanag sa pagitan ng langit at lupa ay ngayo’y naging apoy na kumukumot sa ulap ng Midnia. Sa sandaling iyon, nalaman na niya ang nangyayari.360Please respect copyright.PENANAN9ElRaRUTD
360Please respect copyright.PENANA7ufiwZaudf
Nandito na ang Teccao.360Please respect copyright.PENANAyq3Hmnm4t5
360Please respect copyright.PENANA5p7Z7vs7FB
Iisa lamang ang nasa isipan niya, na hindi pa siya nakakapagpaalam sa kanyang ama. Mabilis niyang tinakbo ang mga hagdang patungo sa kwarto ng hari, kahit na sinusuntok na ng puso niya ang kanyang dibdib, kahit na binabaha ng pawis ang kanyang katawan.360Please respect copyright.PENANAjyniACvUOu
360Please respect copyright.PENANAV5FUmZPQDu
Sa sandaling iyon, hindi man lang naisip ni Tydel na may sakit ang kanyang ama, na maaari siyang mahawa't mapahamak ang kanyang misyon. Gusto lamang niyang masilayan muli ang kanyang papa, kahit ang ibig-sabihin nito ay ang kanyang sariling pagkahina.360Please respect copyright.PENANAJjjLsswDWP
360Please respect copyright.PENANA0dNPVqUkrD
"Papa! Gumising ka, sige na, papa…" dumapa si Tydel sa gilid ng kama, hawak ang kamay ni Haring Idrola malapit sa kanyang mukha.360Please respect copyright.PENANANWB2dCXDVs
360Please respect copyright.PENANAMn0hqecccG
"Anak… oras na ba?" bulong ni Idrola.360Please respect copyright.PENANAovx7a0Jk5X
360Please respect copyright.PENANAnRseJwV9Au
"Nandyan na sila, kailangan na nating umalis! Halika, papa, tutulungan kita pababa, sige na…" 360Please respect copyright.PENANA98DVfHSXTh
360Please respect copyright.PENANAUUEwJJx1RK
"Hindi na, anak… Hayaan mo na ako. Bakit ka pa pumasok dito? Mahahawa ka lang ng aking sakit…"360Please respect copyright.PENANAkaaIbSDCww
360Please respect copyright.PENANAgrREOb37nP
“Papa!” sigaw ni Tydel nang may malakas na pagbagsak sa gilid ng pader. “Hindi mo ba ako naiintindihan? Umaatake na sila! Wala akong pakialam kung magkasakit ako, kailangang mailigtas ka— ”360Please respect copyright.PENANAXzzXtGvihS
360Please respect copyright.PENANAO0XxQrNNA9
“Naiintindihan kita, Tydel.”360Please respect copyright.PENANAqNJPmJivSc
360Please respect copyright.PENANAyX4J04z52F
Tinitigan ni Tydel ang kanyang papa, at kusang pinakawalan ang kanyang kamay.360Please respect copyright.PENANAmXEn8Cn3r9
“Hindi ko pa nga tanggap, papa. Akala ko’y wala na akong pakialam kung lumisan ka, na malakas na ako, na hindi na ‘ko duwag. Pero mali ang akala ko… Tulungan mo ako, papa. Mahina pa ako.”360Please respect copyright.PENANA4TLnYSt0UR
360Please respect copyright.PENANAsiMmHoPHN3
“Mahina rin ako, anak. ‘Yan ang ‘di alam ng nakararami. Pero sinubukan ko, kahit na nilason ako at pinabayaan ng mundo, kinaya ko.”360Please respect copyright.PENANAIxpDucoEBk
360Please respect copyright.PENANA2ovAheLNeu
“Paano, pa?”360Please respect copyright.PENANAq7UuSD2XBQ
360Please respect copyright.PENANAdEMCp0Rttr
“Kumapit lang ako sa pag-asang magiging mabuti rin ang takbo ng panahon.” ngiti ni Idrola habang kanyang hinawakan ang kamay ng anak. Napaluha si Tydel. 360Please respect copyright.PENANAO0AeVzUU9Y
360Please respect copyright.PENANAQ9Do3MRoH2
“Iisa lang ang taong nakikita kong gigising sa kinabukasang pinapangarap ko.” sabi ng hari. Tumingin si Idrola sa bubong ng kwarto at pinikit ang mata. Hinubad niya ang korona at ipinakita sa kanyang anak. Nakakabulag ang gintong kinang nito, na tila tumitingin ka sa langit. Ang mga perlas na nakakalat sa bawat gilid nito, ang mga naka-ukit na larawan sa mga dulong patulis; kaakit-akit.360Please respect copyright.PENANAjJ9FlZ09uM
360Please respect copyright.PENANAmynDZ5dTQt
Ngunit hindi man lang humanga si Tydel sa kagandahan nito. Nang ibaba ng hari ang korona sa ulo ni Tydel, napabagsak ang binata sa sahig at nanatili ang korona sa mga kamay ni Idrola. Hindi na napigilan ni Tydel na ilihim ang kanyang paglisan.360Please respect copyright.PENANAgeUzjia7Bu
360Please respect copyright.PENANAzRvueKYZeK
“Papa, hindi ko pa kaya. Pa, aalis ako, hindi ko alam kung babalik pa ako ng Midnia!”360Please respect copyright.PENANA7l1o9Ciw5P
Nanlaki ang mata ni Idrola at nawala ang ngiti sa kanyang mukha sa pagkarinig ng mga salita ng kanyang anak. Buntong-hininga na lamang ang lumabas sa kanyang bibig.360Please respect copyright.PENANA2EE6nWEMg9
360Please respect copyright.PENANAO4iR2FY8O9
“Ikaw lang ang tunay na hari ng kaharian natin. Hindi ko ito maibibigay sa iba. Ikaw ang pag-asa natin, anak.”360Please respect copyright.PENANA8MtzdOXiPe
360Please respect copyright.PENANAAFdhosQdpC
“Bakit hindi mo ibigay kay mama?”360Please respect copyright.PENANAdsuItTVIfs
360Please respect copyright.PENANAFlvvJTKcp2
“Mahina na rin siya, anak… Sa mga susunod na araw ay magkakasakit ang mama mo.”360Please respect copyright.PENANA4Z0Dxv3xZS
360Please respect copyright.PENANAP8zlZEueq1
“Papa…” iyak ni Tydel.360Please respect copyright.PENANAfZ5oxm0bby
360Please respect copyright.PENANAWgUM2qpQkA
May nagsimulang sigawan mula sa kabila ng mga bintana. Mayroon nang mga taong bumabalibag sa pinto ng palasyo, nagmamakaawang papasukin sila. Huminga nang malalim si Idrola, at tumahimik ng ilang segundo. Nang pagbukas ng kanyang mata, tumingin siya sa kanyang anak na para bang tiyak na ang kanyang desisyon.360Please respect copyright.PENANArT3lmgZYn6
360Please respect copyright.PENANA97C4YpPhnt
“Ano man ang iyong gawin, alam ko na ikabubuti ito ng bansa. Kahit hindi mo suot ang korona, ikaw ang aming bayani, Tydel.”360Please respect copyright.PENANAXfVgMFNUQL
360Please respect copyright.PENANAjypzOJxlmH
Tiningnan ni Tydel ang kanyang ama. Mahina na, namumuti na ang pisngi. “Paano na ang Midnia, papa? Hindi ko kayang ipagpaliban ang aking misyon. Ngunit hindi ko rin mapapabayaan ang kaharian!”360Please respect copyright.PENANA5Z9uF1T0Gl
360Please respect copyright.PENANABUsCgeO9Fs
“Tama ka… mas lalaki lang ang apoy sa Midnia kung hindi ka aalis. At wala na rin naman akong magagawa kung iyan ang iniisip mong kailangang mangyari. Ikaw lamang ang tanging taong alam kong may puro at tapat na pagmamahal sa bayan.”360Please respect copyright.PENANAONt9QL4kjC
360Please respect copyright.PENANAc5JUvDA2gs
“Salamat, papa… sa lahat.” Hinalikan ni Tydel ang noo ng hari.360Please respect copyright.PENANAyaPIvTql46
360Please respect copyright.PENANAe7F73OaYSj
Tumakbo si Tydel papalabas ng kwarto nang may luha sa kanyang mata, habang lumalabo ang kanyang paningin at unti-unting namumula ang paligid. Sa kanyang likuran, narinig niya ang pagbagsak ng gintong korona ng Midnia. Iniisip niya kung ano ang kanyang iniwanan, ang kanyang isinuko, para lang maging bayani ng bayang bumabagsak na. Manghihinayang kaya siya sa kanyang desisyon?360Please respect copyright.PENANAtoEdU82nfi
360Please respect copyright.PENANAdEqkObCn4U
Nang may mabilis na pagtibok ng puso, tumalon ang Haring Tydel mula sa bintana. Palabas ng palasyo, papunta ng kagubatan; paalis ng kaharian.360Please respect copyright.PENANABWJtNYkaOW
360Please respect copyright.PENANAIihuSgV5bu
- - - 360Please respect copyright.PENANAzTN70Oyyxp
360Please respect copyright.PENANACVJhz8CMUa
"Patay na ang hari." 360Please respect copyright.PENANAX7v0tohLgU
360Please respect copyright.PENANAYRe3rgL41V
Sa kaguluhang nangyayari sa kabilang dulo ng kagubatan, hindi na ipinakita ni Abracosa ang tunay niyang naramdaman.360Please respect copyright.PENANA75AnxiFaDF
360Please respect copyright.PENANAyxIaeZXHtj
"Oras na rin ng kanyang pahinga." bulong ni Abracosa.360Please respect copyright.PENANAOsFvDrfYay
360Please respect copyright.PENANAobpqzpdTxW
"Ama… bakit kailangang ngayon mangyari 'to?" Luha ni Tydel habang ibinabagsak ang kanyang mga gamit sa buhangin. Nagningning ang tubig dagat ng pula at ginto sa mga apoy ng Teccao.360Please respect copyright.PENANAqncfDyZn03
360Please respect copyright.PENANABIj8GzUXUl
"Wala nang oras para damdamin ang nangyari. Wala nang maiiba. Kailangan nalang nating umusad." 360Please respect copyright.PENANAwoFjp1cAXH
360Please respect copyright.PENANAuod0Aqn3C4
Mula sa tubigan ay pinaangat ni Abracosa ang isang malaking makinang tawag nilang submarino.360Please respect copyright.PENANAGNabikKtlN
360Please respect copyright.PENANAxMhfVioSzP
"Ito ang sasakyan mo papuntang Teccao. Nakasaad na ang ruta niyan, kailangan mo nalang maghintay. Ang kadiliman ng tubig ang kaibigan mo sa panahon mo sa ilalim. Sa pagbagsak mo sa mga lupain ng kaharian ay darating na rin ang mga bangka nila. Mag-ingat ka. Huwag kang magpapakita sa kahit kanino." paalala ng matanda.360Please respect copyright.PENANAN638gpHdTg
360Please respect copyright.PENANAq2EjPF1red
"Ama… Mag-ingat rin kayo."360Please respect copyright.PENANA9Oc2nxchKy
360Please respect copyright.PENANAYB8nsNnf2E
"Pinoprotektahan tayo ni Inang Kalibutan. Huwag kang mag-alala."360Please respect copyright.PENANAsTDvnv30XZ
360Please respect copyright.PENANA55WlNY3Tof
Mula sa leeg ni Abracosa ay tinanggal ang isang kuwintas na yaring kahoy at dahon. Napunta ito sa mga kamay ni Tydel.360Please respect copyright.PENANAjhvwu4NeMh
360Please respect copyright.PENANAkv0i4fimwN
"Palagi mong tandaan, Tydel," pinatuloy ni Abracosa. "Hindi tumitigil ang pagmamahal ng Ina sa atin."360Please respect copyright.PENANAIrsC3qEDBh
360Please respect copyright.PENANArUqBlOFSYf
Sinuot ni Tydel ang kuwintas. Sa segundong nagdikit ang kahoy nito at ang balat niya, tila nagkaroon ang bata ng kakaibang lakas at galak na matapos ang misyon. Lumiwanag nang kaunti ang kanyang paningin, nawala ang dilim ng gabi. Nagkaroon ng munting kinang ng pag-asa ang kanyang puso. Sa iilang saglit ay naramdaman ni Tydel na mayroon siyang kakayahan at kapangyarihan na ipagpatuloy ang landas. Hindi na muling lalabo ang kanyang pagtingin sa abot-tanaw. Malinaw ang tagumpay.360Please respect copyright.PENANAg3X3RZjZxy
360Please respect copyright.PENANAY9RaaYALLt
"Salamat, Ama, sa lahat ng itinuro at ibinigay mo sa akin. Hindi kita bibiguin."360Please respect copyright.PENANAiQRyt3GCub
360Please respect copyright.PENANAczP62Nsgjh
"Tydel, sa simpleng pagtapak mo sa labas ng palasyo, tinanggal mo na ang lahat ng mga duda ko. Nagtagumpay ka na sa aking mga mata."360Please respect copyright.PENANAlaRUzogF0Y
360Please respect copyright.PENANAcoQAYKqiye
Ngumiti si Tydel, isang munting ngiti ngunit taos-puso at totoo. Kay tagal nang nakalipas mula noong huli itong nakapiling ng puso niya.360Please respect copyright.PENANAioqumvhXPg
360Please respect copyright.PENANARYKtBvcTyv
Sa pagsakay ng bagong hari sa submarino, wala nang nagpabigat pa sa kanyang damdamin. Handa na siya, kahit na pininturahan ng luha't dugo ang daang kanyang tatahakin. Walang pag-aalinlangan niyang hinanda ang makina.360Please respect copyright.PENANAbLqPY1Hpxy
360Please respect copyright.PENANAYeAYI8BABZ
Unti-unting lumubog ang submarino, palalim nang palalim hangga't ang tanging yumayakap sa kanya ay ang kadiliman. Ngunit hindi nakaramdam ng takot si Tydel. Malakas ang loob niya na malalagpasan niya ito.360Please respect copyright.PENANAYkzHR7b1nH
360Please respect copyright.PENANAAJH9Pfpafj
Umandar na ang makina, palayo ng kaharian.360Please respect copyright.PENANAytI9qPQCoZ
360Please respect copyright.PENANAHldQK30e09
Sa likuran, tiningnan ng bagong hari ang iniwanan niyang kaharian mula sa ilalim ng tubig. Ang ilaw sa maitim na gabi.360Please respect copyright.PENANA1ctESBYQ4Y
360Please respect copyright.PENANAN26eoQX6NA
Nagsusumikap ang mga sundalo ng Midnia na labanan ang mga pumapasok na kabalyerong Teccian. Tila namula na ang mga pader ng mga gusali sa mga talsik ng dugo. Nangibabaw ang ilaw ng mga apoy na sinunog ang pag-asa ng bayan. Sa ere ay may mga barkong lumilipad, inulanan ng bomba ang mga depensa ng Midnia. Patuloy pa rin ang laban, at walang umatras sa mga Midnian. Tinadtad ng bala ang mga barko, sinaksak sa puso ang mga Teccian, at tinulungan ang mga manggagawa na tumakbo paalis ng gulo. Nananalo ang Midnia, ngunit kung sa huli ay putol ang kanilang paa, walang mauwiang pamilya, ano pang silbi ng giyera?360Please respect copyright.PENANAxMXVXRwVyT
360Please respect copyright.PENANAvzHqU1zVE3
At ang nasa isip ni Tydel, ay ang kanyang pagkawalang-imik sa nangyari. Pero, hindi na niya kayang tumalikod. Paabante lang ang kanyang galaw.360Please respect copyright.PENANAXPAgvH8iY9
360Please respect copyright.PENANAKGJz8D3gxw
"Paalam, Midnia."360Please respect copyright.PENANACdj3faJkjj
360Please respect copyright.PENANACpyAVYOWc5
Ito na ang huling tingin ni Tydel sa kanyang iniwanang kaharian. Kung siya ma'y makabalik, ibang lugar na ang kanyang mauuwian.360Please respect copyright.PENANA54wGx0VHZQ
360Please respect copyright.PENANAl7WosqWAUw