13Please respect copyright.PENANA9pofh33ovB
“Hindi ko siya minahal kasi babae siya. Minahal ko siya kasi siya ang nagpapaalala sa’kin kung sino ako.”
Hindi siya dumating na parang bagyo.
Wala siyang pasabog. Wala siyang grand entrance. Pero kung paanong dumarating ang araw pagkatapos ng isang bagyong halos ikawasak mo na, ganun siya dumating sa buhay ko.
Tahimik. Banayad. Totoo.
Hindi ako sigurado kung kailan nagsimulang lumambot ang tingin ko sa kanya. Kung kailan naging mas natural ang paghawak ko sa kamay niya kaysa sa pag-iwas. Kung kailan naging mas ligtas ang katahimikan naming dalawa kaysa sa kahit anong sigawan sa mga dati kong relasyon.
Basta ang alam ko, hindi siya babae sa paningin ko.13Please respect copyright.PENANACWOph1EIZj
Siya ang tahanan ko.
Hindi ako nahulog sa kanya dahil may abs siya o perfect yung winged eyeliner niya.13Please respect copyright.PENANAQsX8usNHXN
Hindi ko siya minahal dahil "iba" siya.13Please respect copyright.PENANAvKrtfMGuyf
Minahal ko siya kasi sa bawat galaw niya, pinapaalala niya kung sino ako.
Ako na hindi kailangang magpanggap.13Please respect copyright.PENANAIG6v9LnGwp
Ako na hindi kailangang itama o ikahon.13Please respect copyright.PENANA5hmZ5hsIxy
Ako na puwedeng maging buo kahit wasak.13Please respect copyright.PENANAnRJAQC2NXz
Ako na puwedeng umiyak nang walang kahihiyan.13Please respect copyright.PENANAfjuBemk7fW
Ako na mahal niya, hindi sa kabila ng lahat—kundi kasama ang lahat.
Sabi nila, makikita mo ang para sa’yo sa oras na tanggap mo na ang sarili mo.13Please respect copyright.PENANAd55j2r7Oli
Pero minsan, kailangan mo munang makilala ang taong handang tumanggap sa’yo habang hindi mo pa kilala ang sarili mo.
At si IO, siya ‘yun.
Siya ‘yung hindi natakot sa kwento ko.13Please respect copyright.PENANAWt70oepgzG
Hindi siya umatras sa bigat ng mga pinagdaanan ko.13Please respect copyright.PENANAfEJFyTeb4i
Hindi siya nagdalawang-isip kahit alam niyang maraming mata ang titingin sa’min na parang kasalanan ang pagmamahalan namin.
Sabay kami naglakad sa mundong laging may tanong.13Please respect copyright.PENANAFAq5TY7qBz
Sabay naming tinanggap ang mga titig, ang mga bulong, ang mga “bakit babae?”13Please respect copyright.PENANAqto2hEclka
At ang sagot ko?
Hindi ko siya minahal kasi babae siya. Minahal ko siya kasi siya ang nagpapaalala sa’kin kung sino ako.
Masarap magmahal. Pero mas masarap magmahal ng tama.13Please respect copyright.PENANAUY8JvDxOTO
Ng walang takot.13Please respect copyright.PENANAU2CrMLx8QC
Ng walang guilt.13Please respect copyright.PENANAsksrbWBd3g
Ng walang kahon.
IO,13Please respect copyright.PENANANcI6VLpa5m
Ikaw ang pahinga ko.13Please respect copyright.PENANAl8c0ZJ3ZDO
Ikaw ang huminga para sa’kin nung hindi ko na kaya.13Please respect copyright.PENANAxVxzaXnJBF
At ngayon, kaya ko nang huminga…13Please respect copyright.PENANAiaExWDnlm1
Dahil nandito ka.
Mula noon hanggang ngayon, sa mundong paulit-ulit tayong pinagdududahan,13Please respect copyright.PENANATFst9V3KfU
sa’yo lang ako naniwalang puwedeng mangyari ang totoong “forever.”
Kaya kung ito ang dulo ng istoryang dating puro luha,13Please respect copyright.PENANAT6y7fjhQym
Salamat.13Please respect copyright.PENANAmUVh4a3qCd
Kasi ikaw ang naging huling pahina—13Please respect copyright.PENANAkuFBQSAZWH
hindi dahil dito natapos ang lahat...13Please respect copyright.PENANAhYxrMsRioO
Kundi dahil dito nagsimula ang tahanan.
– Rax
ns216.73.216.238da2