
Kung hindi ganito ang takbo ng mundo, hindi ako magdadalawang-isip na tumakas tayo.376Please respect copyright.PENANARZUtwnGWhS
376Please respect copyright.PENANA0LC1LYoEK5
Hindi maalis ni Tydel ang kanyang isipan sa pag-uusap nila ni Jessenia. Kung may nasabi man siyang mali o masakit, kung kaya lang niyang mabago, tapos na ang lahat. Hindi na niya muling mababalikan ang nakalipas. Siguro sa sandaling iyon ay nalaman na ng puso niya ang kasagutan. Na kahit sobrang sakit...376Please respect copyright.PENANAYgtNYVBde1
376Please respect copyright.PENANAt9U2ZjXAj0
Kahit ayaw niya, si Tydel na ang hari ng Midnia.376Please respect copyright.PENANAcQvv9nbOdA
376Please respect copyright.PENANAJ7pwBNK89y
- - - 376Please respect copyright.PENANAVZQWK3Vhur
376Please respect copyright.PENANAGk1N1qhgPQ
Mga iilang linggo nang hindi nagpapakita ang kanyang papa. Nakahandusay sa higaan ang haring Idrola, walang salita, walang imik. Hindi kumukuha ng pansin, hindi namamansin. Noong isang gabi tinatak na ni Tydel sa isipan niya na wala nang buhay ang tatay niya. Sinisikap man ng mga manggagamot ng Midnia na maayos ang kalagayan ng hari, parang may nakaukit na sa utak ni Tydel na wala nang pag-asa. Mabilis na ring kumalat ang sakit sa mga nayon ng kaharian. Unti-unting nasisira ang pundasyon ng kaharian. Mas naramdaman ni Tydel ang pagiging mag-isa.376Please respect copyright.PENANA1HALftxSF5
376Please respect copyright.PENANAKyIdd0mkbK
Madalas na ngayong puntahan ni Tydel ang Amang Abracosa, ang matandang nagpalaki sa kanyang ama. Malaki ang kaniyang paghanga sa matanda, dahil hindi lamang sa pamumuno o pakikipaglaban ang karunungan na inaabot niya; isa siyang Mezular.376Please respect copyright.PENANADnhI6DpFou
376Please respect copyright.PENANA1KSoflT1rm
Kagalang-galang ang mga Mezular sa loob ng bawat pader ng Midnia. Sila ang gabay ng sangkatauhan. Matagal na silang naririto sa mundo. Marami ang nagsasabing sila ang mga katulong ng Inang Kalibutan, ang diyosang kanilang pinaniniwalaan, lalo na't marami sa kanila ang mayroong kakaibang kapangyarihan na nakakatulong sa pag-unlad ng bansa. Ang kanilang karunungan ang nagbibigay liwanag sa bawat desisyon na ginagawa ng gobyerno at ng mamamayan. Kailangan ni Tydel ang karunungan na ito. Kailangan niyang malaman kung paano maging isang hari. 376Please respect copyright.PENANATCl0Q84OrG
376Please respect copyright.PENANA5urJVNPVqM
Pero sa bawat pagkikita nilang dalawa ni Abracosa, tila may nawawalang liwanag sa langit.376Please respect copyright.PENANApGgEKd3FTw
376Please respect copyright.PENANAlknz5sA4Va
"Amang Abracosa, nararamdaman mo ba?"376Please respect copyright.PENANAUj8FfYlsn5
376Please respect copyright.PENANAOnznF5N2UT
Napatingin si Abracosa sa kanya, parang may kakaunting kinang pa sa mata ng binata.376Please respect copyright.PENANAMFW13QiSdY
376Please respect copyright.PENANAZRw8UczAYO
"Ano iyon, anak?" sagot ng matanda.376Please respect copyright.PENANAiUhykPYpav
376Please respect copyright.PENANA9irDGGxfk7
"Unti-unting dumidilim ang kapaligiran. Sa tingin ko'y hindi lang ito dahil sa panahon. Sa tingin ko, may paparating."376Please respect copyright.PENANAXm6BUFNdKX
376Please respect copyright.PENANAmMSrQbQkdO
"Palagi namang may paparating, Tydel. Hindi lang tayo handa." malungkot na sinabi ni Abracosa. Kaniyang tiningnan ang lapag at hinaplos ang damo.376Please respect copyright.PENANArkWsrMetOS
376Please respect copyright.PENANAqQA9yykX1J
Patuloy pa rin ang kaniyang pagsasanay. Araw-araw niyang sinisikap na aralin ang bawat salita sa mga librong nakatanghal sa mga pader ng bahay ni Abracosa. Tinulungan ng matanda si Tydel na gumamit ng baril at tabak, kung dumating man ang panahon na dahas na ang kinakailangang paraan. Napansin ni Tydel ang pag-aalinlangan ni Abracosa sa simpleng pagbibigay ng baril sa kanya.376Please respect copyright.PENANAWzClgGQnsn
376Please respect copyright.PENANAHiPObQTWCg
Nahalungkat din ni Tydel ang mga librong nagpakita ng kasaysayan ng Midnia, kung paano ba ito nabuo. Bata pa lamang si Tydel noong nagsimula ang Midnia. Ngunit, sa kanyang mga alaala't panaginip, dinig niya ang sigaw ng mga tao, ang pagsunog sa mga bahay, at ang isang koronang tinalsikan ng itim na dugo.376Please respect copyright.PENANAErG1yX2XJ9
376Please respect copyright.PENANAJwQFZtytud
"Napapaginipan mo pa rin ba ang pagtakas natin sa Teccao?" biglaang tanong ni Abracosa, na tila alam niya ang iniisip ni Tydel.376Please respect copyright.PENANAPR4qJDSKCu
376Please respect copyright.PENANAP4u6eFdANx
"Oo, ama, hindi ko maintindihan. Ang alam ko lang, patuloy ang pagdurusa ng kaharian natin dahil sa kanila. Dahil sa kanila, patay na si tito. Nagawa nilang patayin ang pinakamalakas nating mandirigma. Ano pa ba ang hindi nila kayang gawin?" iyak ni Tydel.376Please respect copyright.PENANA4hk9vi0RVQ
376Please respect copyright.PENANA0bvXKV5h0v
"Mga iilang linggo nalang bago sila ulit umatake." sabi ni Tydel habang tumitingin sa mga pahina ng libro. Nagsimula siyang gumuhit ng larawan ng pagkamatay ng kanyang tito.376Please respect copyright.PENANALnRZc86Nl3
376Please respect copyright.PENANAxWE2oaaFX5
Huminga nang malalim si Abracosa.376Please respect copyright.PENANAO5JAB3Hq1t
376Please respect copyright.PENANAR44fD0H2nm
"Sa tingin ko, kailangan mo nang malaman ang katotohanan." sabi niya. Tumayo si Abracosa sa kanyang inuupuang bato. Sinayaw ng hangin ang kanyang puting buhok.376Please respect copyright.PENANAbJnXlNPiwo
376Please respect copyright.PENANAuAgNRgGPO9
"Noong bata ka pa, Tydel, tumakbo tayong mga Midnian mula sa Teccao. Lahat tayo dito ay mga Teccian noon. Ngunit tinuligsa natin ang mga utos ng gobyerno, dahil nakakasama ang kanilang pamamahala. Binigyan ni Grandor, ang hari, ang kaniyang militar ng kalayaan sa pag-aresto ng mga taong kasalungat niya. Iilang nayon ang napaalis nung araw na iyon. Ang 'Araw ng Pagbabago." Lahat ng ito, dahil sa maling tao napunta ang korona ng Teccao."376Please respect copyright.PENANAK0f7YRHxKq
376Please respect copyright.PENANAh5hjuQGcOT
Tahimik na lumuha si Tydel. Isang tingin lang ni Abracosa sa binata at alam na niya ang katanungang umiikot sa isipan niya.376Please respect copyright.PENANA7JFtf3SoM6
376Please respect copyright.PENANAYB3cG9SBCq
"Desisyon ng papa mo na itago sa iyo ang katotohanang ito. Lahat ng mga tao, lalo na ang iyong mga guro, kinausap niya."376Please respect copyright.PENANA444Hdy7q44
376Please respect copyright.PENANAUCpjw5FgAP
Tinago ni Tydel ang kanyang mga luha kay Abracosa. Napatingin siya sa dumidilim na langit. "Kung hindi ako ang nararapat na maging hari ng Midnia, handa akong sumuko. Ngunit hindi ako titigil na lumaban para sa kaharian—"376Please respect copyright.PENANAiZuSVUVBMY
376Please respect copyright.PENANAP1PYB9uo8d
"Hindi ganiyan ang intensyon ng ama mo. Sa totoo, ang kinakatakutan niya ay ang labis mong pagmamahal sa bansa. Noong sanggol ka pa lamang, Tydel, may naramdaman na ang mga Mezular sa tibok ng puso mo. Ikaw lang ang pupuwedeng maging hari ng kahariang ito."376Please respect copyright.PENANAdjNAhqtsip
376Please respect copyright.PENANABU0S7T57NP
Tumingin si Tydel sa matanda. "Kung ganoon, bakit 'to tinago sa akin?"376Please respect copyright.PENANAdtYfBpsdw8
376Please respect copyright.PENANAGh8QtvXIg5
"Dahil alam nating dalawa kung ano ang gagawin mo, kung sakali mang malaman mo."376Please respect copyright.PENANA4DQxX7cMft
376Please respect copyright.PENANAdVhmSnRIe6
Lumakad si Abracosa papunta kay Tydel at umupo sa tabi ng binata. "Mahal na mahal ka ng tatay mo, Tydel. Ayaw niyang mapahamak ka't masaktan dahil lamang ikaw ang anak niya."376Please respect copyright.PENANA8KwjCZedlv
376Please respect copyright.PENANAeNCo6QZsnW
Malungkot na nagsalita si Tydel. "Hindi ko kinakaya na humilata lang habang nilulusob tayo buwan-buwan ng mga Teccian. Kailangan kong gumawa ng paraan para matapos ang gulong ito."376Please respect copyright.PENANAqLGnqvfr1Z
376Please respect copyright.PENANAkNT70vsUFy
"Tydel, alam kong puro ang iyong intensyon, pero sana maintindihan mo ang kahalagahan ng dugo mo. Kung walang mamamahalang Dysplis sa Midnia, babagsak lang ang kaharian. Iyan ang matagal ko nang panaginip, Tydel."376Please respect copyright.PENANA3zDa4zn8q1
376Please respect copyright.PENANAiPNyJJJXh4
"May dugong Dysplis din si mama, kaya niyang maging reyna ng kaharian."376Please respect copyright.PENANAjys09ENwD6
376Please respect copyright.PENANAro2BFjsAxx
"Makakayanan niya, oo. Magaling ang mama mo. Pero sa darating na panahon, mas kailangan ka namin, Tydel."376Please respect copyright.PENANADhlekp3742
376Please respect copyright.PENANA39Jhx5h7nK
Tumayo si Tydel. "Hindi ko kayang umupo lamang. Kailangan kong tumayo, lumaban! Amang Abracosa, kailangang kong pumunta ng Teccao—" huminto si Tydel sa kanyang mga salita. "Doon ko lang magagawang mabago ang landas natin..."376Please respect copyright.PENANA5PsQkhmYLU
376Please respect copyright.PENANAgUJmx9K3jl
Tumahimik sila nang ilang sandali.376Please respect copyright.PENANAYG7cNW3Apo
376Please respect copyright.PENANAR9wGvgPbEx
"Pagpapakamatay lang ang gagawin mo, anak." wika ni Abracosa.376Please respect copyright.PENANArBLJgnYMkg
376Please respect copyright.PENANA4OPDLfACH7
"Handa na akong mamatay para sa bayan."376Please respect copyright.PENANA85Rhq4LyQi
376Please respect copyright.PENANAJ0FdtEvfuQ
Umambon na nang konti sa paligid nila. Nagsimula nang bumalik sa bahay-kubo ni Abracosa ang mga ibong kanyang inaalagaan. Inilatag ng matanda ang kanyang kamay sa mainit na damuhan, na parang may hinihingi siyang kasagutan mula sa lupa.376Please respect copyright.PENANA3Ifyd7ecDc
376Please respect copyright.PENANANrSaEEhTZJ
"Alam mo, Tydel, ito ang palaging sinasabi sa amin ni Inang Kalibutan; sa bawat paggalaw natin, hindi lang ang isip ang dapat na gumagana. Kailangan din nating tanungin ang ating puso. Dahil sa kalaliman ng ating mga puso, namumuhay ang parte ng ating pagkatao na nakakabit pa sa ating pinanggalingan. Na magsasabi sa atin kung ano ang nararapat na pasya."376Please respect copyright.PENANAXK0PXJzHwz
376Please respect copyright.PENANAI2O0PxFQME
"Ano kaya ang sagot ng puso mo, Ama?" tanong ni Tydel.376Please respect copyright.PENANA4pc1XceyMp
376Please respect copyright.PENANA1y0zkKmm4z
"Na kinakailangan mong intindihin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng puso." sagot ni Abracosa.376Please respect copyright.PENANAb0IKaKJbuM
376Please respect copyright.PENANAIFu0YeDkGt
Nilagay ni Tydel ang kanyang kanang kamay sa kaliwang dibdib.376Please respect copyright.PENANA33Wekncj3M
376Please respect copyright.PENANA00lYC5h7bB
"Hindi ko alam kung kakayanin ko ang hinihiling mo.”376Please respect copyright.PENANANBIcSj61Cj
376Please respect copyright.PENANACRKelrwu7p
- - - 376Please respect copyright.PENANA3lvp08meOQ
376Please respect copyright.PENANAQWvWaeRCLc
Dumating ang panahon na mas lumaganap lamang ang sakit sa bawat nayon ng Midnia. Ginawa ng lahat ng mga manggagamot ang kanilang makakaya, pinagod ang kanilang mga katawan hanggang sa wala nang maibugang salita. Sa tulong ng mga Mezular at ang mga pinagkakatiwalaang tao ni Idrola, maraming buhay ang nasagip. Ngunit hindi ito sapat para ibangon muli ang kaharian mula sa paghihirap.376Please respect copyright.PENANArYhKyazjHK
Punong-puno ng lagim ang mga kalye ng Midnia. Halos walang taong makikita sa bawat sulok ng kaharian. Kung mayroon man, ito ang mga taong pinalabas ng kanilang pamilya sa takot na mahawaan ang iba, na silang mahahanap ng mga guwardiyang umiikot-ikot sa mga nayon upang makita ang kalagayan ng tao. Mabilis silang itatakbo sa ospital, pero halos lahat ng mga pasyenteng naghihintay sa kanilang pagkakataon ay namamatay na lamang sa gutom at init.376Please respect copyright.PENANAQkpOcJdbRs
376Please respect copyright.PENANAiklkcCjD8u
Bawat araw, mas lumalakas ang ulan sa Midnia.376Please respect copyright.PENANA7Qab3jQ8KV
376Please respect copyright.PENANA8oPxY7L9Io
Sa dami-rami ng masasamang pangitain, mas tumindi lamang ang pinaninindigan ni Tydel. Kailangan niyang umaksyon. Kung hindi, hindi siya isang totoong prinsipe.376Please respect copyright.PENANAaWtjQb8tru
376Please respect copyright.PENANAa2B0mtUKNg
“Sa susunod na lumusob ang Teccao, maghahanda na ako. Pupunta ako sa ugat ng lahat ng ating problema at ipapangako ko sa inyong lahat na masisira ko ito.” biglaang wika ni Tydel kay Amang Abracosa habang pinapakain ng matanda ang kanyang mga ibon.376Please respect copyright.PENANA7sV4ScGWVB
376Please respect copyright.PENANAPnXMul2qL3
“Siguro nga’y hindi na kita mapipigilan. Pero iisa lamang ang tanong ko sa’yo. Ano ang iyong plano?” sabi ni Abracosa.376Please respect copyright.PENANAnxgbvvL49L
376Please respect copyright.PENANA5jGbrAFp25
Lumapit si Tydel sa kanyang guro na may hawak na balde ng pagkaing-ibon. “Hindi ko rin alam, ama. Pero ang alam ko’y kapag nandirito lang ako, walang magandang mangyayari sa atin.”376Please respect copyright.PENANAySAkCBMrmv
376Please respect copyright.PENANA2JFqgWhSZ1
Buntong-hininga na lamang ang lumabas kay Abracosa.376Please respect copyright.PENANAZi57DdU0OP
376Please respect copyright.PENANAVcY4aABJLp
“Mayroon akong alam na puwede mong simulan.” sabi ng matanda.376Please respect copyright.PENANAVq7fvOzN9R
376Please respect copyright.PENANAdq8ewhJTpT
Pumasok sila sa kanyang silid-aklatan, isang maliit na kwartong mataas ang bubong at sa bawat pader ay nakahiga ang libo-libong mga libro. Liniwanagan ng sikat ng araw ang mga sulok ng kwarto. Inabot ni Abracosa ang isang panikwas sa kanyang gilid at unti-unting gumalaw ang mga pader at bumaba ang mga istante. Nang mapunta na ang aklat sa maaabot ni Abracosa, itinigil niya ang paggalaw ng pader at inabot kay Tydel ang libro.376Please respect copyright.PENANATRtPTIu37J
376Please respect copyright.PENANAxKjkUykeGJ
Binuksan ng binata ang mga pahina at kanyang nakita ang isang nayong namumuhay sa loob ng isang latian, na kahit umaga man ay madilim. Ngunit nakikita rin niya ang kasiyahan ng mga tao sa iginuhit na larawan. Para bang walang pahid ng digmaan sa kanilang mga pader.376Please respect copyright.PENANAn5sKiRjBXE
376Please respect copyright.PENANAbjlPV5pVP2
“Ang nayon ng Cura. Ang kinalimutang nayon ng Teccao. Nasa kanila ang solusyon sa sakit na lumalaganap sa kaharian. Kung iyong mabigay ito sa atin, pupuwede ka nang magpahinga sa mga natitirang araw ng buhay mo.” sabi ng matanda. “Ngunit mahirap itong pasukin. Kung tinanong ka, sabihin mong ipinadala ka ni Amang Abracosa. Pero, hindi ko maipapangako ang iyong tagumpay.”376Please respect copyright.PENANAnzj2zPLQhR
376Please respect copyright.PENANA2V6mtRnLTi
“Opo, ama. Maraming salamat po.” at niyakap ng binata ang kanyang tagapayo. Tumulo ang luha ni Abracosa sa mga buhok ni Tydel.376Please respect copyright.PENANAo9CfHla98c
376Please respect copyright.PENANARM9qdftNjx
“Maghahanda ako para sa iyong paglalakbay. Kailan ka aalis?” sabi ni Abracosa nang nilulunok ang kanyang kalungkutan.376Please respect copyright.PENANA5pSdqd4ILR
376Please respect copyright.PENANAp04DgEy8oo
“Ngayong gabi ‘ho, ama.”376Please respect copyright.PENANA5P4VTjrCSR
376Please respect copyright.PENANAHntcDrZFXf
“Magkita tayo sa gilid ng kagubatan. Magpaalam ka na sa mga minamahal mo.”376Please respect copyright.PENANAJWx6fg4HKO
376Please respect copyright.PENANAejA31EwbIH
Nang umalis na si Tydel mula sa kanyang bahay, lumabas si Abracosa at umupo sa hagdanan ng kanyang bahay-kubo. Dinamdam ng kanyang mga paa ang init na ibinibigay ng lupa. At siya’y umiyak, nilabas ang kanyang pighati.376Please respect copyright.PENANAcr4XDFoVXh
376Please respect copyright.PENANAAds5LgYzNb
Bakit siya ang dapat isakripisyo? Sa dami-rami ng tao sa kaharian, bakit siya?376Please respect copyright.PENANAlrcjphi3bY
376Please respect copyright.PENANAlxjK5bVqvA
- - - 376Please respect copyright.PENANAsLIjKxAqk4
376Please respect copyright.PENANAGikMZGWscu
'Tydel, hindi ko kakayanin 'to...' ay ang mga salitang sumira sa puso ng binatang prinsipe.376Please respect copyright.PENANArck1cO6dP7
376Please respect copyright.PENANAZNlEy1g94z
Noong hapong iyon ay nagsimula nang pumunta si Tydel sa kanyang mga kaibigan mula sa akademiya. May dilaw na kinang ang gilid ng langit at lupa na tila magsilbing kolorete sa paglisan ng araw.376Please respect copyright.PENANARMSvsquBTF
376Please respect copyright.PENANAHTJvvBZTsZ
Mabilis siyang nakapaglibot sa nayon gamit ang kanyang motor; halos walang lamang sasakyan ang mga daan. Mabuti rin at walang nakakilala sa kanya, marahil dahil na rin sa suot niyang salakot, o dahil kakaunti na lamang ang naglalakad sa mga kalye. Ayaw niyang maisip ng tao na aalis papuntang ibang kaharian ang pag-asa nila.376Please respect copyright.PENANAIAE6o7BttY
376Please respect copyright.PENANAoIGmxFIH7h
Nang pagpasok ni Tydel sa bahay ng kanyang pinakamatalik na kaibigang si Hernando, tila wala nang natirang kasiyahan sa paligid. Nagkasakit ang ina ni Hernando ngunit pinipilit pa rin nyang gumalaw para alagaan ang kanyang mga anak. Sa nakita ni Tydel, siya ang nag-aasikaso sa pagpapanatiling malinis ng bahay; parang malapit nang bumagsak ang matanda. Bago pumasok si Tydel, iniwan niya muna ang sapatos niya sa tapat ng pinto. Umiiyak na pinapasok ng ina ni Hernando ang prinsipe.376Please respect copyright.PENANAI3GHTvUa0u
376Please respect copyright.PENANAyjHgc0Myoj
"Iyong Kataas-taasang Prinsipeng Tydel, hindi niyo na kailangang hubarin ang inyong sapatos—"376Please respect copyright.PENANAp4W5s6TuO2
376Please respect copyright.PENANABbJaf6AV70
"Salamat po, Inay, pero hindi po mawawala ang paggalang ko sa inyo kahit ako'y maging hari."376Please respect copyright.PENANAgpGXLUQB9z
376Please respect copyright.PENANAdly26V3YKe
Mas lumala ang pagluha ng ina. Sa sandaling iyon, bumaba na si Hernando mula sa kanyang kwarto at huminga nang malalim nang makita ang presensya ng kanyang mahal na kaibigan.376Please respect copyright.PENANA3MwaV6zPIb
376Please respect copyright.PENANASUWLPIXwzf
Nag-alok si Hernando ng tasa ng tsaa ngunit tinanggihan ni Tydel, sinabing, "Hindi ako magtatagal."376Please respect copyright.PENANATFYADvaBqF
376Please respect copyright.PENANAZlziMjmn60
Umupo si Hernando at humigop sa kanyang tsaa. "Naaalala mo pa ba 'yung araw na muntik ka nang mabaril ng guwardiya?"376Please respect copyright.PENANA7SgzXDQi7G
376Please respect copyright.PENANAUJhst0EjWp
Ngumiti si Tydel. "Oo. Grabe ka kasi, 'di ka mapakali. Ayan, muntik na 'kong mamatay dahil sa'yo."376Please respect copyright.PENANA9LH1F1Ic30
376Please respect copyright.PENANAu8mZfQq2UM
Tumawa si Hernando. "Alam mo, 'yun din ang araw na nalaman kong gagawin mo ang kahit ano para sa kabutihan ng kahit sino man– maliban sa sarili mo."376Please respect copyright.PENANAZVKavrW2kH
376Please respect copyright.PENANAfATVvom21X
Humina ang ngiti ni Tydel. Tumingin siya sa lapag. "Hindi ko mapigilan. Ito na ako."376Please respect copyright.PENANANFKgRjkCwH
376Please respect copyright.PENANA9ZIRLDbFMn
"Kung kaya ko lang na masamahan ka, Tydel, gagawin ko nang walang pag-aalinlangan. Alam mo 'yan." sabi ni Hernando.376Please respect copyright.PENANA3ImlBuGn3m
376Please respect copyright.PENANARUthcOd6cx
"Alam ko, ngunit mas mahalaga ang pamilya mo." sabi ni Tydel.376Please respect copyright.PENANAJCwmSaRnUx
376Please respect copyright.PENANA9Dx9ouI4r2
"Parang tanggap ko na na mamamatay si Inang. Oras nalang talaga ang hinihintay." buntong-hininga ni Hernando.376Please respect copyright.PENANAnNsRUAnbO0
376Please respect copyright.PENANAqbEYpNpXNt
"Hindi lang ang nanay mo ang kailangan mong asikasuhin. Nandyan pa ang mga kapatid mo."376Please respect copyright.PENANA5UhQgO9uHs
376Please respect copyright.PENANAcHj3OwA0nr
Tumahimik nalang si Hernando. "Mag-ingat ka. Kailangan mong bumalik para sa bayan."376Please respect copyright.PENANAfjJ965ml9R
376Please respect copyright.PENANAQvxbso2MNi
"Hindi ko maipapangako, pero gagawin ko ang aking makakaya."376Please respect copyright.PENANAhNzJJYDgku
376Please respect copyright.PENANAiTLgGMEa5e
Umalis si Tydel pagkatapos siyang yakapin ni Hernando. Kay sakit sa kanyang puso na maaaring ito na ang huli nilang pagkikita. Naramdaman din niya ang kakaunting galit na mayroon si Hernando. Ngunit wala na siyang magagawa pa.376Please respect copyright.PENANAeiidD3pfvA
376Please respect copyright.PENANAvzKHK56IzY
Huli na ang pag-uusap nila ni Jessenia.376Please respect copyright.PENANAtoIAOa1w52
376Please respect copyright.PENANAfZ7t67kT9a
Marahil hinuli niya dahil hindi pa niya kaya. Dahil hindi pa siya handa. Ngunit may sagot na ang puso niya, hindi lang niya masabi. Natatakot siya. Ayaw niya muna.376Please respect copyright.PENANA1qhR6EeupB
Labis nilang sinuportahan at minahal ang isa’t isa, kahit na ang Midnia ay nawawarak na sa pagitan nilang dalawa. Hanggang ngayon, si Jessenia pa rin ang munting apoy na sumasama kay Tydel sa mundong kay lamig. Kung puwede lang sanang manatili nalang siya sa kanyang mga kamay sa sandaling magkita sila mamaya…376Please respect copyright.PENANAlwJHs3Bu9o
376Please respect copyright.PENANA6QlPJu5fbe
Gayunpaman, kahit gaano kabigat ang puso ni Tydel, kailangan na niyang pakawalan ang tanging nagbibigay sa kanya ng liwanag.376Please respect copyright.PENANAqwzXAF6zNu
376Please respect copyright.PENANAGa9IJxOdR7
Sa kanilang pagkita, umiiyak na ang dalaga. Basa sa ulan, naghihintay sa tapat ng kanyang bahay para masulyapan lamang ang minamahal. Pagbaba ni Tydel sa motor ay sinalubong siya ng halik ni Jessenia. May luhang tumulo sa kanyang mata nang maisipan niyang huminto muna at manatili. Sana ganito nalang ang takbo ng oras. Mabagal, pero walang hinto. Para mas madama niya ang pagmamahal ni Jessenia. Para maisang-tabi na muna niya ang kanyang mga problema.376Please respect copyright.PENANAP0c3aXu123
376Please respect copyright.PENANAezHgVhNZGN
Umiyak ang dalawa at nagyakapan sa ilalim ng ulan. Sa isipan ni Tydel, halos iisang oras silang nandoon, sinusulit na lamang ang sandali.376Please respect copyright.PENANAGa4GyxScYF
376Please respect copyright.PENANAzvQ9Py04rW
Sa wakas, nagawa ring magsalita ni Tydel. “Anong ginagawa mo sa kalagitnaan ng daan? Bakit hindi ka pumasok, ang lakas ng ulan, mahal.”376Please respect copyright.PENANATUuBAOC2om
376Please respect copyright.PENANAZ0lxgU8Bmm
“Parang naramdaman ko na na aalis ka. Hindi ko alam kung bakit pero alam ko…” iyak ni Jessenia, at naramdaman ni Tydel ang higpit ng kanyang yakap.376Please respect copyright.PENANA5Hh1QM6TNi
376Please respect copyright.PENANAWeFnXsd1VH
“Patawad, mahal.”376Please respect copyright.PENANAdNvYQD7gHd
376Please respect copyright.PENANAdSmZNGdHB9
“Tydel, hindi ko kakayanin 'to…”376Please respect copyright.PENANAUWQe3jW1Oz
376Please respect copyright.PENANA7dHIfc4Hj2
Hindi na napigilan ni Tydel ang kanyang luha. Mahinhin niyang nilagay ang pisngi ni Jessenia sa piling ng kanyang mga daliri; kay lambot ng kanyang hawak, kay sakit ng sandali.376Please respect copyright.PENANAIPu0QOuKSs
376Please respect copyright.PENANA3rHIZkjyOg
“Tingnan mo 'ko. Alalahanin mo ang mukhang ito. Maraming araw ang darating bago mo ako makita muli, pero ipapangako ko sa iyo…” Napahinto si Tydel. “Pasensya na… hindi ko maipapangako ang pagbalik ko.”376Please respect copyright.PENANASNK5oHUEFO
376Please respect copyright.PENANAuDEP00Q1BB
“Alam ko, hayaan mo na muna akong mahawak ka nang matagal.” sabi ni Jessenia kahit pagod na ang labi.376Please respect copyright.PENANA8XKur4JBdx
376Please respect copyright.PENANARHe2qEma3U
“Kung hindi lang ako ang prinsipe, mahal… Kung hindi ganito ang takbo ng mundo—” ngunit hindi natapos ni Tydel ang kanyang mga salita.376Please respect copyright.PENANAnNxukhHGo1
376Please respect copyright.PENANAbifarq7GHN
"Pero ganito ang takbo ng mundo. Ang sakit ring isipin, Tydel…” luha ni Jessenia. “Pero may iisa akong maipapangako sa iyo. Tingnan mo ko, mahal.”376Please respect copyright.PENANAUmt8h4sbbK
376Please respect copyright.PENANAEobRjNYd2A
Nagkita ang mga mata ng dalawa. Bulong ni Jessenia, "Kahit man may galit sa atin ang mundong ito, pipiliin ko pa ring tumakbo sa tabi mo. Ipaglalaban ko ang pagmamahal natin. Paninindigan kita. Kahit hindi ko na kaya, sa’yo pa rin ako…"376Please respect copyright.PENANAhrQrrZfogY
376Please respect copyright.PENANAjF3KPZHBez
Nanginig ang katawan ni Tydel at nanghina siya sa kamay ng kanyang minamahal. Hindi pinakawalan ni Jessenia si Tydel.376Please respect copyright.PENANAvXBVF2IdnQ
376Please respect copyright.PENANAKLRRAs0X84
“Kung ito ang kasagutan ng puso mo, ito ang ipagpatuloy mo.” sabi ng dalaga.376Please respect copyright.PENANApGHhag9zFt
376Please respect copyright.PENANAN0V8PGY1Xx
"Mahal na mahal kita. Paalam, Jessenia."376Please respect copyright.PENANA9S8az6QGsC
376Please respect copyright.PENANARxjakAelSt
- - - 376Please respect copyright.PENANAg5WazZRdpp
376Please respect copyright.PENANA1vASWnvw1E
Tahimik na ang mga sumunod na oras. Pagbalik ni Tydel sa palasyo ay hindi na siya nakapagsalita, kahit sa harap ng kanyang sariling inang si Lumina. Hindi niya magawang mabanggit lamang ang kanyang paglisan, dahil alam niya ang gagawin ng kanyang mama. At kahit salungat sa kaniyang kalooban, kailangan niyang ilihim ang nararamdaman.376Please respect copyright.PENANAYqMKQaVD8k
376Please respect copyright.PENANAP2h3ixvPFk
Kinulong ni Tydel ang sarili niya sa kanyang kwarto upang makapag-impake ng kanyang gamit. Ang baril, kutsilyo, iilang pagkaing pinapakain lamang sa militar, mga damit na pang-sibilyan, lahat ay ipinagkasya sa isang maletang kayang ikarga ni Tydel sa kanyang likod.376Please respect copyright.PENANA7wW0PXqKcn
376Please respect copyright.PENANAvgRpndkYZW
Ngunit hindi siya makalabas.376Please respect copyright.PENANAWAI6XdH7Yb
376Please respect copyright.PENANAf5NfbkeR5o
Bumagsak ang binata sa sahig, natapon ang laman ng maleta. Hindi makahinga nang maayos, patuloy na tumutulo ang pawis. Mayroon pang takot na pumipigil sa kanya, at kahit ipinipilit niya itong itulak pababa, hindi niya maiwasan ang pangangamba. Unti-unting humihigpit ang kanyang mga baga, at namumula na rin ang kanyang mga mata sa pag-iyak. Niyakap niya ang kanyang sarili habang nakahilantad sa lapag. Wala siyang magagawa kundi ang maghintay sa pagtigil ng lahat.376Please respect copyright.PENANA09PAKBcfKG
376Please respect copyright.PENANAHj3JFrWCUU
BOOM. Sa lakas ng pagsabog na narinig ni Tydel, bumalik siya sa kanyang pag-iisip at nakahinga nang malalim. Hindi niya alam kung iilang minuto siyang nakahiga sa sahig. Biglang kumalog ang lapag, umugoy ang palasyo, habang binibigyang-kahulugan pa ni Tydel ang nangyayari.376Please respect copyright.PENANA8PwfFRH5eX
376Please respect copyright.PENANA6pGfMORbaY
Lumabas siya sa kanyang kwarto at tiningnan ang mga pasilyo; kaliwa’t kanang natatarantang tumatakbo ang mga trabahador. Sa labas ng bintana ay dinig niya ang sigaw ng mga tao. Ang kaninang dilaw na liwanag sa pagitan ng langit at lupa ay ngayo’y naging apoy na kumukumot sa ulap ng Midnia. Sa sandaling iyon, nalaman na niya ang nangyayari.376Please respect copyright.PENANA2OrFgIwiOt
376Please respect copyright.PENANA5dY7cWQiAo
Nandito na ang Teccao.376Please respect copyright.PENANAuCZyPLco8A
376Please respect copyright.PENANATQPHUjLgmg
Iisa lamang ang nasa isipan niya, na hindi pa siya nakakapagpaalam sa kanyang ama. Mabilis niyang tinakbo ang mga hagdang patungo sa kwarto ng hari, kahit na sinusuntok na ng puso niya ang kanyang dibdib, kahit na binabaha ng pawis ang kanyang katawan.376Please respect copyright.PENANAfOAx6yhjxa
376Please respect copyright.PENANAn24UNoXuFU
Sa sandaling iyon, hindi man lang naisip ni Tydel na may sakit ang kanyang ama, na maaari siyang mahawa't mapahamak ang kanyang misyon. Gusto lamang niyang masilayan muli ang kanyang papa, kahit ang ibig-sabihin nito ay ang kanyang sariling pagkahina.376Please respect copyright.PENANALoUETCbLxE
376Please respect copyright.PENANA4L8Zjunm1H
"Papa! Gumising ka, sige na, papa…" dumapa si Tydel sa gilid ng kama, hawak ang kamay ni Haring Idrola malapit sa kanyang mukha.376Please respect copyright.PENANArFX0xyz903
376Please respect copyright.PENANAiqm7OHIwtq
"Anak… oras na ba?" bulong ni Idrola.376Please respect copyright.PENANAO4weJLOtr2
376Please respect copyright.PENANA8HJHNBDoa6
"Nandyan na sila, kailangan na nating umalis! Halika, papa, tutulungan kita pababa, sige na…" 376Please respect copyright.PENANAPxCmXagBXo
376Please respect copyright.PENANAmhMyOBKc5S
"Hindi na, anak… Hayaan mo na ako. Bakit ka pa pumasok dito? Mahahawa ka lang ng aking sakit…"376Please respect copyright.PENANAGLmQsBdIrM
376Please respect copyright.PENANAPRIM0dzre6
“Papa!” sigaw ni Tydel nang may malakas na pagbagsak sa gilid ng pader. “Hindi mo ba ako naiintindihan? Umaatake na sila! Wala akong pakialam kung magkasakit ako, kailangang mailigtas ka— ”376Please respect copyright.PENANAypR2QmQSCp
376Please respect copyright.PENANAgcOtdHSIOa
“Naiintindihan kita, Tydel.”376Please respect copyright.PENANAYdpCqKvX23
376Please respect copyright.PENANAIKf2bBdq8G
Tinitigan ni Tydel ang kanyang papa, at kusang pinakawalan ang kanyang kamay.376Please respect copyright.PENANA0bbtxMwyN3
“Hindi ko pa nga tanggap, papa. Akala ko’y wala na akong pakialam kung lumisan ka, na malakas na ako, na hindi na ‘ko duwag. Pero mali ang akala ko… Tulungan mo ako, papa. Mahina pa ako.”376Please respect copyright.PENANAqXZkw8VM8T
376Please respect copyright.PENANAFOGNVsvNqD
“Mahina rin ako, anak. ‘Yan ang ‘di alam ng nakararami. Pero sinubukan ko, kahit na nilason ako at pinabayaan ng mundo, kinaya ko.”376Please respect copyright.PENANAAbVkvKVbBD
376Please respect copyright.PENANApZM16HRowG
“Paano, pa?”376Please respect copyright.PENANApUxCIeI4Hp
376Please respect copyright.PENANAue0JJLsoMY
“Kumapit lang ako sa pag-asang magiging mabuti rin ang takbo ng panahon.” ngiti ni Idrola habang kanyang hinawakan ang kamay ng anak. Napaluha si Tydel. 376Please respect copyright.PENANAbx84iPPKEY
376Please respect copyright.PENANACEK1RqBloS
“Iisa lang ang taong nakikita kong gigising sa kinabukasang pinapangarap ko.” sabi ng hari. Tumingin si Idrola sa bubong ng kwarto at pinikit ang mata. Hinubad niya ang korona at ipinakita sa kanyang anak. Nakakabulag ang gintong kinang nito, na tila tumitingin ka sa langit. Ang mga perlas na nakakalat sa bawat gilid nito, ang mga naka-ukit na larawan sa mga dulong patulis; kaakit-akit.376Please respect copyright.PENANAOali8kHX6Q
376Please respect copyright.PENANAdt6hplvRnh
Ngunit hindi man lang humanga si Tydel sa kagandahan nito. Nang ibaba ng hari ang korona sa ulo ni Tydel, napabagsak ang binata sa sahig at nanatili ang korona sa mga kamay ni Idrola. Hindi na napigilan ni Tydel na ilihim ang kanyang paglisan.376Please respect copyright.PENANAygruI9gFtA
376Please respect copyright.PENANAQW0zMsKejG
“Papa, hindi ko pa kaya. Pa, aalis ako, hindi ko alam kung babalik pa ako ng Midnia!”376Please respect copyright.PENANALxI0UoRKLo
Nanlaki ang mata ni Idrola at nawala ang ngiti sa kanyang mukha sa pagkarinig ng mga salita ng kanyang anak. Buntong-hininga na lamang ang lumabas sa kanyang bibig.376Please respect copyright.PENANA5sszaphNGC
376Please respect copyright.PENANAqmCFdMEpvI
“Ikaw lang ang tunay na hari ng kaharian natin. Hindi ko ito maibibigay sa iba. Ikaw ang pag-asa natin, anak.”376Please respect copyright.PENANAIe8i1Q4G3e
376Please respect copyright.PENANAfFFeaCtQbo
“Bakit hindi mo ibigay kay mama?”376Please respect copyright.PENANA6UuHOsyDAj
376Please respect copyright.PENANAyxabJW8a9Z
“Mahina na rin siya, anak… Sa mga susunod na araw ay magkakasakit ang mama mo.”376Please respect copyright.PENANAr9wdCwcjgR
376Please respect copyright.PENANAGnx7IQUfAN
“Papa…” iyak ni Tydel.376Please respect copyright.PENANAiHGA3tffdf
376Please respect copyright.PENANAVGID5MVW1G
May nagsimulang sigawan mula sa kabila ng mga bintana. Mayroon nang mga taong bumabalibag sa pinto ng palasyo, nagmamakaawang papasukin sila. Huminga nang malalim si Idrola, at tumahimik ng ilang segundo. Nang pagbukas ng kanyang mata, tumingin siya sa kanyang anak na para bang tiyak na ang kanyang desisyon.376Please respect copyright.PENANAlpm2yg5N7K
376Please respect copyright.PENANAq8vcY3GIb2
“Ano man ang iyong gawin, alam ko na ikabubuti ito ng bansa. Kahit hindi mo suot ang korona, ikaw ang aming bayani, Tydel.”376Please respect copyright.PENANAlo0krwwt7Z
376Please respect copyright.PENANAeYItRAeiW1
Tiningnan ni Tydel ang kanyang ama. Mahina na, namumuti na ang pisngi. “Paano na ang Midnia, papa? Hindi ko kayang ipagpaliban ang aking misyon. Ngunit hindi ko rin mapapabayaan ang kaharian!”376Please respect copyright.PENANAK8EoPuqlxv
376Please respect copyright.PENANAXfkrRqU4k8
“Tama ka… mas lalaki lang ang apoy sa Midnia kung hindi ka aalis. At wala na rin naman akong magagawa kung iyan ang iniisip mong kailangang mangyari. Ikaw lamang ang tanging taong alam kong may puro at tapat na pagmamahal sa bayan.”376Please respect copyright.PENANA8eWv1p9HSy
376Please respect copyright.PENANAVweQBCkSYc
“Salamat, papa… sa lahat.” Hinalikan ni Tydel ang noo ng hari.376Please respect copyright.PENANA16tndv5doS
376Please respect copyright.PENANA1pY2bLLPTO
Tumakbo si Tydel papalabas ng kwarto nang may luha sa kanyang mata, habang lumalabo ang kanyang paningin at unti-unting namumula ang paligid. Sa kanyang likuran, narinig niya ang pagbagsak ng gintong korona ng Midnia. Iniisip niya kung ano ang kanyang iniwanan, ang kanyang isinuko, para lang maging bayani ng bayang bumabagsak na. Manghihinayang kaya siya sa kanyang desisyon?376Please respect copyright.PENANAg0LiRQLDjv
376Please respect copyright.PENANA7avfzBxqsE
Nang may mabilis na pagtibok ng puso, tumalon ang Haring Tydel mula sa bintana. Palabas ng palasyo, papunta ng kagubatan; paalis ng kaharian.376Please respect copyright.PENANAi0KvcvoVE2
376Please respect copyright.PENANAvIb6bZ5DgB
- - - 376Please respect copyright.PENANApfzPxG0mXy
376Please respect copyright.PENANAqrpokKfwwF
"Patay na ang hari." 376Please respect copyright.PENANAIzzsxyDmlh
376Please respect copyright.PENANAXvSk8shNdn
Sa kaguluhang nangyayari sa kabilang dulo ng kagubatan, hindi na ipinakita ni Abracosa ang tunay niyang naramdaman.376Please respect copyright.PENANAyJw8i0QTBG
376Please respect copyright.PENANAhLIujisFLO
"Oras na rin ng kanyang pahinga." bulong ni Abracosa.376Please respect copyright.PENANAUTq5yC1uFK
376Please respect copyright.PENANAdhG4eaRz42
"Ama… bakit kailangang ngayon mangyari 'to?" Luha ni Tydel habang ibinabagsak ang kanyang mga gamit sa buhangin. Nagningning ang tubig dagat ng pula at ginto sa mga apoy ng Teccao.376Please respect copyright.PENANAFciSrWl2TR
376Please respect copyright.PENANAkj4zWePMDz
"Wala nang oras para damdamin ang nangyari. Wala nang maiiba. Kailangan nalang nating umusad." 376Please respect copyright.PENANAzcFwCwyryW
376Please respect copyright.PENANABvFqw26grX
Mula sa tubigan ay pinaangat ni Abracosa ang isang malaking makinang tawag nilang submarino.376Please respect copyright.PENANAcK2C2hWoZy
376Please respect copyright.PENANAYnecVL582z
"Ito ang sasakyan mo papuntang Teccao. Nakasaad na ang ruta niyan, kailangan mo nalang maghintay. Ang kadiliman ng tubig ang kaibigan mo sa panahon mo sa ilalim. Sa pagbagsak mo sa mga lupain ng kaharian ay darating na rin ang mga bangka nila. Mag-ingat ka. Huwag kang magpapakita sa kahit kanino." paalala ng matanda.376Please respect copyright.PENANAAzrNrssVEp
376Please respect copyright.PENANAwol1I5nLuo
"Ama… Mag-ingat rin kayo."376Please respect copyright.PENANAhuxqzshvd5
376Please respect copyright.PENANAVZ21geQaeZ
"Pinoprotektahan tayo ni Inang Kalibutan. Huwag kang mag-alala."376Please respect copyright.PENANA3H8lKxpMuR
376Please respect copyright.PENANAh2hL6yOcY2
Mula sa leeg ni Abracosa ay tinanggal ang isang kuwintas na yaring kahoy at dahon. Napunta ito sa mga kamay ni Tydel.376Please respect copyright.PENANApNMSkUeczz
376Please respect copyright.PENANAAXGMVZTTiD
"Palagi mong tandaan, Tydel," pinatuloy ni Abracosa. "Hindi tumitigil ang pagmamahal ng Ina sa atin."376Please respect copyright.PENANAt371EOb7qW
376Please respect copyright.PENANAksYMymISay
Sinuot ni Tydel ang kuwintas. Sa segundong nagdikit ang kahoy nito at ang balat niya, tila nagkaroon ang bata ng kakaibang lakas at galak na matapos ang misyon. Lumiwanag nang kaunti ang kanyang paningin, nawala ang dilim ng gabi. Nagkaroon ng munting kinang ng pag-asa ang kanyang puso. Sa iilang saglit ay naramdaman ni Tydel na mayroon siyang kakayahan at kapangyarihan na ipagpatuloy ang landas. Hindi na muling lalabo ang kanyang pagtingin sa abot-tanaw. Malinaw ang tagumpay.376Please respect copyright.PENANAiqYPLMXkKC
376Please respect copyright.PENANAz6sU6Lx3BG
"Salamat, Ama, sa lahat ng itinuro at ibinigay mo sa akin. Hindi kita bibiguin."376Please respect copyright.PENANAzA0zO79MCD
376Please respect copyright.PENANArkdV9WcYsF
"Tydel, sa simpleng pagtapak mo sa labas ng palasyo, tinanggal mo na ang lahat ng mga duda ko. Nagtagumpay ka na sa aking mga mata."376Please respect copyright.PENANAjq9vMzJG4T
376Please respect copyright.PENANAiJL21ElRTX
Ngumiti si Tydel, isang munting ngiti ngunit taos-puso at totoo. Kay tagal nang nakalipas mula noong huli itong nakapiling ng puso niya.376Please respect copyright.PENANAASeOE9RMEe
376Please respect copyright.PENANA5TdCzhxkIB
Sa pagsakay ng bagong hari sa submarino, wala nang nagpabigat pa sa kanyang damdamin. Handa na siya, kahit na pininturahan ng luha't dugo ang daang kanyang tatahakin. Walang pag-aalinlangan niyang hinanda ang makina.376Please respect copyright.PENANAS7vfU6gKQE
376Please respect copyright.PENANA6oPsEnzYDK
Unti-unting lumubog ang submarino, palalim nang palalim hangga't ang tanging yumayakap sa kanya ay ang kadiliman. Ngunit hindi nakaramdam ng takot si Tydel. Malakas ang loob niya na malalagpasan niya ito.376Please respect copyright.PENANAneVAb41GfS
376Please respect copyright.PENANAdLeLU0V05K
Umandar na ang makina, palayo ng kaharian.376Please respect copyright.PENANAVTfkD3Ts04
376Please respect copyright.PENANAt8oQQdZ82J
Sa likuran, tiningnan ng bagong hari ang iniwanan niyang kaharian mula sa ilalim ng tubig. Ang ilaw sa maitim na gabi.376Please respect copyright.PENANAE99MRCdLyA
376Please respect copyright.PENANAn77EMmGHH7
Nagsusumikap ang mga sundalo ng Midnia na labanan ang mga pumapasok na kabalyerong Teccian. Tila namula na ang mga pader ng mga gusali sa mga talsik ng dugo. Nangibabaw ang ilaw ng mga apoy na sinunog ang pag-asa ng bayan. Sa ere ay may mga barkong lumilipad, inulanan ng bomba ang mga depensa ng Midnia. Patuloy pa rin ang laban, at walang umatras sa mga Midnian. Tinadtad ng bala ang mga barko, sinaksak sa puso ang mga Teccian, at tinulungan ang mga manggagawa na tumakbo paalis ng gulo. Nananalo ang Midnia, ngunit kung sa huli ay putol ang kanilang paa, walang mauwiang pamilya, ano pang silbi ng giyera?376Please respect copyright.PENANAQPIQhYAN51
376Please respect copyright.PENANAc5bo8PtIRC
At ang nasa isip ni Tydel, ay ang kanyang pagkawalang-imik sa nangyari. Pero, hindi na niya kayang tumalikod. Paabante lang ang kanyang galaw.376Please respect copyright.PENANAljIwhMv3Wr
376Please respect copyright.PENANAP0s3mdbrLc
"Paalam, Midnia."376Please respect copyright.PENANAvv9FdTghcw
376Please respect copyright.PENANACq6a0F5DSc
Ito na ang huling tingin ni Tydel sa kanyang iniwanang kaharian. Kung siya ma'y makabalik, ibang lugar na ang kanyang mauuwian.376Please respect copyright.PENANACLUXnTwhOt
376Please respect copyright.PENANAN0G2tDyHX5