Chapter 8: Ang Asal ng mga Anino9Please respect copyright.PENANAX1iHZAwMoO
—Sa Mundo ng Labanan, ang Tunay na Kaaway ay Hindi Palaging Nakikita—
Tumigil ang makina ng motorsiklo ni Alex sa gilid ng kagubatan. Gabi na, at ang ambon ay tila bulong ng gabi na nagsasabing “May nagmamasid.”
Nakangisi si Julius Tantiado sa loob ng isang lumang pick-up, may hawak na DSLR camera na may high-powered lens. Kasama niya sa sasakyan si Ely Montoya—tahimik, mapanuri, laging may hawak na kape kahit hindi nauubos.
“Confirmed,” ani Julius. “Siya nga. Nakita na natin si Cordova sa checkpoint kanina. Solo ride ulit. And guess what? Nandito rin si Mikaella.”
Tahimik si Ely bago tumugon. “Baka bumalik ang init ng dati. Delikado ‘yan. Kapag pinatibok mo ulit ang puso ni Alex, lalong titigas ang ulo nun.”
“Eh ‘di basagin na natin,” sagot ni Julius, sabay ngisi. “May utos naman na from Salvador mismo. Observe. Sabotahe. At kung kailangang itumba, gawin nang malinis.”
Meanwhile, in a discreet hideout in Tagaytay…
Mikaella sat across from her half-brother, Emerick—anak ng Salvador sa ibang babae, pero tapat sa kanya. “Hindi ko na kayang magsinungaling kay Alex,” bulalas niya, nanginginig ang tinig.
“Kung malaman niyang si Salvador ang mastermind ng lahat, baka siya mismo ang pumatay sa ‘tatay’ ko.”
“Hindi ‘tatay’ si Salvador sa’yo, Mika. Siya ang demonyong ginamit ka para pasunurin si Alex. Pinrotektahan mo siya noon, okay. Pero ngayong nariyan ka na ulit sa mundo niya… wala ka nang lusot. Pipili ka na.”
Mikaella looked down, guilt pooling in her chest.
“Alam mo bang may bounty na sa ulo ni Alex sa underground betting world? Sa bawat panalo niya, may sindikato na nalulugi. May isang grupo sa Cebu, isang grupo sa Davao—at ngayon pati mga Koreano, interesado na. Kapag natalo si Alex publicly, kikita sila. Kapag napatay siya… mas lalo silang yayaman.”
Elsewhere, Alex was restless.
Walang karera na nagpapabilis ng tibok ng puso niya tulad ng nakita niyang muli si Mikaella.
At kung akala nitong tatanggapin niya ang pagkakahiwalay nila ng walang paliwanag—
Nagkakamali ito.
Tumunog ang cellphone niya.
Unknown number.
Pag sagot niya, walang boses—pero narinig niya ang mahinang paghinga. Hanggang sa may nagsalita:
“Hindi ka ligtas, Cordova. Lahat ng kilos mo, may mata. Huwag mo na siyang lapitan kung ayaw mong mauna sa hukay.”
Put*ngina.
Ang ngipin ni Alex ay nagngalit, pero ang puso niya—lumamig.
Hindi dahil sa takot.
Dahil sa galit.
Back in Tagaytay…
“Alex will fight back,” Emerick warned.
“I know,” Mikaella replied, eyes firm. “And this time, I will stand beside him—kahit kalabanin ko si Salvador mismo.”
ns216.73.216.51da2