KABANATA 12: Sa Likod ng Buwanang Pag-uwi
"Noon, lingguhan ka kung umuwi. Ngayon, buwanan na," sabay upo ni Ramil sa kama, suot pa ang maalikabok na uniporme mula sa pagtatrabaho sa talyer.
"Ram..." buntong-hininga ni Tentay habang inililigpit ang mga gamit sa bag, "Nagiging toxic kasi 'yung trabaho ngayon. Parang sunod-sunod ang orders, hindi na ako maka-absent."
"Tentay, hindi kita kinukwestyon bilang nanay. Pero asawa rin kita. Hindi ba ako kasama sa mga dahilan mo kung ba't ka uuwi?"
Tahimik si Tentay. Kinuha ang tuwalya at naglakad papuntang banyo. Pero bago siya makalayo, nagtanong si Ramil.
"May problema ba?"
"Wala."
"May iba ka ba?"
Doon siya huminto. Sandali lang. Hindi siya lumingon, pero maririnig ang bigat ng katahimikan sa pagitan nila.
"Nai-stress lang ako, Ram."
At habang nagsasara ng pinto, mahina siyang bulong. "Sana maintindihan mo."
21Please respect copyright.PENANA6NGnh2Z0AO
21Please respect copyright.PENANA1tyb9BHkI3