9Please respect copyright.PENANAivR6yyuWwj
Tahimik ang unit ko.
Walang TV. Walang music. Walang cellphone sa tabi ko. Wala akong ibang kasama kundi ang sarili ko—at ang salamin sa tapat ng banyo.
Magdamag akong hindi makatulog. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang sinabi ni IO. Hindi siya demanding. Hindi siya umasa. Hindi rin siya lumapit para sabihin na kailangan ko siyang piliin.
Pero sa lahat ng naging relasyon ko, sa dami ng paniniwala kong binuo mula sa pagkabata—ngayong gabi lang ako humarap sa sarili ko nang buo.
Tumapat ako sa salamin. Hinayaan kong makita ang sarili ko: ung messy na buhok, eyebags, maputlang labi, mga matang pagod pero gising na gising.
“Ano na, Rax?” bulong ko sa sarili ko. “Sino ka na?”
Hindi ko alam kung kelan ako nagsimulang maligaw.
Baka nung sinubukan kong habulin ang pangarap ni Stephen, kahit alam kong hindi ko ‘yon gusto. Baka nung pinilit kong maging "perfect girlfriend" ni Benedict kahit ramdam kong hindi ako ang pinipili niya sa totoo lang.
Baka nung tiniis ko ang kontrol ni Miguel, kasi sabi niya ganun daw dapat magmahal.
O nung nagbulag-bulagan ako sa paulit-ulit na kabit cycle ni Sam—dahil mas natakot akong mawalan kaysa masaktan.
At lalo na nung kay Christian, na akala ko ako ang mahal niya, ‘yun pala ako ang panggulo sa buhay niya.
Lahat ng relasyon ko—para akong nagsuot ng costume. Nag-adjust. Nagbura ng sarili. Para lang matanggap. Para lang mahalin.
Pero ngayon... sa harap ng salamin... wala akong maskara.
Ako si Rax. Sa lahat ng sugat. Sa lahat ng pagkakamali. Sa lahat ng maling taong minahal.
Pero ako rin ‘yung Rax na tumayo ulit. Paulit-ulit.
Ako ‘yung Rax na hindi sumuko.
At si IO? Hindi niya ako minahal sa kung anong kaya kong ibigay. Hindi rin dahil gusto niyang "ayusin" ako. Minahal niya ako habang buo pa rin ako sa gulo ko.
Hindi niya ako sinubukang baguhin. Pinanood niya akong mag-ayos ng sarili, habang andun lang siya. Tahimik. Pero totoo.
Hindi ko alam kung mahal ko siya. Hindi pa ako sigurado.
Pero alam kong may kakaiba sa kanya. Sa presensya niya. Sa paraan niyang hawakan ang space sa paligid ko, nang hindi sinusubukang kunin ito.
At ngayon… habang tinititigan ko ang sarili ko sa salamin, bigla akong umiyak. Hindi ‘yung iyak ng galit. Hindi iyak ng pagkabigo.
Iyak ng pagkaunawa.
Iyak ng muling pagkakakilala.
Hinaplos ko ang pisngi ko—marahan. Para bang tinatandaan kung sino na ako ngayon.
At sa gitna ng katahimikan, binigkas ko ang mga salitang hindi ko akalaing masasabi ko:
“Hindi ako nasira… Nabuo ako.”
Hindi dahil kay IO. Hindi dahil may taong dumating. Pero dahil ngayon, pinili kong tumingin. Sa sarili ko. Sa mga basag na piraso na matagal ko nang tinatakpan.
At sa gitna ng gulo, natuto akong mahalin ‘yung nasa salamin.
Hindi dahil perpekto siya.
Pero dahil siya—ako—ay totoo.
ns216.73.216.238da2