8Please respect copyright.PENANAmLVkWI8qSb
8Please respect copyright.PENANAHFZDs4Twz2
Ang unos ay laging nagsisimula sa mahinang hangin—hanggang sa wala ka nang matakbuhan.
“Wala ka bang balak umuwi, Raymond?” malamig na tanong ni Crisanta habang nakaupo sa hapag-kainan, titig sa anak na tila may bahid ng pagdududa.
“Maayos po kami ni Chin. Hindi niyo naman po kailangang alalahanin,” sagot ni Mondie, pilit ang pagiging kalmado sa tinig.
“Ang hindi mo naiintindihan,” sabat ni Filemon, “kapag pinipili mo ang babaeng ‘yon, binabalewala mo ang buong pangalan natin. Sonajo ka, anak. Hindi mo ba alam kung anong pinagdaanan namin para marating ‘to?”
Tahimik lang si Renz, ang nakababatang kapatid, habang patagong nagbubukas ng cellphone sa ilalim ng mesa. Alam niyang delikado, pero gusto niyang i-record ang mga sandaling ‘to—hindi para sa blackmail, kundi para may patunay si Kuya Mondie na ipinaglaban niya ang sarili.
“Hindi ko naman po kayo tintakwil eh,” ani Mondie. “Pero mahal ko si Chin, at hindi ako papayag na ipamukha niyo sa kanya na wala siyang kwenta. Hindi siya gano’n.”
“Hindi siya para sa’yo,” mariing tugon ni Crisanta. “Maganda ba siya? Oo. Mabait? Siguro. Pero hindi sapat ang pagmamahal para sa isang Sonajo. Gumising ka nga, Raymond!”
Sa likod ng galit, may mas malalim na motibo. Hindi lang ito tungkol sa pangalan o yaman. Isa ito sa mga lihim na matagal nang itinatago ng pamilya — si Chin ay anak ng lalaking minsan nang sumira sa kasal nina Crisanta at Filemon.
“Baka hindi mo pa alam,” ani Filemon, ang mga mata’y malamig at mapanlinlang, “na ang tatay ni Chin, si Feng Yang… ay dati kong kaibigan. At naging kaagaw ko sa lahat. Lahat. Kahit sa... ina mo.”
Napatingin si Mondie sa ina. Nanatili itong tahimik, pero ang luha sa gilid ng mata ay di na maitago. Sapat na ang katahimikang ‘yon para maintindihan niyang totoo ang lahat.
“Sinungaling,” bulong ni Mondie, nanginginig ang boses. “Hindi mo ‘to sinabi noon…”
“Dahil gusto naming protektahan ka!” sigaw ni Crisanta, tumayo sa upuan. “Dahil ayaw naming maranasan mo ang sakit na dala ng apelyido ng babaeng ‘yon!”
Tumayo si Mondie. “Hindi ‘yon kasalanan ni Chin. At kung yan lang ang rason nyo para hadlangan kami, mas lalo kong pipiliin siya.”
At doon nagsimula ang unos.
Kinabukasan, habang hinihintay ni Chin si Mondie sa paborito nilang tagpuan — isang maliit na tindahan sa tabi ng dagat — isang kakaibang kaba ang bumalot sa kanya. Ilang oras na siyang naghihintay, pero wala pa rin ang nobyo.
Hanggang sa dumating si Diveena.
“Chin,” simula ng ate niya, dala ang cellphone. “Tingnan mo ‘to.”
Pinanood niya ang video. Si Mondie, nasa harap ng ama nito. Nakaluhod. Hawak ang lumang larawan ng pamilyang Sonajo, at paulit-ulit na sinasabi:
"Gagawin ko ang tama… para sa pamilya."
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Ilang beses niyang pinanood ang clip, umaasang may ibang kahulugan. Pero iisa lang ang narinig niya — ang pagpili ni Mondie sa dugo kaysa sa kanya.
“Tama na, Chin,” bulong ni Diveena. “Ayokong masaktan ka pa.”
Pero sa halip na lumuha, natawa si Chin — mahina, mapait.
“Alam mo ba kung anong mas masakit?” tanong niya. “’Yung ikaw na nga lang ang pinili niya, kinailangan pa niyang magsinungaling para iwan ka.”
Hindi niya alam ang totoo: si Mondie ay pinilit. Ang video ay putol. Hindi nakita ni Chin kung paano itinapon ni Mondie ang larawan pagkatapos ng eksena, kung paano siya umalis sa harap ng pamilya para tumakbo pabalik sa kanya.
Ngunit huli na.
Pagdating ni Mondie sa tagpuan, wala na si Chin.
At ang iniwang sulat lang ang nagsilbing paalala:
ns216.73.216.238da2“Minsan tayong naging makulay. Pero ang sakit mo, walang kulay kundi itim. At ako, hindi na muling pipinta gamit ang luha.”