11Please respect copyright.PENANACnyy3ojHY7
Hindi para humingi ng tawad—kundi para tuldukan.
✉️ Kay Stephen:
Hi Stephen,11Please respect copyright.PENANARzApltzlhh
Naalala mo ba nung sabi mo, “Di ko kayang sabayan ‘yung mundo mo, Rax?”11Please respect copyright.PENANAPptflJ6mER
Hindi ko agad naintindihan ‘yon. Noon, nasaktan ako. Ang feeling ko, ako ‘yung mali kasi masyado akong ambisyosa. Pero ngayon, naiintindihan ko na—hindi kita iniwan dahil kulang ka. Umalis ako kasi habang lumalaki ako, ikaw ay nanatiling takot.
Puppy love tayo, oo. Pero ‘yung sakit na iniwan mo? Totoo. Totoong napagod akong maghintay na piliin mo rin ako gaya ng pagpili ko sa'yo. Kaya salamat na rin… Dahil tinulungan mo kong unang matutong bitawan ang hindi para sa akin.
– Rax
✉️ Kay Benedict:
Ben,11Please respect copyright.PENANAK2GowWRNXp
Sa lahat ng ex ko, ikaw siguro ‘yung pinakamabait. ‘Yung tipong walang sigawan, walang away, walang drama. Kaya lang may kulang, diba? At ‘yung kulang na ‘yon, tinago mo sa’kin. Tinago mo rin sa sarili mo.
Alam mo ba kung gaano kasakit malaman na lahat ng "tayo" ay pagtatakip lang sa totoong ikaw? Na ginamit mo ako para patunayan sa mundo—and maybe to yourself—na hindi mo kailangang tanggapin kung sino ka talaga?
Pero Ben, mahal kita noon. Totoo ‘yon. At kung totoong mahal mo rin ako, sana hindi mo ako ginamit na panakip-takot. Sana sinabihan mo ko, kasi baka sakaling naiintindihan kita.
Ngayon, naiintindihan na kita. Pero tapos na tayo. At okay lang.
– Rax
✉️ Kay Miguel:
Miguel,11Please respect copyright.PENANAGKVIcsNIxe
Para kang project na hindi natatapos. Akala mo love is fixing each other. Akala mo love is control.
Bawat pagkain ko, bawat reply ko, bawat galaw ko—kinailangan mo pa bang pakialaman lahat? Tinawag mo 'kong "stubborn" nung pinili kong lumaban. Tinawag mo ‘kong "madrama" nung tinanong ko kung bakit kailangan mong diktahan ang buhay ko.11Please respect copyright.PENANAPij3EehLGD
Pero nung iniwan kita? Bigla kang naging biktima.
Miguel, hindi kita iniwan dahil hindi kita minahal. Iniwan kita dahil mas mahal ko ang sarili ko. Dahil gusto kong magdesisyon para sa sarili kong katawan, oras, at pagkatao.11Please respect copyright.PENANAD6pneN0BhL
Hindi ko kasalanan na hindi mo alam ang hangganan ng pag-aalaga at pagkontrol.
Kaya 'yung tanong mong, "Kailan naging mali na maging ako?"11Please respect copyright.PENANAVN8hJR32H9
Ang sagot: Naging mali nung sinimulan mong burahin ako para mapanatili ang version ng "tayo" na ikaw lang ang nagsulat.
– Rax
✉️ Kay Sam:
Sam,11Please respect copyright.PENANANjKgcLpWEd
Alam mong ikaw ‘yung relasyon na kinahihiya ko—hindi dahil sa’yo, kundi sa sarili ko.11Please respect copyright.PENANAETGod2HgqL
Pitong babae, Sam? Pitong beses kong pinatawad, pitong beses kong sinisi ang sarili ko kung bakit hindi kita mapanatili.
Margaux. Natasha. Belinda. Jasmin. Victoria. Katrina. Lorelie.11Please respect copyright.PENANA2NZjXsNsBS
Hindi ko sila kailangang alalahanin individually. Kasi pare-pareho lang ang dahilan kung bakit mo sila pinili: dahil kaya mong magsinungaling at ngumiti nang sabay.
Ang galing mong magsalita. “Mahal kita.” “Wala silang halaga.” “Hindi ko alam ba’t ko nagawa ‘yon.”11Please respect copyright.PENANAtmCYUtxjCk
Pero ang totoo? Pinipili mo lang ako pag wala ka nang mapili.
At ang pinakamasakit? Pinili pa rin kita. Kahit ako mismo, hindi ko maintindihan kung bakit.11Please respect copyright.PENANAhcYr9i21Yu
Baka kasi nga gusto ko lang maniwala na kaya kong ipaglaban ang isang taong hindi ako ipinaglaban kailanman.
Pero tapos na.11Please respect copyright.PENANAdZ1vivRqoM
Hindi mo ako minahal. Ginamit mo lang ang idea ng pagmamahal para manatili ako sa tabi mo.
Ngayon, masasabi ko:11Please respect copyright.PENANA3vLihDl13z
Mahal kita… pero mahal ba talaga ako ng taong tulad mo?11Please respect copyright.PENANADfUVcFfPSw
Hindi na importante ang sagot. Kasi ako na ang bumitaw.
– Rax
✉️ Kay Christian:
Christian,11Please respect copyright.PENANAaOJik4INUY
Bakit mo ko pinili kung alam mong may taong naghihintay sa bahay?11Please respect copyright.PENANA4lJan5Gvwy
Bakit mo ko inunahan magsabi ng "mahal kita," kung alam mong may mga batang tatawag sa'yong "Tay"?
Hindi ako martir. Hindi rin ako biktima.11Please respect copyright.PENANAxr5uCWhjWE
Pero kahit anong tapang ko, hindi ko madedeny—ang sakit. Hindi dahil nawala ka. Kundi dahil pinaasa mo kong ako ‘yung pinili mo sa gitna ng responsibilidad mo.11Please respect copyright.PENANA0753LrY5iu
Na ako ‘yung kaya mong panindigan.
Pero nung nakita ko ang litrato natin sa social media, at may babaeng nagkomento na siya ang asawa mo?11Please respect copyright.PENANAKXHtO1NCEg
‘Yung pakiramdam ng pagiging kahihiyan? Ng pagiging panira?11Please respect copyright.PENANAeGFExiPh1p
Hindi mo ‘ko pinrotektahan. Hindi mo ‘ko pinagtanggol. At higit sa lahat—hindi mo ko inamin.
Ako ang kabit.11Please respect copyright.PENANArGp7FJEy33
Ako ‘yung mali.11Please respect copyright.PENANAQ632PgJgZ3
Ako ‘yung ginamit.
Pero hindi ko na hahayaan na manatili akong gano’n.11Please respect copyright.PENANAIWu4OeNnrq
Patawad sa sarili ko, una sa lahat.11Please respect copyright.PENANAXxgWTIgUM9
At salamat… kasi dahil sa'yo, mas naging matatag ako sa pagpili ng totoo. Ng malinaw. Ng hindi palihim.
– Rax
Final Words:
Hindi ito para sa inyo. Hindi ito para sa nakaraan.11Please respect copyright.PENANAdX6RapdrNC
Ito ay para sa akin—para sa babaeng ilang beses nang nasaktan, niloko, nilihim, at iniwan. Pero patuloy na bumabangon, lumalaban, at natututo.
Tapos na ang kabanata n’yo sa kuwento ko.11Please respect copyright.PENANAynT59RITBG
At sa unang pagkakataon, ako na ang sumulat ng ending.
– Raquel “Rax” Bermudez
11Please respect copyright.PENANApz2BKkck6a