Part 1 Casts:
Lee Nayoung
Cho Ara
Song Gidu
Part 1: The Fallen Angel
Lumaban sa Paris Volleyball Olympics si Nayoung kasama ang kanyang maaasahang volleyball team upang harapin ang volleyball team ng USA
Naipanalo ni Nayoung ang huling puntos para sa kaniyang volleyball team pero naaksidente naman sya sa pagilid na pagkakatumba at na-ospital
Nalaman ni Nayoung na hindi na sya pwedeng makapaglaro ng volleyball dahil ang kanyang kaliwang braso ay hindi na kasing lakas dati
Nakaranas ng depression si Nayoung habang nasa Paris sya, at piniling duon muna manirahan hanggang sa maipatanggal nya ang cast sa kaliwang braso nya
Ayaw nyang ipaalam sa iba pang tao bukod sa kanyang manager at couch na naaksidente sya sa Volleyball Olympics, maski sa sarili nyang pamilya at mga kaibigan...
Part 2 Casts:
Lee Nayoung
Han Yujin
Shim Hyunwoo
Part 2: Home
Si Nayoung ay isang babaeng mahusay sa iba't ibang larangan, isang taong masipag sa lahat ng oras, mayroong natatanging katapangan, at may lihim na kabaitan
Kinita ni Nayoung sa airport ang kanyang pinaka matalik na kaibigan na si Yujin at sinundo sya nito upang tulungang makauwi sa kanilang sinilangang-bayan
Kumain sila Nayoung at Yujin sa isang samgyup restaurant at nagkwentuhan duon maghapon, duon na rin aksidenteng nasabi ni Nayoung ang nangyaring aksidente sa Olympics
Napaiyak si Yujin sa mga nalaman nyang nangyari kay Nayoung habang nasa Paris sya, napayakap si Yujin kay Nayoung at natutuwang unti-unti na syang gumagaling
At dahil gustong ipagdiwang ni Yujin ang kanyang nasagap na magandang balita, nag-order sya ng maraming alak at uminom nang walang tigil hanggang sa nalasing siya
Hindi kayang buhatin ni Nayoung nang mag-isa si Yujin kaya tinawagan niya ang isa pang matalik nyang kaibigan na si Hyunwoo, na syang may-ari ng samgyup restaurant
Gusto munang tumuloy ni Nayoung sa bahay ni Yujin nang pansamantala dahil hindi nya pa napagdedesisyong aminin sa kanyang nanay at kuya na hindi na sya isang atleta
Part 3 Casts:
Lee Nayoung
Han Yujin
Part 3: Unexpected Morning
Isang umaga, nagpaalam si Nayoung kay Yujin na duon muna sya maninirahan sa apartment nya nang pansamantala hanggang sa gumaling ang kanyang kaliwang braso
Sumakay sila Nayoung at Yujin sa isang bus para sila ay makapunta sa university na pinapasukan nila, maaliwalas ang panahon at maganda ang sinag ng araw sa umaga
Maya-maya, napapansin ni Yujin na may isang kahina-hinalang lalaki na sinusubukang nakawin ang mga nakalabas na pera sa bag ng matandang babae na katabi nya sa bus
Sinumbong agad ni Yujin ang kanyang nasaksihan kay Nayoung sa pamamagitan ng pambubulong kaya hinarap at nilabanan ni Nayoung ang lalaking magnanakaw
Sa huli, nanalo at napatumba ni Nayoung ang lalaking magnanakaw... inakala nyang wala na itong malay pero huli na nang tinutukan sya ng baril sa paa
Part 4 Casts:
Lee Nayoung
Han Yujin
Part 4: Mysterious Hero
May biglang lumitaw na misteryosong lalaki na syang lumaban sa armadong magnanakaw, hindi matukoy ng mga tao kung sino sya dahil nakasuot sya ng cap at face mask
Pareho nilang nilabanan ang armadong magnanakaw, habang nasasaksihan ng mga tao ang insidente... namamangha sila sa kakayahan nilang makipaglaban nang buong tapang
Nailigtas nilang dalawa ang lahat ng tao sa loob ng bus, isinuli naman ni Yujin at Nayoung ang mga nanakaw na pera ng matandang babae at lubos siyang nagpasalamat sa kanila
Pero napansin ni Nayoung na biglang nawala ang misteryosong lalaki, kaya dali-dali nyang hinanap ito upang siya ay makilala at personal na makapagpasalamat sa kanya
Nakita na ni Nayoung ang misteryosong lalaki at tatawagin niya na sana siya, subalit hindi niya na siya nahabol dahil nakababa na sya sa sinakyan nilang bus
Part 5 Casts:
Lee Nayoung
Han Yujin
Ryu Sunghoon
Part 5: Ranks
Huminto na ang bus at bumaba na sila Nayoung at Yujin dahil nakarating na sila sa unibersided kung saan sila nag-aaral, sa Seoul National University...
Habang naglalakad at nagkwekwentuhan sila Nayoung at Yujin, may gold na sports car na dumaan nang mabilis sa kanilang harapan at hinarangan silang dalawa
Ang nagmamay-ari ng sasakyang iyon ay si Sunghoon; isa syang lalaki na mayaman, gwapo, matangkad, sikat, confident, mabango, masayahin, at matalino
Gayunpaman, isa syang lalaking may masamang pag-uugali, iba't ibang studyante ang binubully nya sa unibersidad at kasama na duon sina Yujin at Nayoung
Pero kahit batid ni Nayoung na kaya niyang labanan si Sunghoon, mas pinili niya paring magtiis sa matagal nang pambubully nya sa kanila sa loob ng ilang taon
Alam ni Nayoung na kahit mali ang pinili nyang desisyon, 'yon parin ang mas makabubuti dahil hindi nya kayang pantayan ang impluwensya ng pamilya ni Sunghoon17Please respect copyright.PENANAZ8brsy6bZc