Kabanata 30: Sa Likod ng Mga Pasa
Hindi tumatakbo si Tentay. Hindi rin siya umaalis. Basta isang umaga, nagising na lang siyang tahimik ang loob. Walang sigaw, walang suntok, pero may nanlalamig sa dibdib niya habang nakatingin sa maliit na bag sa paanan ng kama.
Hindi niya ito pinuno.
Naglagay lang siya ng ilang damit ni Jae Ann—hindi dahil aalis siya, kundi para lang maramdaman ulit kung ano ang pakiramdam ng mag-empake. Parang rehearsal. Parang tanong sa sarili kung kaya pa ba niyang umalis.
Pero alam niyang hindi.
Si Joey ay tulog pa, nakatihaya sa kama, hawak pa ang boteng hindi na ubos kagabi. Sa mata ni Tentay, tila unti-unti nang natutuklap ang ilusyon ng pagmamahal sa lalaking ito. Simula nang dumalas ang paninira, panunumbat, at sumbat na parang kalawang sa tenga niya gabi-gabi.
“May ibang lalaki ka, no?”15Please respect copyright.PENANATwZCfYJCvY
“’Wag mo akong ginagago, Tentay. Akala mo ba tanga ako?”15Please respect copyright.PENANADcGwiAz7da
“Malandi ka noon pa. ‘Wag kang magmalinis.”
Mga salitang paulit-ulit niyang nilulunok. Hanggang sa mawalan na siya ng panlaban.
Tumingin siya sa salamin. Sa ilalim ng make-up, alam niyang makikita pa rin ang bakas ng pasa. Hindi sa balat kundi sa mata.
At habang binubuksan niya ang cellphone, kusa siyang napapindot sa chat history nila ni Ramil. Wala siyang mensahe. Pero may bakas ng kahapon sa huling usapan nila.
"Si KC nga tawag na sa’kin ‘Papa’ at kay Ysay ‘Mama’ na rin.”
Napakagat siya sa labi. Hindi dahil galit siya kay Ysay—ni hindi niya ito kilala. Pero may kirot sa dibdib. Hindi dahil inagawan siya. Kundi dahil pinakawalan niya.
Pinili niya noon si Joey, iniwan si Ramil. Akala niya, higit pa ito sa pagmamahal na inalay sa kanya ni Ramil. Akala niya, mas mabuti, mas masaya.
Pero ngayon? Wala na siyang kayang sisihin kundi ang sarili.
Kahit gustuhin niyang bumalik, hindi na siya pwedeng bumalik. May pamilya na si Ramil. Masaya na siya. Kumpleto na ulit.
At siya?
Siya ay nanatiling malungkot sa bahay na akala niya’y magiging tahanan.
ns216.73.216.239da2