Part 1 Casts:
Lee Nayoung
Han Yujin
Ryu Sunghoon
Baek Sohee
Hwang Gihun
Lee Bora
Han Semi
Ryu Junghwa
Baek Yoonah
Hwang Hyeyoon
Part 1: Living In A Hell
Kahit noong high school pa lang sila Nayoung at Yujin, nagsisipag na talaga sila sa pag-aaral dahil palagi nilang pinapangarap ang magtagumpay at umasenso sa buhay
Bukod sa pagod at dami ng ginagawa nila, dumagdag pa ang pambubully ni Sunghoon sa kanila magmula noong aksidente syang natapunan ng kape nila Nayoung at Yujin
Kasabwat rin ni Sunghoon sa pambubully ang mga pinsan niyang sina Sohee at Gihun, dahil pare-pareho silang natapunan ng kape sa kani-kanilang mga damit at sapatos
Ang paraan ng pambubully nila Sunghoon at Gihun ay pagbabanta, pananakit, at pagpraprank, habang si Sohee naman ay pamamahiya, pang-iinsulto, at cyber bullying
Nasubukan na nilang labanan sila Sunghoon, Sohee, at Gihun... pero nauwi lang ito sa pagpapalala ng gulo at inilagay lang nila ang kanilang sitwasyon sa alanganin
Napatawag ng eskwelahan ang mga nanay nila, nagkaroon sila ng suspension dahil sila ang napagbintangan, at lalo pang lumala ang mga paraan kung paano sila binubully
Part 2 Casts:
Ryu Sunghoon
Lee Nayoung
Han Yujin
Baek Sohee
Hwang Gihun
Part 2: Two Steps Ahead
Pumapalakpak si Sunghoon habang binabati niya si Nayoung dahil nabalitaan niyang nanalo ang volleyball team nya sa Paris Volleyball Olympics nang nakaraan lang
Sinubukan ni Sunghoon na ipatong ang kanang braso nya sa balikat ni Nayoung, pero agad siyang umiwas at tinanong niya sa kanya kung may nakakalimutan ba siya
Naalala ni Sunghoon na may napag-usapan silang kasunduan, na kapag nanalo si Nayoung sa Volleyball Olympics... Hindi nya na idadamay si Yujin sa pambubully nya
Noong nakaraang taon kasi, nagkaroon ng isang buwan na pag-absent si Sunghoon sa kanyang mga klase sa unibersidad dahil sya ay nasangkot sa isang car accident
Pero nang nakapasok na ulit si Sunghoon, nalaman niyang marami syang na-miss na mga notes ng mga na discuss nang mga lectures sa kanyang mga klase habang wala siya
Niisang kaibigan at mga kakilala ni Sunghoon sa kanyang mga klase, ay walang nagpahiram sa kanya ng mga notes nila... Dahil dito, halos mawalan na sya ng pag-asa
Pero tinanggap ni Nayoung ang pagkakataong 'yon para mautakan si Sunghoon, kung paano niya siya mapapatigil sa pandadamay kay Yujin sa pambubully niya sa kanya
Part 3 Casts:
Ryu Sunghoon
Lee Nayoung
Han Yujin
Part 3: Twist Of The Deal
Hindi agad sumang-ayon si Sunghoon sa kapalit na hinihingi ni Nayoung, dahil hindi na masyadong nakakatuwa para sakanya kung isang tao lang ang pagtritripan niya
Tinanong ni Nayoung kung paano ba niya mapapasang-ayon si Sunghoon sa gusto niyang kondisyon... Kapalit ng kumpleto niyang notes ng mga lectures na na-miss niya
Ngunit dahil ayaw niyang tanggapin ang hinihinging kapalit ni Nayoung, nagpagawa siya kay Nayoung ng isang bagay na akala niya ay impossible niyang makakamit
At dahil nanalo siya ngayon, nagsabi si Sunghoon sa kanya na naalala nya naman ang napagkasunduan nila at tinatanggap niya ang pagtupad sa kondisyon ni Nayoung
Aalis na sana si Sunghoon sa harapan nilang dalawa, pero bumalik pa siya at pinagbantaan si Nayoung... na si Yujin lang ang hindi niya na aawayin at pagtritripan
Part 4 Casts:
Lee Nayoung
Ryu Sunghoon
Han Yujin
Hwang Gihun
Part 4: Surrender
Matapos pagbantaan si Nayoung, tinulak ni Sunghoon si Yujin palayo kay Nayoung at binuhusan naman ni Gihun si Nayoung sa likod ng isang palanggana ng tubig
Nag-apir sila Sunghoon at Gihun habang pinagtatawanan nilang dalawa si Nayoung, takot na takot naman at lumuluha sa pag-aalala si Yujin dahil sa biglaang nangyari
Maya-maya, biglang sumabog ang gold na sports car ni Sunghoon... Ito ay nagliliyab sa apoy at naglalabas ng usok habang walang nakakaalam kung sino ang gumawa nito
Hindi maka-imik sila Sunghoon at Gihun sa nangyari, ang tanging reaksyon lamang nila sa mga sandaling 'yon ay panuoring masira ang bagong sports car ni Sunghoon
Napatawa na lang si Gihun sa insidenteng nasaksihan niya, at sinabihan niya si Sunghoon na tila may bagong tao sa kanilang unibersidad ang gusto siyang hamunin
Dahil tinantanan na sila Nayoung at Yujin sa pambubully, naglakad na sila paalis bago pa ibuhos ni Sunghoon ang matinding galit na nararamdaman nya kay Nayoung
Habang naglalakad sila Nayoung at Yujin, may lalaking kumalabit sa kanila at inabutan sila ng tag-isang towel... binigyan niya din si Nayoung ng bagong mga damit
Part 5 Casts:
Ahn Seojoon
Lee Nayoung
Han Yujin
Ahn Chaewon
Lee Bora
Ryu Sunghoon
Hwang Gihun
Part 5: After The Trouble
Si Seojoon ang lalaking nagbigay ng tag-isang towel kina Nayoung at Yujin, siya ay senior ni Nayoung sa kanyang major at anak siya ng kaibigan ng nanay ni Nayoung
Lubos na nagpasalamat sila Nayoung at Yujin, tinanggap nila ang mga ibinigay na tulong sa kanila... At nagtungo agad silang dalawa sa pinaka malapit na palikuran
Pagkapasok nila Nayoung at Yujin sa palikuran, sinigurado nilang walang katao-tao sa loob bago nila pag-usapan ang walang hiyang pambubully nila Sunghoon at Gihun
Pero hanggang sa ngayon... hindi makapaniwala si Yujin at hindi pa rin niya maisip kung ano ang dahilan ng biglang pagpapasabog ng gold na sports car ni Sunghoon
Ngunit sa tingin naman ni Nayoung, hinala niyang may taong pasadya na nagpasabog sa gold na sports car para mailigtas sila mula sa pambubully nila Sunghoon at Gihun
Nagpapasalamat pa rin sila Nayoung at Yujin sa ibinigay na tulong ni Seojoon sa kanila, hindi kasi sila nakapagbaon ng extra na mga damit at towel bago sila pumasok
At dahil nalagay na sa usapan nila Nayoung at Yujin si Seojoon, biglang tinanong ni Yujin si Nayoung kung paano niya unang nakilala ang senior nya sa kaniyang major11Please respect copyright.PENANARO09keo0xf