Sugar mommy
"Ma'am Blaire!"
I was resting on the lounger surrounded by the pleasing fragrance of ornamental flowers under the warm rays of the blazing sun rising from the east. I was browsing the latest magazine na ni-published ng Alta Luna when a housemaid dashed out of the house.
"Pinapatawag po kayo ni Ma'am Leira, may importante raw pong sasabihin sa inyo."
I pursed out my lips, iniisip kung bakit bigla niya akong pinatawag. Isa ito sa mga busy na araw ni Mommy. Imposibleng normal na kamustahan lang ito. It might be about business. Kung 'yun nga, I hope it's a positive news.
Tumango ako at inabot sa kaniya ang magazine. Matapos ay pumasok ako sa mansion at umakyat sa ikalawang floor. I paved my way papunta sa tanggapan ni Mommy at huminto sa tapat ng PVC door. Upon opening it, I found her sitting on her reclining chair, abala sa pagrereview ng sangkatutak na portfolio sa ibabaw ng executive desk.
"Ma."
She took a quick glance of me at nilahad ang upuan sa tapat ng table. Halos magbanggaan ang mga matataray na kilay niya sa sobrang seryoso.
"Maupo ka muna..."
Her office was engulfed with silence. Rinig na rinig ang mga yapak ko sa vinyl. Ngumiti ako nang tipid at humigit ng upuan.
"Pinapatawag niyo raw po ako," I said as I finally settled down.
"Do you have any plans para sa araw na 'to?"
I almost choked. Bigla kong naalala ang binabalak kong gawin. Natakot naman ako dahil baka nakatunog siya. And if she did have an idea, hindi malabong magsumbong siya kay Kuya. Kaso paano naman kaya niya malalaman? Si Mang Diego at Margarette lang naman ang sinabihan ko.
"Ah... wala naman po. Manonood lang sa Netflix maghapon."
She nodded and closed the portfolio. "Good. May ipapagawa kasi sana ako sa 'yo. Buti na lang, hindi ka busy," aniya at inayos ang salamin. "I have an urgent meeting with Mr. Caballanes. Naalala mo 'yung land owner na kinita ko sa Antipolo?" I nodded. "I was planning to build another resort. Dapat nga hindi sa Antipolo dahil marami nang resort doon, but Mr. Caballanes' offer was tempting. Plano naming pag-usapan ang terms and condition mamaya."
I cocked my head "And then?"
I made sure na mukha akong confused. Nakakalito naman kasi talaga. Bakit niya sinasabi sa akin ito? Hindi naman siya palasabi sa akin ng mga plano niya. 'Pag dating kasi sa mga negosyo ng Ravelo, hindi na ako nakikialam. I was only trained to manage Alta Luna.
Tinulak niya paatras ang reclining chair para makatayo. She averted her eyes to the book shelf at naglakad patungo roon.
"I'm supposed to have an appointment with a client today. Parehong oras sa gusto ni Mr. Caballanes. As much as I want to follow what was written on my sched, hindi ko naman pwedeng i-decline si Mr. Caballanes," aniya at naghalungkat sa shelf. "Tayo ang naghahabol sa lupa niya, Blaire. Hindi siya ang dapat na mag-adjust para sa atin. But on the other hand, I can't cancel my supposed rendezvous with a client today. Importante rin ang bagay na iyon."
Nang makuha ang kailangan ay bumalik siya sa table at nilapag roon ang brown folder.
"Look at this."
Kunot-noong kinuha ko iyon at binuklat. It was a service form of Buen Apetito— isang Spanish restaurant na pag-aari rin ng Altaluna. Malapit sa puso ng pamilya ko ang mga Spanish dishes. Kalahating Espanyol kasi si Daddy. His mother is naturally born Spaniard. So basically, 1/4 ng dugo ko ay dugong Espanyol.
Sinuri kong maigi ang form. Sa lower right side, may pirma ng kliyenteng nagngangalang Renier Alonzo. Kunot-noong binalingan ko si Mommy at binalik ang folder sa desk.
"What does it mean?"
"Mr. Renier Alonzo chose Buen Apetito to cater the up coming debut of her daughter. Sa Ravelo hotel din gaganapin 'yon. So techniqually, our team is in-charged to organize the entire event. Ngayong araw sana kami magkikita para sa food-tasting. 'Yun nga lang, nagkaroon ako ng sudden appointment kay Mr. Caballanes."
My eyes narrowed when I finally got it through my head. "Ibig sabihin... gusto mo 'kong pumunta sa Antipolo para sa—"
"No no, hindi gano'n, Blaire." She shook her head. "Hindi gano'n. Ako ang makikipag-usap kay Mr. Caballanes. What I want you to do is to meet the Alonzos in behalf of me. Sa building ng Ravelo 'yon. I will ask the receptionist to accompany you once you arrive."
Mas lalong nangunot ang noo ko. She knew I can't do that! Ano namang alam ko sa chains of hotel and restaurant nila? I didn't even have an idea kung ano sa mga Spanish foods ang included sa menu! Paano ko kukumbinsihin ang client na tama ang desisyon niya sa pagpili sa amin? I wasn't accustomed to this. Noon pa man, napagkasunduan na namin ito. I will never involve myself to any of Ravelo's businesses. Kahit ata si Kuya walang alam doon. Bakit hindi na lang si Bailey? He's more conversant sa mga gawain ni Mommy!
"Ma..." I frowned and shook my head. "You know, Ravelo hotels and Buen Apetito are not my thing and—"
"Oh come on, Blaire! Wala ka namang gagawin doon," mariing pagputol niya. "Joe will handle everything. Siya na rin ang kakausap sa mag-ama. But of course, for the name of hospitality, one of us has to be there!"
"Can't we just tell them the reason kung bakit hindi ka makakadalo? Ma, baka mapahiya lang ako do'n. At hindi lang ako. Pati kayo! Why will you send someone inefficient for the job? Paano kung magtanong sa akin ng kung anu-ano ang kliyente? I'm a complete stranger to your business!"
Inayos niya ang folder at pinatong sa ibabaw ng isang portfolio.
"Trust me, hija. Kung wala kang tiwala sa sarili mo, magtiwala ka sa 'kin. Sa tingin mo ba, hindi ko naisip ito? I already oriented Joe. Alam niya na ang gagawin. Siya na ang bahala sa lahat."
"But what if I'll mess up—"
"You'll not," she cut me off. "Ano ka ba, wala ka ba talagang tiwala sa sarili mo? Mag-relax ka nga. You're being so anxious. 'Wag ka na masyadong mag-isip. I made sure na hindi ka maiistress sa ipapagawa ko sa 'yo. Joe will handle everything kaya wala kang ibang gagawin. I just need you to be there."
"Pero bakit?" My shoulders fell. "Kung wala naman pala akong gagawin, bakit kailangan pa ako do'n?"
She heaved out a deep sigh and removed her eyeglasses.
"Blaire, hija. Makinig ka nga."
She looked at me intensively and intertwined her fingers. She really seemed firm to this.
"Mr. Alonzo is a big catch. Having him as one of our clients is a winning stream. And you know, we shouldn't make him feel na hindi natin siniseryoso ang project na 'to. Kailangan nating iparamdam sa kaniya na talagang nasa event na 'to ang buong atensyon natin. Because if we won't..." She shook her head. "This must be a wrackful disgrace hindi lang sa mga Ravelo, pati sa mga Altaluna. Do you want that to happen? Isipin mo kung anong mararamdaman ng Dad mo 'pag nangyari 'yon."
Napahinga na lang ako nang malalim, defeated. Mukhang wala rin naman akong laban. Kapag usapang reputasyon, the best option is silence. It was hard to oppose kung imahe ng pamilya ang pinaglalaban nila. Mabuti na nga lang at si Mommy itong kaharap ko. Kung si Daddy 'to, wala talaga akong masasabi. Tatango na lang ako sa kahit anong gusto niyang mangyari.
Umalis si Mommy matapos naming mag-usap. May dadaanan pa raw siya sa Cubao bago makipagmeet kay Mr. Caballanes sa Antipolo. I was left, again, with the housemaids. Sa unang pagkakataon ay natuwa ako. I took the chance to sneak out. Tinulungan naman ako ni Margarette at Mang Diego. Alam kong magagalit si Kuya kapag nalaman niyang dinalaw ko ulit si Levi. Pero hindi talaga ako mapakali. I have to see him. Isa pa, hindi naman malalaman ni Kuya. Sa akin kakampi ang mga maids dahil ako na ang madalas nilang kasama.
Last night, sinabihan na ako ni Ate Faye tungkol sa schedule ni Madame. Mabuti na lang at nasa Cavite siya ngayon, si Tita lang daw ang nasa ospital. 'Yun nga lang, may parte pa rin sa 'kin na nate-tense makita siya. I didn't like our last conversation. Hindi ko tuloy alam kung paano siya pakikitunguhan. Sana naman, 'wag na naming mapag-usapan ulit 'yon.
It was 10:30 am nang makarating ako sa ospital. Sapat na sa 'king makita si Levi kahit sandali. But of course, there's always a part of me na umaasang bumuti ang kalagayan niya. Ilang linggo ko rin siyang hindi nadalaw ah!
Pagpasok ko sa k'warto ni Levi, nakahinga kaagad ako nang maluwag. Wala si Tita Martha. Kahit papaano masaya ako na hindi na siya kasing miserable noong unang pagdalaw ko. Halos hindi na kumurap ang mga mata ni Tita noon. Tutok na tutok sa pagbabantay kay Levi.
Ganoon pa rin si Levi. Hindi nagbago simula no'ng huling bisita ko. His physique was gaunt, parang ginutom nang ilang buwan. Brittle ang balat. Lubog ang pisngi. He looked so feeble. Malayong-malayo sa iniwan kong Levi two years ago.
He's strong as an ox, palagi niyang pinagmamalaki sa akin noon. Little did he know, aware kaming niloloko niya lang ang sarili niya. Ayaw na ayaw niya kapag nag-aalala kami. Gusto niya, siya ang pinakamalakas sa paningin naming lahat. Feeling niya kasi, siya si Superman. Tingin niya, responsibilidad niyang protektahan kaming lahat. Thinking about his sickness, nalulungkot siya. Kaya palagi niyang pinapakita na singaw lang sa balat ang sakit niya.
Pero hindi naman kasi gano'n 'yon. Sa aming lahat, it's him who needs the protection the most.
Na hindi ko alam kung naibigay ko ba.
My eyes were glued on him, hindi matigil sa pagpuna sa ilang pagbabago sa kaniya. My hand moved to caress his hair. Dahan-dahan. Nang ilayo ko ang kamay ko at nakita ang ilang hibla sa pagitan ng mga daliri, doon ko lang naramdaman ang patak ng luha ko.
"Ano ba 'yang painting mo, pang-Kinder!" asar ko sa kaniya noong high school kami.
Grade 10 siya samantalang grade 9 naman kami ni Chelzie. We were bestfriends that time, kaming tatlo ang palaging magkakasama. Si Kuya kasi, 2nd year college na. Iisa lang ang teacher ng grade 9 at 10 sa Art kaya pareho lang din ang project namin. We are asked to paint anything na sa tuwing makikita namin ang artwork na 'yon, mare-relax ang isipan namin. Isang meadow painting ang ginawa ko. Kay Chelzie naman, cubism na may malalim daw na meaning. At ang kay Levi, hindi ko maunawaan.
"'Wag kang maingay, pinagtitinginan tayo oh!"
Nag-angat ako ng tingin. Binatukan ko si Levi, OA kasi mag-react. Wala namang pakialam ang mga estudyante sa corridor. Tulad niya, naghahabol din sila ng oras. Kung kailan kasi malapit ang deadline, tsaka sila gumagawa. Ang pangit tuloy ng gawa niya. Don't get me wrong, hindi rin naman kasing ganda ng kay Chelzie ang gawa ko. Pero ang pangit talaga ng kay Levi.
"Bakit ba kasi ganiyan ang painting mo? Wala man lang wow factor! Ganiyan ang mga drawing ko noong Kinder ako 'e. Pero my God, Levi! Grade 10 ka na!"
"'Di ba dapat, Kuya tawag mo sa kaniya?" singit ni Chelzie na tumutulong na kay Levi.
Umirap ako. "'E 'di dapat, Kuya rin ang tawag mo kay Kuya?"
"Magkaiba naman 'yon." Ngumuso siya.
"Magkaiba 'yon kasi crush ni Chelzie ang Kuya mo."
"Oy sira, hindi ah!"
"Sus, kunwari ka pa. Ilang beses nga kitang nahuli na sinisilip kami sa loob ng k'warto ni Zur!"
Parehong nanlaki ang mga mata namin ni Chelzie. Ako, gulat. Siya naman, mukhang kriminal na nahuli sa akto. Padabog niyang nilublob sa tubig ang paint brush at tumayo.
"Ewan ko sa 'yo! Tapusin mo 'yan mag-isa!"
Inirapan niya si Levi at nagmartsa palayo sa amin. Levi laughed. Nabatukan ko tuloy ulit. He supposed to finish his project first bago siya tumawa!
"See that? Parang kamatis ang mukha niya!"
Sinamaan ko siya ng tingin. Mas lalo lang siyang natawa. Ginulo niya ang buhok ko at bumalik sa ginagawa. Hindi ko siya magawang tulungan. Ni hindi ko nga alam kung anong plano niyang gawin sa artwork niya. Parang walang matinong direksyon.
"Kaya ikaw, dapat Kuya ang tawag mo sa 'kin. Tutal hindi mo naman ako crush."
Bigla kong naramdaman ang init sa pisngi ko. Agad akong yumuko at nagpanggap na kinakalikot ang mga paint brush ni Chelzie. Para talagang sira ang lalaking 'to. Hindi niya na dapat pa sinasabi 'yon!
"Natahimik ka?"
"Tumigil ka nga diyan! Tapusin mo na lang 'yang artwork mo."
He chuckled. "Hindi ka na curious kung ano 'to?"
Pasimple kong inalog ang ulo ko at binalingan ang artwork niya. I forced myself na doon mag-focus at hindi sa sinabi niya. I cleared my throat at pinanlakihan ng mga mata ang painting.
"Obviously, isang single-storey na bahay, may sloping roof at malawak na veranda. Nasa pagitan ng field, at may araw na nilagyan mo ng arrow pataas para obvious na sunrise 'yon at hindi sunset. Pang-kinder nga!"
Humalakhak siya at nilubog sa tubig ang brush. "Sorry na. Hindi naman kasi ako tulad mo na magaling sa music at art. Normal na tao lang ako."
"Pero bakit nga 'yan? Wala ka na bang choice? Nagmamadaling makapasa? Hindi naman nakaka-relax 'yan 'e!"
"Nakakarelax kaya 'to!"
"Sige nga! Kahit sinong tumingin diyan, maguguluhan. Mas lalo lang magiging problemado!"
He shrugged, kinuha muli ang brush at nagpatuloy sa pagkukulay. "Gusto ko kasing magkaro'n ng gan'to," seryosong sabi niya.
I couldn't help but to stare at him for a while. Maliit at makinis ang mukha ni Levi. Kutis Koreano— as how Chelzie described it. Tulad ni Ate Faye at Tito Gabby, kulot din ang buhok niya. Upturned ang mga mata na baby blue ang kulay. Ang mga labi niya naman ay manipis at kulay rosas.
"Bungalow ang tawag dito sa bahay na 'to. Maliit lang tapos simple. Pangarap ko kasi na tumira sa probinsya. O kahit saan basta hindi civilized. 'Yung may fresh air. Tapos gusto ko, tanaw rin ang sunrise. Ang astig kaya no'n panoorin. Sunrise symbolizes hope. Gusto ko tumira sa lugar na abot-tanaw lang 'yon. Para naman ramdam ko talaga na may pag-asa."
"Pag-asa na?"
"Na gagaling pa 'ko."
Napangiti ako. He rarely taked about his condition. Kulang na lang, paliparin niya sa hangin ang idea na may sakit siya. Kung hindi pa nga dadalaw si Doctor Tolentino sa bahay nila, hindi pa siya magpapa-check-up. Tumango ako at nag-thumbs-up sa kaniya.
"Maganda 'yan..."
"'Yung drawing ko?"
"'Yung pangarap mo!"
Tumawa siya, inangat ang canvas at sinuri 'yon. "Kapag architect na si Chelzie, sa kaniya ko ipapagawa ang blueprint nito." He was grinning from ear to ear. Binalik niya ang canvas sa sahig at pinaningkitan ako ng mga mata. "Tapos ikaw..."
I groaned loudly nang ipitin niya ang ulo ko sa likod ng siko niya. Nagawa pa niyang guluhin ang buhok ko gamit ang maruming kamay niya.
"Ano ba!"
"Tutulungan mo siya sa pagdedesign, ha?"
"Bitiwan mo muna 'ko!"
"Sagot!"
"Oo na! Bitaw!"
Nang makawala ay malakas ko siyang sinuntok sa braso. He flinched sandali, tapos humalakhak na naman. I scowled at him while fixing my hair. Kaso hindi ko pa naibabalik sa dating hiwa ang buhok, pinunas naman niya sa pisngi ko ang daliri niyang may pintura!
"Levi!"
He roared with laughter. "Ang cute mo talaga."
Hindi ko napansing tumatawa na pala akong mag-isa habang nakatingin sa walang malay na katawan niya. Hindi ko naisip na posible pala talagang humantong sa ganito ang lahat. Na magiging ganito siya kahina. Pero alam kong gusto pa niyang mabuhay. Gusto pa niyang gumaling. He's not hopeless. Wala lang malay ang katawan niya pero may pag-asa pa. Gaya ng sabi niya. He will rise again like the sun. Matatapos rin ang madilim na parteng ito na buhay naming mga nagmamahal sa kaniya.
Magpapatayo pa siya ng bungalow sa isang lugar na hindi civilized at may fresh air. May malawak na veranda at abot-tanaw ang pagsikat ng araw. Gigising siya para do'n. Para sa 'min. Para sa kasal na pangarap namin.
I spent time reminiscing our moments together. Ang ilan sa mga 'yon, sobrang tagal na. Noong magkaaway pa lang kami, hanggang sa naging mag-bestfriends, at naging ganap na couple. Magkahalong saya at pait ang nararamdaman ko habang inaalala ang mga 'yon. I don't know how memories could be this painful. Siguro dahil nasa puso natin sila? Baka nga.
Precious memories are both bitter and sweet because they linger inside our hearts.
11:30 nang iwan ko si Levi, leaving a note sa ibabaw ng side table. Bahala na kung si Madame ang makabasa no'n at malaman niyang dumalaw ako. Hindi naman na mahalaga 'yon. Ang gusto ko lang naman ay 'wag kaming magpang-abot. Hindi ko sadyang ilihim sa kaniya ang pagdalaw ko.
1 pm ang naka-schedule na appointment ni Mommy sa mga Alonzo. Maaga pa naman. Siguro kakain muna ako sa canteen bago i-text si Mang Diego para magpasundo.
On my way to the hospital's canteen, napatigil ako. Nakita ko kasi si Jehoram sa cashier's station. Hindi niya naman ako napansin kaya wala rin akong balak kuhain ang atensyon niya. Gano'n sana ang gagawin ko. Kaso, hindi pa ako nakakagalaw, nabaling na sa 'kin ang tingin niya.
Hindi naman na siya mukhang surprised, parang expected na talaga niyang magkakasalubong kami. Ngumiti lang siya, sinusuri ang mga mata ko. I equalled his smile at bahagyang yumuko. Humakbang siya palapit sa 'kin. May dalang plastic na tingin ko ay puro gamot, tapos resibo.
"Namumula mata mo, ah? May nangyari?"
Nag-angat ako ng tingin, confused.
"Nangyari?" I knitted my brows and moved my head sideways. "Wala naman."
Umarko ang kilay niya, hindi naniniwala. "Talaga?"
"Wala nga!"
He shrugged. "Oh sige, kunwari naniniwala akong pinapak lang 'yan ng ipis. Hindi nakuntento sa kaliwa kaya sa kanan rin."
I made a face. "Ewan ko sa 'yo."
"Kuya!"
Sabay kaming napalingon sa pinagmulan ng boses. My lips parted nang makita kung sino ang mga 'yon. Standing a few meters from us were the woman in her loose dress, the male nurse behind a wheelchair, at isang bald-headed na batang babae.
Tinulak ng nurse ang wheelchair palapit sa amin, nakasunod naman sa kaniya ang matandang babae. I heard Jehoram's laugh behind me, nilampasan niya ako para harapin ang batang lulan ng wheelchair. He kneeled down infront of her at tila may kamay na humaplos sa puso ko nang ngumiti ang bata.
"Makakalabas na po ako?"
Her face was small, may kalakihan ang skull. Pinched nose. Shallow recessed jaw. Wide ang mga mata at maliit ang boses.
"Ma'am Blaire!" Lumapit sa akin ang matandang babae. Napapitlag naman ako, surprised na kilala niya ako. "Hindi naman nabanggit ni Jehoram na dumadalaw po kayo rito!"
I smiled, siya siguro ang nanay ni Jehoram. She probably knew me dahil sa pamilya ko nagtatrabaho ang asawa niya.
"Madalas po ako rito, may dinadalaw rin. Nabanggit pala sa 'kin ni Jehoram ang tungkol sa kapatid niya. Kumusta po siya?"
"Medyo okay na! Madalas lang siyang atakihin nitong mga nakaraan kaya pabalik-balik kami sa ospital. Oo nga pala, Ram." Kapwa sila napabaling ni Jehoram sa isa't isa. "Tumawag sa 'kin si Amelia. Mamayang hapon pa raw ang dating no'ng pediatrician. Madaling-madali namang umuwi 'to si Annie kaya hindi na namin mahintay."
Kumunot ang noo ni Jehoram at napatayo. "Ha? Bakit po hindi? Mas okay nga 'yon para sure tayo kung p'wede na ba talaga siyang lumabas."
Napatingin ako sa batang babae. Nasa akin rin ang mga mata niya. She was surveying me with curiosity laced in her eyes. Halatang nagtataka sa existence ko. I waved my hand at her, trying to look friendly. Kaso, nakatitig lang siya sa 'kin at hindi gumalaw.
Nawala lang ang tingin niya sa 'kin nang itulak ng nanay niya ang wheelchair. Pinaalis niya ang Nurse habang ako, nakasunod lang sa kanila. Hindi alam kung magpapaalam na ba o makikipagk'wentuhan muna. Jehoram's mother seemed nice. Ang bastos naman kung basta na lang ako aalis.
"Ano ka ba! Ayos lang daw. Tsaka na-check naman na ng nurse 'yung vitals niya kanina. Okay na raw. Baka tumaas lang ang bill kapag nagtagal pa tayo."
"Nay—"
"Okay lang, Kuya!" Napalingon kaming lahat sa bata. "Okay na po ako. Tsaka ang sabi po ni Tita Amelia, pupunta raw siya mamaya sa bahay. Papakiusapan din niya 'yung doctor na dumalaw sa 'tin. Kaibigan niya raw 'yun 'e."
"Ang bayad?"
"Si Amelia na raw ang bahala," sagot ng nanay niya.
Lalong napasimangot si Jehoram. Nahuli na siya sa paglalakad dahil sa pag-iinarte niya. Pumantay na lang ako sa nanay niya at hindi siya pinansin. Mukhang may gusto pa siyang sabihin pero hindi na siya pinagbigyan ng nanay niya.
"Uwi ka na ba, Ma'am?" she asked, trying to cut him down.
I slightly wagged my head. "Kakain po muna ako."
Hininto niya ang wheelchair. "Tamang-tama! Nagugutom na rin ako 'e. Sabay ka na sa 'min, Ma'am?"
"Nay..." Our eyes bore into Jehoram. "Wala tayong pambayad sa gustong restaurant ni Ma'am Blaire. Sosyal kaya 'yang babaeng 'yan!"
"Oy hindi ah!" depensa ko, pinanlakihan siya ng mga mata. "Sa canteen lang ako."
"Tignan mo! Ito talagang lalaking ito!"
Jehoram whimpered nang pingutin siya ng nanay niya sa tainga. Annie laughed heartily. Napangiti rin ako. Mukhang napakasaya ng pamilya nila.
"Kaibigan ka rin ba nina Ate Daisy?"
Halos masamid ako sa tanong ni Annie. Binaba ko ang baso ng tubig at pinunasan ang labi ko. Nasa canteen kami, gaya ng napagkasunduan. We were waiting for Jehoram to come back, siya kasi ang nagpresinta na um-order ng pagkain.
"Hindi 'e. 'Di ko pa siya nakikilala."
Kumunot naman ang noo niya, halatang hindi ine-expect ang sagot ko. "Ha? Pa'nong hindi? 'E 'di ba, friends kayo ni Kuya Ram? Bakit 'di mo siya kilala?"
"Uhm..." Napahawak ako sa batok ko. How should I answer it? Baka ma-disappoint ko siya sa sagot ko. "Ano kasi..."
"Annie, anak," Aling Sienna barged in. "Hindi naman porque magkaibigan si Ma'am Blaire at—"
"Ah, Aling Sienna, Blaire na lang po."
She chuckled, tumango-tango. "Blaire," pagbanggit niya sa pangalan ko. "Hindi naman porque friends si Ate Blaire at Kuya Ram mo, friends na rin siya kay Ate Daisy mo. Magkaiba 'yon. 'Di ba, Blaire?"
I smiled. "Opo..."
"'E pa'no po nangyari 'yon? 'Di ba dapat kapag friends, alam ang tungkol sa isa't isa? Bakit hindi niya kilala si Ate Daisy?"
"'E s'yempre! Magkaiba naman ang circle of friends ng kuya mo, anak. Iba ang friendship nila ni Ate Daisy, iba rin ang kanila ni Ate Blaire. Nakilala sila ni Kuya mo sa magkaibang paraan. Magkaiba rin ang pinagdaanan. Gets mo na?"
Annie nodded. "Kung gano'n, kanino po mas close si Kuya, Mama?"
I pursed my lips. Napainom kaagad ako ng malamig na tubig dahil sa tanong niya. Why does she have to ask for question with obvious answer? None sense din naman 'yon kung malaman. Obviously, mas close ang kuya niya sa Daisy na 'yon. Pareho nga silang naglilingkod sa church 'di ba? Meaning, araw-araw silang magkasama!
"Annie, anak..." Aling Sienna went closer to her daughter and gently caressed her back. "Si Kuya Ram-ram mo lang ang makakasagot niyan. Isa pa, tingin ko naman, pantay lang ang trato niya sa lahat ng mga kaibigan niya."
I nodded. "'Wag ka mag-alala, ikaw pa rin ang best best friend ng Kuya mo."
I laughed to show her na hindi naman seryosong problema ang gumugulo sa isip niya. Kaso, nanatili siyang nakasimangot. Her lips protruded. Halatang hindi kuntento sa mga sagot ng mama niya.
"Kung pantay ang trato niya sa lahat ng friends niya, bakit hindi ka niya pinakilala sa 'kin?"
I was caught off guard. Mas malala pa ata mag-overthink sa akin ang batang ito. Pati maliliit na detalye, inuusisa. Aling Sienna's eyes were apologetic. Mukhang pati siya, naii-stress na sa mga tanong ng anak. Ngumiti ako at tumango para sabihing ayos lang.
"Alam ko na!" Napalingon kaming pareho kay Annie. Parang may lightbulb na sumindi sa ibabaw ng ulo niya, napaka-upbeat na ngayon ng mukha. Malayo sa kanina na pawang problema ng buong mundo ang pasan niya. "Ako na lang gagawa ng paraan para maging friends tayo, Ate. Gusto ko kasi, lahat ng friends ni Kuya, friends ko rin. Okay lang ba?"
I laughed. "Of course!" Inabot ang palad ko sa kaniya. "Friends?"
"Friends!"
Natawa si Aling Sienna sa anak. Napainom rin ng tubig, mukhang relieved dahil nasagot din ang mga out-of-the-world na tanong ni Annie. Ngumisi ako, natatawa sa reaksyon niya.
"Sana makapag-bonding tayo, Ate. Gaya ng ginagawa namin ni Ate Daisy tsaka ni Kuya Evan pati ni Kuya Miguel. Pero ngayon, gusto ko, ikaw naman kasama ko. Miss na miss ko na kasing mamasyal 'e, p'wede ba 'yon?"
"Hindi ba magtampo ang Ate Daisy mo niyan?"
Napaisip naman siya. Nakanguso niyang nilingon ang mama niya. Umangat ang kilay ni Aling Sienna, nasa bibig pa rin ang baso. Mukhang na-sense ata na magtatanong na naman ang makulit na anak.
"Tingin mo, magtatampo si Ate, Mama?"
She smiled, wagging her head at binaba ang baso. "Hindi naman siguro. Mabait at maunawain ang Ate Daisy mo."
"Annie." Napalingon kaming lahat kay Jehoram.
Salubong na naman ang mga kilay niya nang dumating. I crossed my arms at sumandal. Marahan niyang nilapag ang tray ng mga pagkain sa mesa, umiling kay Annie habang humihigit ng upuan sa gilid ko.
"Masyadong busy 'yan si Ma'am Blaire. 'Di ba nga mamaya, may trabaho siya? For sure, busy rin 'yan sa mga susunod na araw. 'Wag na."
Tinapunan ko siya ng masamang tingin. "Ano bang pinagsasabi mo diyan? Bahay at ospital lang naman ako 'no. Tsaka... hindi ko naman trabaho 'yon. Kay Mommy 'yon. Nagkabuhol-buhol lang ang sched niya kaya nanghingi siya ng tulong," sagot ko habang hinahalo ang sisig sa kanin.
"'Yun naman pala 'e! Pagbigyan mo na ang kapatid mo, Ram. Ilang linggo rin 'yang nakakulong lang."
Jehoram emitted a long deep breath. "Nay, kalalabas lang ng ospital ni Annie. Paano kung mabinat 'yan? Hindi ko naman siya pagbabawalan 'e." Bumaling siya kay Annie. "Sige, after two weeks. Kapag hindi ka na nilagnat. Tsaka... make sure na hindi busy itong new found friend mo kapag nag-aya ka. Napakasungit pa naman nito— aray! Tignan niyo na! Amazona!"
"You're giving me a filthy image sa kapatid mo!"
Nasiko ko tuloy siya tagiliran. Sobrang papansin kasi! Siraan ba naman ako sa harap ng nanay at kapatid niya? Inirapan ko siya at bumaling kay Annie. Ang kapatid niyang maraming tanong, mukhang nagpipigil pa ng tawa matapos ang senaryo.
"'Wag mo siyang pansinin. Free naman ako anytime. Kahit bukas pa—"
"Hindi nga p'wede."
"Oo na!" I threw daggers to Jehoram bago muling ngumiti kay Annie. "Basta sabihan mo lang ako, ha? Tawag ka lang sa father mo. Siya na bahalang i-update ako."
"Sasama ako," pagsingit ng papansin.
"At bakit?" sabay na tanong namin ni Annie. Natawa si Aling Sienna, gulat naman ang mga mata ni Jehoram.
"Anong bakit? S'yempre! Paano kung atakihin sa puso ang kapatid ko? Kailangang nando'n ako!"
I made a face. "Bahala ka. Basta, 'wag kang e-epal sa 'ming dalawa. Sa likod ka lang," sabi ko at inumpisahan ang pagkain.
"Tama!" segunda ni Annie. "Okay lang ba kung ako ang pipili ng place, Ate?"
"Baka mamaya, wala sa mapa ng Pilipinas 'yan ha! Umayos ka, Annie."
Inuntog kong muli ang siko kay Jehoram, he groaned silently. Tumango ako kay Annie.
"Sige lang, kahit saan pa."
"Kunsintidor," bulong ng katabi ko.
Tawang-tawa si Aling Sienna habang pinapanood kaming tatlo. Hindi naman mabura ang ngisi sa mukha ni Annie. She really looked happy. Isang beses pang nabaling ang tingin niya siya sa 'kin, tapos nag-thumbs-up siya. Natawa ako at ginaya ang ginawa niya. She hoot with laughter. Napailing na lang si Aling Sienna.
"Sige na, kumain na tayo."
Habang kumakain, maingay kami sa hapag. Minsan ay nagbibiruan si Annie at Jehoram, nakikita ko na lang ang sarili ko na tumatawa kasabay nila. They never made me feel out of place. Ilang beses rin akong dinaldal ni Annie at tinanong ng maraming bagay. Tungkol sa snow, sa mga bansa na napuntahan ko, at nalungkot dahil tulad niya, hindi rin naging masyadong makulay ang childhood ko. Nalaman ko rin na may karinderya pala si Aling Sienna sa tapat ng bahay nila. Tulad ng mga tipikal na negosyo, hindi sa lahat ng pagkakataon, achieve ang quota. Madalas, mabenta. Minsan, lagapak ang kita. Mabuti na lang daw at may trababo si Mang Diego at maraming sideline si Jehoram.
Tapos na kaming kumain at nagkuk'wentuhan na lang nang biglang tumayo si Jehoram. Napalingon kaming lahat sa kaniya.
"Sa'n ka pupunta?"
"Nag-text po si Tatay." He showed his phone to Aling Sienna, naalarma naman ito bigla.
"Oh! Nasa baba pala si Amelia! Sige na, puntahan mo na!"
Tumango si Jehoram at tinago sa bulsa ang phone. "Alis muna ako, Annie. Ma'am Blaire..."
Sabay kaming tumango ni Annie. Saktong pagkaalis ni Jehoram, tumunog din ang cellphone ko. Nag-text din si Mang Diego. Aniya, nasa baba na raw siya at naghihintay. I averted my eyes to my wrist watch, malapit na rin pala mag-ala-una.
"Aalis ka na rin?" Aling Sienna asked when I stood up.
Tumango ako. "Past 12 na rin po 'e. Baka ma-traffic kami ni Mang Diego," sagot ko at kinuha ang bag. "Ayaw niyo po sumama sa baba? Para po makita niyo siya."
"Naku, hindi na! Dadalaw rin 'yong mamayang gabi."
I smiled and nodded. It was good to hear na may oras pa rin sa kanila si Mang Diego. Bumaling ako kay Annie. I waved my hand at her and bid good bye. Malawak pa rin ang ngisi niya nang ikaway ang kamay.
"Bye, Ate! Ingat ka!"
I chuckled, inabot ang buhok niya at ginulo. "Ikaw rin, palakas ka ha? Tawagan mo lang si Mang Diego. O kaya, hingiin mo sa kaniya number ko." I winked.
Hindi ko alam kung nagtagal pa sina Aling Sienna sa canteen. Malamang, doon na rin nila hihintayin si Jehoram. Dumeretso na ako sa parking lot kung saan nag-aabang si Mang Diego at ang Chevrolet. Sinadya ni Mommy na hindi gamitin ang sasakyan para hindi ako mahirapan. Binilisan ko na ang paglalakad, may kutob na maii-stuck kami sa traffic. I suddenly miss Seoul and its convenience. Habang tumatagal, pasikip ata nang pasikip ang kalsada rito sa Maynila.
"Traffic na po." Ngumiwi ako sa bungad ni Mang Diego. Nagawa pa niyang matawa.
Pinagbuksan niya ako ng pinto, agad akong pumasok. Malapit lang naman ang Ravelo hotel. Mataas pa rin ang chance na makarating ako on-time. Kahit naman sinabi ni Mommy na wala akong gagawin doon, ayaw ko pa ring bigyan siya ng masamang reputasyon. Good luck na nga lang. I hope na maunahan ko sa meeting place ang mga Alonzo.
Mang Diego maneuvered the car, dahan-dahang pumihit paalis. Ngunit hindi pa man nakakalayo ang sasakyan, napatuwid kaagad ako ng upo.
Pawang butiki na dumikit ako sa bintana. My eyes enlarged, couldn't believe what I was just seeing. Bumubundol ang puso ko sa labis na gulat, lito, at horror.
Kitang-kita ko kung paanong pumulupot ang mga braso ni Jehoram sa katawan ng isang babae.
Isang babae na... may edad na?
The woman was in a white fitted dress. Kumikinang ang mga accessories sa katawan. She looked sophisticated. Sumisigaw ng karangyaan. Sa kilos at tindig, halatang may class. Refined. Hindi siguro nalalayo ang edad kay Mommy.
Bumilis ang takbo ng sasakyan at tuluyan silang nawala sa paningin ko. Wala sa sariling naibagsak ko ang katawan ko sa sandalan ng upuan. Natutop ko ang bibig ko sa gulat, hindi makapaniwala. What was that?
Don't tell me...
May sugar mommy si Jehoram?
***
422Please respect copyright.PENANAULixba5W4W
422Please respect copyright.PENANAAkEFMKfc2E
422Please respect copyright.PENANATOU3d57X5H
422Please respect copyright.PENANAXAYGv1lORm
422Please respect copyright.PENANACo8sjgIzkK
422Please respect copyright.PENANAaujLLcBn7B
422Please respect copyright.PENANAl1ZpEX3ifI
422Please respect copyright.PENANAfNxZs7UY6u
422Please respect copyright.PENANAjQB4ce5Wm6
422Please respect copyright.PENANADAL7gT7Gvg
422Please respect copyright.PENANAaxKCgwZy0l
422Please respect copyright.PENANAKDtdxzAbIw
422Please respect copyright.PENANAEkAsJZx8TZ
422Please respect copyright.PENANALkyPV1uvCv
422Please respect copyright.PENANAVUZc4EtUiH
422Please respect copyright.PENANArnk7Bg4C2l
422Please respect copyright.PENANAXMgl8uG3Rv
422Please respect copyright.PENANArinLnpBlUp
422Please respect copyright.PENANAF7fUaVvm4y
422Please respect copyright.PENANAADjJ9TLHyr
422Please respect copyright.PENANAbw6swARmzf
422Please respect copyright.PENANAWrzsfphYSx
422Please respect copyright.PENANAe0K1fNt5aM
422Please respect copyright.PENANAARUGndSUSL
422Please respect copyright.PENANA0px2mP83KO
422Please respect copyright.PENANA89Ngyl8F50
422Please respect copyright.PENANAO6tQJwQhlM
422Please respect copyright.PENANAW3w40zb98q
422Please respect copyright.PENANAJibC4JkC0B
422Please respect copyright.PENANA6ciOqZx7wn
422Please respect copyright.PENANAc1rjXW4fTe
422Please respect copyright.PENANAdeB9LIvxzd
422Please respect copyright.PENANA32rEKwvk8D
422Please respect copyright.PENANADkMtoUTDL8
422Please respect copyright.PENANApJPg88VkuC
422Please respect copyright.PENANAKays9WCgj2
422Please respect copyright.PENANAnhPbYah23T
422Please respect copyright.PENANAJjHKvfvjxF
422Please respect copyright.PENANA4QypMjIRTG
422Please respect copyright.PENANAWMR3Z1ptsR
422Please respect copyright.PENANA6t8qbcZOhR
422Please respect copyright.PENANAS3TCgDmtdc
422Please respect copyright.PENANAAAhTPvneXZ
422Please respect copyright.PENANAeoN3eqrbif
422Please respect copyright.PENANAzzDGQzrl2Z
422Please respect copyright.PENANALM90UKK1t6
422Please respect copyright.PENANAp6ogChVHs3
422Please respect copyright.PENANAmXcuKpnkYq
422Please respect copyright.PENANArgyBrgtSk9
422Please respect copyright.PENANA6iSQxtIYtF
422Please respect copyright.PENANAuxXKVzWCRP
422Please respect copyright.PENANASGMFHb1NLd
422Please respect copyright.PENANAdtS2tXaIsL
422Please respect copyright.PENANAWDPvBLGkwg
422Please respect copyright.PENANAPJCrkIV5rX
422Please respect copyright.PENANATqyS8QuaeA
422Please respect copyright.PENANA3WWwKJ6kZm
422Please respect copyright.PENANAoyfwgMjBcT
422Please respect copyright.PENANAMSeYSEg3yv
422Please respect copyright.PENANALLm7alMntF
422Please respect copyright.PENANAF0momsDLCY
422Please respect copyright.PENANAiQGXIZnz7e
422Please respect copyright.PENANASnxt8QoNJm
422Please respect copyright.PENANAkZBcnXRkMO
422Please respect copyright.PENANABWgiYhby7X
422Please respect copyright.PENANACkIekn5UKK
422Please respect copyright.PENANAeL0WTwk6C3
422Please respect copyright.PENANAPPCp7qBn2f
422Please respect copyright.PENANAtGbI4CgDKO
422Please respect copyright.PENANAWUDpGpzpp9
422Please respect copyright.PENANA7CgaeQktdA
422Please respect copyright.PENANAzvNYQeAXau
422Please respect copyright.PENANAN6oNYRHUMq
422Please respect copyright.PENANANlCQNbicKz
422Please respect copyright.PENANAdHfPi9Yd9b
422Please respect copyright.PENANAsHmtFcXHcm
422Please respect copyright.PENANA2n4F2y4uY9
422Please respect copyright.PENANAsohwJZuU1k
422Please respect copyright.PENANARdU1sWKjnL
422Please respect copyright.PENANAHXtczQmLpO
422Please respect copyright.PENANAv46bBdEWZp
422Please respect copyright.PENANAYMUmXaQmaU
422Please respect copyright.PENANAoCdrIPNeyV
422Please respect copyright.PENANADDDbn6wE5x
422Please respect copyright.PENANAVhbQxMxzsm
422Please respect copyright.PENANA0drk3FiN5y
422Please respect copyright.PENANAeEWu4ThKpS
422Please respect copyright.PENANAkXqPXmrqfE
422Please respect copyright.PENANAogJHV1yZOu
422Please respect copyright.PENANAAkzWMdZyzN
422Please respect copyright.PENANAzrWZEzMu58
422Please respect copyright.PENANAg6as2sG7f7
422Please respect copyright.PENANAXCNEx1GN76
422Please respect copyright.PENANAj1V0naSxED
422Please respect copyright.PENANA9hrPKsjnak
422Please respect copyright.PENANAL9Z9bP7PNS
422Please respect copyright.PENANAhUaAWAVk9s
422Please respect copyright.PENANAp2wnq7FqxM
422Please respect copyright.PENANAKhe9d3l5m0
422Please respect copyright.PENANAo79rZSQ3qy
422Please respect copyright.PENANA9AbtJNwkSq
422Please respect copyright.PENANA2yx6ghnOx6
422Please respect copyright.PENANAHG2Zpx9qjl
422Please respect copyright.PENANArAox2hMwB2
422Please respect copyright.PENANALTulQd6f4a
422Please respect copyright.PENANA4BHkWwj6B6
422Please respect copyright.PENANAnVdabW505K
422Please respect copyright.PENANAbHu52VupVu
422Please respect copyright.PENANAjyRRcxUkx6
422Please respect copyright.PENANAvXyq0SQdgB
422Please respect copyright.PENANAeOXhj1O2Jt
422Please respect copyright.PENANAxEPQSphKTl
422Please respect copyright.PENANA6pWJuDTkR3
422Please respect copyright.PENANAeK7LS6Mj3n
422Please respect copyright.PENANAzdyQgKEnfs
422Please respect copyright.PENANAZ6yJ2AV2k5
422Please respect copyright.PENANAqnI9dhumpF
422Please respect copyright.PENANA9hYKPXcvay
422Please respect copyright.PENANAFkVL7ggKXz
422Please respect copyright.PENANAfdtVrs3MDn
422Please respect copyright.PENANAdKAHuHKBcm
422Please respect copyright.PENANAEkbXJv7t5k
422Please respect copyright.PENANAqG4kzfs9jH
422Please respect copyright.PENANAzYhLsuwfpv
422Please respect copyright.PENANAr079RDCaEr
422Please respect copyright.PENANAozY8gKDfZA
422Please respect copyright.PENANA7JHzDU9muP
422Please respect copyright.PENANAUSKlDEr7S3
422Please respect copyright.PENANAChBUR6iEQu
422Please respect copyright.PENANACE2P5HDgV8
422Please respect copyright.PENANAXqtmamzgQX
422Please respect copyright.PENANAxE4OaIPhsy
422Please respect copyright.PENANAUTRbHnyqKi
422Please respect copyright.PENANAO5OS5ghNQl
422Please respect copyright.PENANAWiU7C9DnSs
422Please respect copyright.PENANApJ2WhD1ZeI
422Please respect copyright.PENANA20qDUTLmMg
422Please respect copyright.PENANA0HH4Zy1mi5
422Please respect copyright.PENANA48IZzf6XdR
422Please respect copyright.PENANAZR1Mj0nLN3
422Please respect copyright.PENANAZ2o1aFx1oM
422Please respect copyright.PENANAwgT08ydsi8
422Please respect copyright.PENANA18NeUXavy2
422Please respect copyright.PENANArNnhBw0ipz
422Please respect copyright.PENANAIbOmGyaFNj
422Please respect copyright.PENANAfmFav0jAXX
422Please respect copyright.PENANA307Nm4ZB0a
422Please respect copyright.PENANAuyV5u295Q4
422Please respect copyright.PENANAMqsozz8xvd
422Please respect copyright.PENANAed1Sl8BisM
422Please respect copyright.PENANA92mftcNDuw
422Please respect copyright.PENANAnFvubHWkQY
422Please respect copyright.PENANAfgH84yJ675
422Please respect copyright.PENANAcluiV40bAh
422Please respect copyright.PENANASva4gju07c
422Please respect copyright.PENANAgPc8SmWhCf
422Please respect copyright.PENANA1s3ewwcwat
422Please respect copyright.PENANAXVuVBLuKTq
422Please respect copyright.PENANAMlR9WUmxbi
422Please respect copyright.PENANAOMGrji4HLY
422Please respect copyright.PENANAOr0a6JbRtK
422Please respect copyright.PENANADi0kLHVU4e
422Please respect copyright.PENANAlHNuPG1UUe
422Please respect copyright.PENANAPXUmzff2T2
422Please respect copyright.PENANAMxIkuI6Ord
422Please respect copyright.PENANAFP2knf2730
422Please respect copyright.PENANAY85Bv2fPjZ
422Please respect copyright.PENANAtKlvaF7r8P
422Please respect copyright.PENANAnI55SclYHd
422Please respect copyright.PENANARLz6degtOa
422Please respect copyright.PENANAUXFCViL748
422Please respect copyright.PENANAZ7k6gSDO6l
422Please respect copyright.PENANAO92wRB2EyE
422Please respect copyright.PENANAZYcYRc5uoh
422Please respect copyright.PENANANBkj559qmE
422Please respect copyright.PENANASPqaJg8koz
422Please respect copyright.PENANApdLttaeKkb
422Please respect copyright.PENANASdU4Z0FBoS
422Please respect copyright.PENANAULAvzIy3d0
422Please respect copyright.PENANAYxmEjt99m4
422Please respect copyright.PENANAzbptvFxPe6
422Please respect copyright.PENANAoQrBAmt6xJ
422Please respect copyright.PENANApGGqgKjy1a
422Please respect copyright.PENANAZ30uZwY99c
422Please respect copyright.PENANAtMwKzJxt6f
422Please respect copyright.PENANA18cmEXCVJo
422Please respect copyright.PENANAsKo1g5ijUX
422Please respect copyright.PENANAOiKYCgYGHV
422Please respect copyright.PENANAo5vao6gdZS
422Please respect copyright.PENANA8u8Nju9tMa
422Please respect copyright.PENANAtONughwpi4
422Please respect copyright.PENANAZcYA4WVwXv
422Please respect copyright.PENANASKCC4st1jU
422Please respect copyright.PENANAImzQAjrnsZ
422Please respect copyright.PENANA8DyAtx5Myt
422Please respect copyright.PENANAKaSsgK8sfa
422Please respect copyright.PENANAOXVuLE07x3
422Please respect copyright.PENANAuxxaDKIVxx
422Please respect copyright.PENANAfYhysED0lg
422Please respect copyright.PENANAGparRmygbC
422Please respect copyright.PENANAuE53CjqYH1
422Please respect copyright.PENANAuGxg3BNdwQ
422Please respect copyright.PENANAefXHDeR6AD
422Please respect copyright.PENANACupXGiXWy6
422Please respect copyright.PENANAWQZszk6aaG
422Please respect copyright.PENANA3VxgPiEkZP
422Please respect copyright.PENANAnaTYm6uURn
422Please respect copyright.PENANAyfThxNf55x
422Please respect copyright.PENANA6b7u1jZEmv
422Please respect copyright.PENANAZelDFb52NM
2 Kings 20:5 |422Please respect copyright.PENANA9m7nBcZPCZ
422Please respect copyright.PENANAo84l35a86B
I have heard your prayers and seen your tears; I will heal you.