KABANATA 34: Puhunan: Pagmamahal, Lakas ng Loob, at Si Jeanine
Hindi ko inakala na papasok din pala kami sa dropshipping.
Oo, ‘yung negosyo na ‘yun na parang scam lang dati para sa mga tao sa comment section—pero sa totoo lang, pag sineryoso mo at pinag-aralan, goldmine pala.
Sabi ko noon:19Please respect copyright.PENANAGev729VtSW
“Ayoko niyan, baka ma-scam lang tayo.”
Pero si Jeanine? Siya ‘yung tipo ng babae na kapag nanliit ka sa isang idea, hindi ka pipilitin—19Please respect copyright.PENANAedCKNjzU1b
…kundi hihilahin kang pataas para makita mo kung gaano ito kalawak.
“Pangga, try lang natin. Hindi kailangan ng puhunan ng milyon. Ang kailangan, tapang. E may sobra tayo non, ‘di ba?”
Kaya sinubukan namin.
Kaming dalawa.
Siya ang nag-asikaso ng suppliers, ako ang gumagawa ng product captions.19Please respect copyright.PENANAFv0RcKfipm
Siya ang nagpaayos ng logistics, ako ang customer support tuwing lunch break.19Please respect copyright.PENANAKHLqH1TjQv
Siya ang nag-motivate pag wala pang benta sa first 48 hours.19Please respect copyright.PENANA6kawSGzclU
Ako ang nagcelebrate nang may unang limang order in one day.
Tapos ayun.19Please respect copyright.PENANA3y7IN7614z
Bago pa man namin namalayan, kumikita na kami ng six figures tuwing ikatlong linggo.
Partida, hindi pa ‘to full-time.
May baboy pa ako.19Please respect copyright.PENANAtwaTCytOi5
May itik pa rin.19Please respect copyright.PENANAFqQwisttqu
May shifts pa rin ako sa McDo.19Please respect copyright.PENANAyrmj7fewcr
May events pa kami.19Please respect copyright.PENANAkjnElJAYYT
May YouTube pa.
Pero kahit sobrang dami ng ginagawa namin...
Hindi kami napagod.19Please respect copyright.PENANAahp5MzAaOQ
Kasi may direksyon kami.19Please respect copyright.PENANAZ7JglBZ5sp
At higit sa lahat—magkasama kami.
Doon nagsimula ang sunod-sunod na pagbabago:
Nakabili kami ng lupa.
Sinimulan na naming ipatayo ang sarili naming bahay.
Nakakuha kami ng Innova — ‘yung panghatid sa mga order kapag ayaw naming gumamit ng third-party rider.
May Sedan si Jeanine para sa mga lakad niya.
Tapos ‘yung Ford Everest namin, ‘yun ang pinanglalarga pag may sabay kaming out-of-town shoots or events.
Hindi lang basta ari-arian.
Nakabili rin kami ng property malapit sa San Pedro — kung saan kami pareho lumaki.
Isang simbolo ng pagbabalik.19Please respect copyright.PENANAtR4IxX4F6j
Ng pagtatayo ng pangarap sa lugar kung saan kami unang natutong mangarap.
At ‘yung dating bank account ko?
Yung single-digit million na akala ko noon, ‘yun na ang rurok?19Please respect copyright.PENANAozqod685JT
Ngayon, three digits na.
Pero alam nyo, hindi yun ang talagang kinaiiyak ko minsan kapag nakaupo ako sa front porch ng ginagawa naming bahay.
Hindi ‘yung sasakyan.19Please respect copyright.PENANA2eVRDiYJG3
Hindi ‘yung property.19Please respect copyright.PENANA0oeX9A2Dpq
Hindi ‘yung mga contract.
Ang kinaiiyak ko…19Please respect copyright.PENANABEClVKzvNi
ay ‘yung katotohanang sa lahat ng pagsubok at posibilidad na mag-fail kami—
Nandiyan sya.19Please respect copyright.PENANAugsLYC7kbV
Hindi lang naniniwala, kundi kasama kong naglalakad. Nagtatayo. Nag-aalaga. Nag-aambisyon.
Kapag kasama ko sya, hindi lang ako masipag.
Mas matapang ako.
Kapag kasama ko sya, kahit ilang beses akong magkamali—19Please respect copyright.PENANAmJ4eA8q1hR
Kaya kong umulit.19Please respect copyright.PENANAyAQayFbiu9
Kaya kong magsimula.
Kasi sa bawat plano, may isa akong sigurado:19Please respect copyright.PENANAczJITPhlBc
Siya!