Kabanata 29: Tinig sa Linya
Mag-aalas siyete ng gabi nang hawakan ni Tentay ang cellphone na ilang oras nang tahimik sa tabi ng kama. May pasa pa ang kaliwang pisngi niya—namamaga at bahagyang nangingitim, tanda ng galit na kaninang gabi lang niya natikman.
Inayos niya ang sarili, pinilit na patigasin ang boses, at tinawagan si Ramil.14Please respect copyright.PENANAWrRcijF91U
Hindi para humingi ng saklolo—hindi pa. Pero sapat na ang dahilan na gusto niyang marinig ang boses ng anak.
“Hello?”14Please respect copyright.PENANAZPcMwHJ9h2
“Ramil… si Tentay ‘to…”
“Uy, oh, Tentay. Kumusta?” may halong gulat sa tinig ni Ramil. “Okay ka lang?”
“Ah… okay naman,” pilit niyang idinaan sa normal na tono ang tinig. “Si Jae Ann? Puwede ko ba siyang makausap saglit?”
Tahimik si Ramil ng ilang segundo bago sumagot.
“Wala siya rito. Kasama nila si KC, Angelique, tsaka si Ysay. Nagpunta sila sa mall—susunduin ko pa lang ngayon.”
Napakagat si Tentay sa labi. Ayaw niyang magtanong, pero parang kusang lumusot sa dulo ng dila niya ang tanong.
“Ysay?”
Hindi rin nagtagal ang sagot ni Ramil. “Oo. Siya na yung kasama ko ngayon.”
Hindi rin siya nagpakaseryoso o nagpakalambing—prangka lang, pero walang galit. Hindi rin mayabang, pero totoo.
Tumahimik si Tentay sa kabilang linya. Ngunit hindi nakaligtas kay Ramil ang mahinang hikbi na dumaan sa tainga niya. Isa. Dalawa. Pinipigil pero lumalabas pa rin.
“Tentay…” maingat ang boses niya. “Ayos ka lang ba?”
“Ha? Oo… siguro pagod lang. Madaming iniisip.”
“May problema ba?” tanong ulit ni Ramil, mas banayad na. “May nangyari ba?”
Gusto niyang umiyak. Gusto niyang sumigaw. Gusto niyang sabihin na sana siya na lang uli, na sana hindi siya bumitaw noon, na sana siya pa rin ang kasama ni Ramil, hindi si Ysay. Pero hindi niya sinabi.
“Ramil… okay lang naman si Ysay sa anak natin?”
“Oo. Sobrang okay. Mabait siya kay Jae Ann.‘Mama’ na nga rin ang tawag nya sa kanya.”
Naramdaman ni Tentay na tila may humapdi sa loob niya—mas masakit pa kaysa sa pasa sa pisngi. Parang sinampal siya ng reyalidad na may pumalit na. At masaya sila.
Gusto niyang magsisi. Gusto niyang bumalik sa dati. Pero napagtanto niyang huli na.
“Salamat, Ramil,” sabi niya sa dulo. “Salamat sa pag-aalaga sa anak natin.”
ns216.73.216.239da2