Chapter 16 – Pagputok ng Gulong, Pagputok ng Katotohanan
(Alex’s POV)
“Bilis, Alex!”
Sigaw ng teammate niya mula sa gilid ng underground circuit sa Sta. Rosa. Hindi ito official race. Black track ito. Walang permit. Pero nandito siya.
Ang mga gulong ng motor niya ay halos dumikit na sa semento sa bawat liko. Wala siyang pakialam. Ayaw niyang mag-isip. Gusto lang niyang ibuhos ang lahat—ang galit, ang lungkot, ang mga tanong na wala pang sagot.
Isang linggo na mula nung muli silang nagkita ni Mikaella.
Isang linggo ng katahimikang mas maingay pa sa putok ng tambutso.
Pero ngayong gabi, tila lahat ng tanong ay gustong sumabog. Tulad ng gulong niya.
KRAK!!
BOOOOM!!!
Naramdaman niya ang unti-unting pagliyad ng motor. Nawalan siya ng kontrol. Gumulong siya sa semento, sa bilis na kahit siya ay hindi na malaman kung paanong hindi siya nabasag.
(Mikaella’s POV)
“Mika!”
“Hindi mo ba talaga siya kakausapin? Hindi mo man lang sasabihin ang totoo?” tanong ni Riva, kaibigan niyang pulis at dating kaklase sa criminology.
Hindi sumagot si Mika. Nakaupo siya sa upuang plastic sa gilid ng talipapa sa Majayjay, kanina pa hindi makatulog.
Pero biglang tumunog ang cellphone niya. Isang tawag. Si Riva rin ang sumagot.
At mula sa kabilang linya, isang pamilyar na boses ang nagsabi ng balita.
“Naaksidente si Alex. Sta. Rosa. Hindi pa siya nagigising.”
Parang may sumabog din sa dibdib niya.
(Hospital Scene – Combined POV)
Tahimik ang ospital maliban sa tunog ng heart monitor ni Alex.
Nakatayo si Mikaella sa paanan ng kama niya, nanginginig. Akala niya kaya pa niyang tiisin. Akala niya sapat na ang distansya. Pero hindi. Hindi pala.
Lumapit siya, hinawakan ang kamay ni Alex, at halos mapasigaw sa dami ng sugat at gasgas. Pigil ang luha, pero lumuluha na ang kaluluwa niya.
“Patawad…” bulong niya, habang pilit na pinipigilan ang panginginig ng boses. “Kung sinabi ko lang agad ang totoo…”
Ngunit isang mahina at pabulong na salita ang pumunit sa katahimikang iyon.
“Mika…”
Nagmulat ng mata si Alex.
Teaser for Chapter 17 – Mga Pangalan ng Bangis
ns216.73.216.51da2“Hindi mo ba talaga alam kung sino ang nagpaputok sa gulong mo?”9Please respect copyright.PENANADNBfyqyJXf
“Kung akala mong simpleng aksidente lang ‘to, nagkakamali ka.”9Please respect copyright.PENANAIg269jeai3
“May gustong pumatay sa’yo, Alex. At kilala ko kung sino sila.”