21Please respect copyright.PENANARHhMOuGz9A
“Ang hindi ko sinabi… siya palang pinaka-nag-ingay sa puso ko.”
Umaga. Maaga pa. Tahimik ang ospital.21Please respect copyright.PENANAYnQNN8GtfI
Hindi pa bumabalik si Chin. Iniwan siyang may ngiting pilit, habang si Mondie ay nanatili sa kama, nakatulala sa kisame.
Pero sa loob ng drawer sa tabi niya, may sekreto.
Isang maliit na notebook. Marumi na ang gilid. Gamit na gamit.21Please respect copyright.PENANADRJtQQTjia
Walang ibang nakakakita nun maliban sa kanya. Kahit ang nurse na malapit sa kanya, hindi pa ‘yun nahahawakan.
Bago pa siya magpanggap na hindi niya siya nakakikilala…
Bago pa siya ngumiti na parang estranghero…
Bago pa niya sabihing, “Sino ka nga ulit?”
Isinulat na niya lahat.
Unang Liham
“Chin,21Please respect copyright.PENANARaYvHOKynk
Kung binabasa mo ‘to… baka nakita mo na ang notebook ko. At kung nakita mo na, siguro oras na rin para aminin ko sa sarili ko.21Please respect copyright.PENANAhMac0jETvo
Hindi ako nakalimot. Hindi kailanman.21Please respect copyright.PENANAiwSR2L3FBt
Noong sinabi ng doktor na may posibilidad akong mawalan ng alaala, kinabahan ako—hindi dahil sa trabaho, hindi dahil sa buhay ko.21Please respect copyright.PENANAUED445nqfW
Kinabahan ako dahil… baka mawala ka.21Please respect copyright.PENANAe98oxYjmZg
At ayokong mawala ka.21Please respect copyright.PENANA420u3j349i
Kaya sinimulan kong isulat lahat.21Please respect copyright.PENANAOc4j1elnsi
Araw-araw.21Please respect copyright.PENANA9oFw9wDalY
Kasi kung sakaling makalimutan kita… gusto kong mahanap ulit ang daan pabalik sa’yo.”
Isinulat niya iyon limang araw matapos siyang i-confine.
At mula noon, hindi siya tumigil.
Ika-walong araw
“Ang weird. Pinuntahan mo ako ngayong araw. Hindi ka sigurado kung dapat kang pumasok. Kitang-kita ko ang takot sa mata mo.21Please respect copyright.PENANAW3m1kdtfz3
Chin, gusto kong yakapin ka.21Please respect copyright.PENANAPMSazL8FOh
Pero hindi ko ginawa.21Please respect copyright.PENANApOJVFwPi06
Kasi hindi ko alam kung papayagan mo ‘ko.21Please respect copyright.PENANA2KucxB9IqE
Kasi kahit hindi ko pinapakita, naaalala ko pa rin kung paano kita sinaktan.21Please respect copyright.PENANAjFee5M5Nun
At baka hindi pa sapat na gustuhin kong itama iyon.”
Sa bawat araw na lumipas, lalo siyang nababaliw sa ideya na hindi niya puwedeng ipakita ang totoo.
Na hindi niya nalimutan.
Na ang bawat halakhak ni Chin, bawat pag-iwas ng mata, bawat pilit na lakas… ay parang kutsilyong dahan-dahang lumulubog sa dibdib niya.
At hindi siya puwedeng magsalita.21Please respect copyright.PENANAeU1zIovoHQ
Kasi baka layuan siya.21Please respect copyright.PENANANcmtLB7gDn
Kasi baka hindi pa siya handang patawarin.
Ngayon, habang mag-isa siya, binubuklat niya ang notebook.
Hawak niya ang bolpen.
Nagsusulat ng panibagong liham.
Ika-labinglimang araw
“Chin,21Please respect copyright.PENANAAJcWRHyuLG
Ang gulo mo.21Please respect copyright.PENANALBTxc3nETm
Ang ganda mo.21Please respect copyright.PENANATRQeMIqxWm
At ang hirap mong hindi mahalin.21Please respect copyright.PENANAAsCejewFpq
Hindi ko na alam kung anong mas mabigat: ‘yung hindi kita makausap ng totoo… o ‘yung araw-araw kong sinusubukan kalimutan ang sarili kong alaala.21Please respect copyright.PENANABBpV8p56RY
Pero hindi ko kayang kalimutan ka.21Please respect copyright.PENANAynkxauiLvo
Chin, hindi ko kailanman nakalimutan.21Please respect copyright.PENANAB4BJzRIXUW
Pinili ko lang magkunwaring hindi ko alam, para bigyan ka ng panibagong simula.21Please respect copyright.PENANAqskbiKOBdB
Para kung sakaling piliin mo ulit ako… ‘yung ako ngayon, hindi ‘yung ako noon.”
Bumukas ang pinto.
Napalingon si Mondie.
Si Chin. May dalang lugaw at prutas. Suot ang maluwag na hoodie. Pagod ang mata pero may ngiti pa rin.
“Hi,” bati nito. “Okay ka lang?”
Tumango siya. Itinago ang notebook sa ilalim ng kumot.
“Okay lang,” sagot niya. “Salamat sa pagbalik.”
Umupo si Chin sa tabi niya. Tahimik silang dalawa.
Habang pinapakain siya ni Chin, lihim siyang ngumiti.
Dahil kahit hindi alam ng babae… araw-araw, isinusulat niya ito.
Ang pagmamahal.
Ang kasalanan.
Ang pangarap.
Ang pag-amin.
Na kung sakaling mawalan siya ng boses… may panulat siyang ipapasa sa kanya.
Bago siya matulog, binuksan niya ulit ang notebook.21Please respect copyright.PENANAU12CIYg7Cy
Nag-drawing siya ng maliit na puso.
At isinulat ang pinakamaikli pero pinakamalalim na sulat.
ns216.73.216.254da2“Chin,21Please respect copyright.PENANAuEIKLkHu33
Hindi ako nakalimot.21Please respect copyright.PENANAle9dQNPa0e
Pinili ko lang maghintay.”