Chapter 5: Ang Muling Pagtatagpo
Ang ingay ng talon sa Majayjay ay parang palahaw ng alaala—malamig, malalim, hindi mapigil.
Nakatayo si Alex Cordova sa batuhan, suot ang itim na riding jacket, helmet sa ilalim ng braso. Hinihingal pa siya sa huling karera, pero hindi dahil sa pagod ang tibok ng puso niya.
May nakita siya. Hindi, may bumangon.
Mikaella Tiongson.
Nakatayo sa tapat niya. Hindi nakangiti. Walang suot na emosyon sa mukha. Pero sa mga mata nito, may bagyong pinipigilan.
Nang una niya itong makita, akala niya multo.
Tumigil ang lahat. Ang hampas ng tubig sa batuhan, ang yabag ng iba pang rider, ang sigaw ng marshal—lahat, nawala. Tahimik ang mundo, pero sigaw ang damdamin.
Ang mga mata ni Alex, bumagsak sa motor ni Mikaella.
Iyon ang La Luna. Iyon ang sinasabi ng mga tao.
Iyon ang babaeng walang sinasakay.
Pero hindi iyon ang una niyang napansin. Hindi ang galing. Hindi ang titulo.9Please respect copyright.PENANAw5Xg3tA4FW
Ang nakita niya? Yung babaeng iniwan siya. Yung babaeng minahal niya. Yung babaeng kahit kailan, hindi niya pinalitan.
“Alex…” bulong ni Mikaella. Halos hindi narinig, pero sapat para masira ang katahimikan sa puso niya.
Hindi siya agad nagsalita. Kasi hindi niya alam kung sasapakin niya ito, o yayakapin.9Please respect copyright.PENANAtnT3U18eNM
Kung sisigaw siya ng “Bakit mo ako iniwan?!” o kung hahalikan niya ito hangga’t mamatay ang sakit.
Nakita niya ang konting galaw sa balikat ni Mikaella—parang gustong magsalita, gustong ipaliwanag. Pero natigilan ito. Tulad ng dati, when words were too small for how big their love was.
“Ba’t ka nandito?” tanong niya, garalgal, mababa. Hindi galit, pero punô.
“Karera.”
“Dito pa talaga?”
Tahimik.
Gusto niyang magalit. Gusto niyang isumbat ang limang taon. Gusto niyang itanong kung naging biro lang ba lahat. Kung hindi ba siya worth ng kahit isang paliwanag.
Pero ang katawan niya ay nagtaksil sa isip niya.
Gusto nitong lumapit. Gusto nitong hawakan ang mukha ni Mikaella. Gusto nitong yakapin, amuyin, at sabihing,9Please respect copyright.PENANAxdZ7bSyjFY
“Salamat at buhay ka. Salamat at narito ka.”
Ngunit ang pride, matigas pa rin.
“Gusto kong malaman kung bakit,” mahinang sabi ni Alex, hindi makatingin ng diretso. “Kasi araw-araw, gusto kitang sisihin… pero sa dulo ng gabi, gusto pa rin kitang halikan.”
Napapikit si Mikaella.
Isang hakbang palapit. Isa lang.
Pero sa pagitan nila, may limang taong sakit. Limang taon ng tanong. Limang taon ng katahimikan.
Ang natitira lang ay tinginan.
Mata sa mata.
At sa ilalim ng lagaslas ng talon, sa pagitan ng hininga at galit,9Please respect copyright.PENANAGRHdilj3Rv
dalawang pusong dating sabay tumibok… ay muling nagkasalubong.
Hindi pa tapos ang laban.
At hindi pa rin tapos ang kanila.
ns216.73.216.51da2