KABANATA 14: Ang Pagkikita
Hindi ko inaasahan na mangyayari nga talaga. Pero nangyari.20Please respect copyright.PENANAoMjTNdp8Dt
Magkikita na kami ni Jeanine. Sa wakas.
Pareho kasi kaming nasa Bicol. Siya, nagbabakasyon. Ako, nagtatrabaho at nagbabayad ng sarili kong mga bills, pangarap, at ilang multo ng nakaraan. Pero ngayong araw, kahit isang gabi lang, parang may sariling pahinga ang mundo ko.
Sabi niya Starbucks daw ang kitaan.20Please respect copyright.PENANAkt2Xqpc35u
Medyo natawa ako ng konti. Sa totoo lang, bihira akong mag-Starbucks. Hindi dahil sa ayaw ko ng kape, kundi dahil mahal.20Please respect copyright.PENANAvsxV0LRKiM
Pero okay lang. Kung doon siya komportable, doon kami.
Pagkatapos ng shift ko sa McDo, dali-dali akong nagbihis. White shirt lang ako at maong pants, medyo pormado na rin kasi uniform ko all day. Medyo kabado, medyo sabik. Parang may kung anong kilig sa dibdib ko habang papalapit ako sa café.
Pagpasok ko sa Starbucks, agad ko siyang nakita.20Please respect copyright.PENANAcS5E5MRIQT
Doon siya sa may bintana, nakaupo. Naka-white turtle neck siya, pinatungan ng jumper na palda. Nakataas ang buhok niya, at gaya ng dati, naka-salamin. Pero kahit may salamin, kitang-kita mo yung pilikmata niyang mahaba. Natural na mahaba. Tapos yung labi niya—hindi ko mawari kung may lip tint ba o natural lang talaga. Basta ang pula.
Wala siyang ka-makeup makeup. Walang kaartehan.20Please respect copyright.PENANAkUQvrTonFm
Pero sa bawat detalye niya—pati ‘yung suot niyang crocs, anklet, at relo—may ganda. May pagkababaeng hindi mo basta basta makakalimutan.
Nakangiti siya nang makita ako.
“Hi Doms,” bati niya.
“Hi,” balik ko. “Uhm… sorry natagalan ako ha. Traffic lang ng konti.”
“No worries,” sagot niya. “Nakabayad na rin ako sa kape natin, ha.”
Napakamot na lang ako ng batok.
“Sus, dapat ako na. Ako nagyaya, ako dapat manlibre.”
“Next time na lang,” sabi niya, sabay kindat.
Next time.20Please respect copyright.PENANAQccVZI5zJo
Tangina, ang sarap pakinggan nun.
Umupo na ako sa tapat niya. Tahimik sa umpisa. Pero hindi ‘yung awkward na tahimik—yung tahimik na parang… alam mo lang na safe ka. Na okay lang kahit wala kayong masabi agad.
“Kamusta shift?” tanong niya habang sumisipsip sa kape niya.
“Pagod. Pero masaya,” sagot ko. “Ngayon ko lang ulit naramdaman ‘to—yung may excited kang uuwian o pupuntahan.”
Napangiti siya.
“Corny mo,” sabi niya, pero hindi niya maitago yung pamumula ng pisngi niya.
Maya-maya, sinabi ko, “Gusto mo ba kumain?”
“Sure,” sagot niya. “Pero ikaw na mag-decide kung saan. Basta wag fast food ha, sawa na ako.”
“Gusto mo ba ng—uhm, something fancy?”
“Gusto ko…” sagot niya, sabay tingin sa akin nang diretso sa mata, “…fishballs.”
Napatawa ako. Akala ko nagbibiro siya.
“Fishballs?” ulit ko.
Tumango siya. “Oo. Kwek kwek. Kikiam. Sweet sauce. Gusto ko streetfood.”
Hindi ko alam kung anong mas nakakagulat—yung ganda niya o yung pagiging down-to-earth niya.
Hindi ko inakala na yung babaeng parang galing sa editorial shoot ng magazine, eh bibili ng kwek kwek sa may kanto, walang kaarte-arte.
Sumunod kami sa tapat ng old munisipyo, may kilalang kariton doon. Si Manong Larry. Kumpleto—fishballs, squidballs, kikiam, kwek kwek, at sweet spicy sauce na parang lutang sa mantika.
“Kuya, dalawang kwek kwek, dalawang kikiam, tapos—ano sayo, Jeanine?”
“Fishballs lang ako, Kuya,” sabi niya. “Tapos sweet spicy sauce po ha.”
“Ganda mo, Ma’am,” biro ni Manong Larry.
“Salamat po, Kuya,” sagot ni Jeanine, sabay tawa. Hindi ‘yung scripted na tawa. ‘Yung totoo.
Ako naman, nakatayo lang sa gilid niya. Hindi makapaniwalang ako yung kasama niya ngayon. Parang may shooting. Lahat ng dumadaan, sumusulyap sa kanya. Hindi lang dahil maganda siya—kundi dahil sa aura niya. Yung aura ng isang babaeng totoo. Simple. Hindi nagmamaganda. Pero sobrang ganda.
Kumain kami sa gilid. Nagpahid ako ng alcohol sa kamay namin bago kami humawak sa stick. Tumawa siya. “Ay wow, gentlemen,” biro niya.
“Eh baka masisi ako pag sumakit tiyan mo. Ayaw ko yun,” sabi ko.
Ngumiti lang siya, tapos sinubo yung fishballs niya.
Ako naman, na-realize ko… ito na siguro yung isa sa mga pinakaespesyal kong gabi.
Habang ngumunguya siya ng kwek kwek, tinitigan ko lang siya.20Please respect copyright.PENANAnnozF1mm8D
Totoo nga yung sabi nila: minsan, yung pinakamasasayang sandali, hindi mo kailangang isigaw sa mundo. Kahit tahimik lang. Kahit sa gilid ng kalsada lang. Basta kasama mo yung taong nagpapagaan sa loob mo… sapat na.
Bumili pa siya ng isang stick ng fishballs bago kami umalis.
Tapos sabay kaming naglakad papunta sa terminal, kasi gusto ko pa sanang manood ng sine.
“Libre ko na ‘to ha,” sabi ko.
“Sige,” sabay ngiti. “Kasi ako nag-Starbucks e.”
Naglakad kami ng sabay. Hindi magkahawak kamay. Pero ang lapit namin. Parang sapat na yung siko namin na halos nagkakadikit sa bawat hakbang. Parang may kuryente. Tahimik lang siya. Ako rin.
Pero sa isip ko: sana tumigil ang oras. Sana wag na matapos ang gabi na ‘to.
ns216.73.216.146da2