Chapter 1: No Backseat Riders
Walang pamilya. Walang direksyon. Pero may motor.
Si Alex Cordova—kilala sa underground bilang Redline—ay hindi isang pangalan. Isa siyang babala. Kung maririnig mo ang tunog ng kanyang makina sa gabi, huli na para umatras. Walang sumasabay sa kanya sa kalsada, at lalong walang sumusubok na sumakay sa kanyang likod.
Ang motor niya, isang matte black Ducati Monster, pinangalanan niyang Ragna—ang nag-iisang bagay na masasabi mong importante sa kanya. Hindi dahil sa presyo. Hindi dahil sa bilis. Kundi dahil ito ang tahimik niyang sandata sa mundong walang pakialam kung mabubuhay siya bukas.
Araw-araw, gabi-gabi, iba't-ibang babae. Minsan may pangalan, kadalasan wala. Sa isang iglap lang, nakakalimutan na niya kung sino ang kahalikan niya sa dilim. Walang attachment. Walang pangakong binitiwan. Wala ring kahit sinong babae ang nakaupo sa likod ni Ragna—kahit gaano pa sila ka-desperado.
"Walang sumasakay sa motor ko." ‘Yan ang linyang palaging bitaw ni Alex tuwing may babaeng maglalambing. “Kahit ikaw.”11Please respect copyright.PENANAQdFFRb2eTc
Sabay ngisi. Sabay talikod.
Sa Club Centauro, isang underground motorcycle group na puno ng adrenaline junkies at mga lalaking may delikadong libangan, isa si Alex sa mga hinahangaan… at kinatatakutan. Ang mga tunog ng makina ay parang kantang lamang niya ang lyrics. Tuwing naglalabanan sa street races, walang palya. Si Redline ang panalo. At kung tumalo man siya, hindi lang pride ang nawawala—minsan, buhay.
Pero kahit gano’n siya kabangis sa labas, tahimik siyang umuuwi gabi-gabi. Sa isang maliit na garahe sa San Juan na may lumang couch, ilang gamit na jacket, at si Ragna—na laging pinupunasan ng may pagmamahal.
Isang beses lang.
Isang beses lang sa buong buhay niya may babaeng nakasakay sa likod ng motor niya. Mikaella Tiongson. Limang taon na ang lumipas. At simula noon, wala nang sumunod.
Ang problema?
Hindi niya alam na sa pagbabalik niya sa eksena—mas mabilis na ang tanging babaeng iyon. At hindi lang basta mabilis.
Mas mabilis pa sa kanya.
ns216.73.216.51da2