KABANATA 19: Ang Babaeng May Dalawang Bata at Isang Bagong Pag-asa
Isang linggo na rin mula nang natanggap ni Ramil ang misteryosong text. Hindi niya inakalang sa likod ng simpleng, "23 F here looking for a textmate 😊", ay may babaeng tatawid sa buhay niyang unti-unti nang natutong manahimik.
Si Ma. Luisa "Ysay" De Leon.15Please respect copyright.PENANAUMq3edZriL
Dalawampu't tatlong taong gulang, magaan kausap, prangka pero hindi bastos, may dalawang anak: ang panganay na si KC na tatlong taong gulang, at ang bunso na si Angelique, isang taon pa lang.
"Grabe, akala ko pa-asa ka. Wala kang reply kanina, eh!" text ni Ysay.
"Busy lang sa trabaho. Medyo nanibago ako sa ganitong usapan. Di ko na kasi forte ang makipag-textmate," sagot ni Ramil.
"Ah ganun ba? Ako naman, forte ko ang mangulit. So ingat ka, baka ma-fall ka sa kulit ko. 😂"
Napangiti si Ramil. Hindi niya inaasahan na sa simpleng biruan ay may kasamang aliw. Minsan, tatawag si Ysay nang walang dahilan. Minsan, nagvi-voice note lang si KC na umiiyak dahil di niya mahanap ang paborito niyang kutsara.
May mga araw na tatawag si Ysay nang pagod na pagod.
"Hay naku, Ram, kung di lang talaga ako may anak, feeling ko nag-drugs na 'ko sa stress."
"Alam mo, swerte ng mga anak mo sayo," sagot ni Ramil.
"Ewan ko sayo. Pabola ka," sagot ni Ysay, pero sa boses niya ay may kilig.
"Hindi ako bolero. Promise, di na ako ganun. Sinubok na ako ng tadhana, girl. Gusto ko na lang yung totoo. Yung tahimik. Yung walang gulatan. Yung totoo kahit magulo."
Tumahimik si Ysay.
"Totoo rin naman ako, Ram," sagot niya. "Hindi nga lang ako buo. Pero sinusubukan ko araw-araw."
Sa mga sumunod na linggo, naging parte na sila ng araw-araw ng isa't isa. Kahit may mga batang sumisingit sa tawag, kahit may iyak, kahit may lampin, tuloy ang usapan.
"Hoy, Ramil," chat ni Ysay isang gabi, "alam mo bang mas nakakatawa ka kapag seryoso ka?"
"Eh anong gusto mo, clown?"
"Pwede. Basta akin ka."
Nag-pause si Ramil.
"Paano kung akin ka rin?"
Matagal bago nag-reply si Ysay.
"Sabi ko sayo diba? Ingat ka sa kakulitan ko. Tignan mo, napa-'amin' ka tuloy."
Dalawang Buhay. Isang Landas.
Isang araw ng Linggo, nagkita na rin sila sa wakas. Dinala ni Ysay si KC at Angelique sa park kung saan dinadala ni Ramil si Jae Ann.
Habang naglalaro ang tatlong bata sa swing, naupo sila sa bench. May dalang popcorn si Ysay, may dalang cotton candy si Ramil.
"So eto na tayo?" tanong ni Ramil, di makatingin.
"Oo. Walang tumpik-tumpik. Wala tayong panahon sa pa-fall tapos biglang lost."
"Hindi ko ugali yun."
"Eh ako?"
"Alam mo na ang sagot ko."
Tumawa si Ysay.
"Yup. Akin ka na."
At doon, nagsimula ang bagong kwento.
Isang lalaki na minsang binalikan ng sakit at nagtulak maging mas mabuting tao.
Isang babae na minsang pinangakuan at iniwang walang paalam.
At dalawang buhay na muling nagtagpo. Hindi buo, pero totoo.
15Please respect copyright.PENANAFxDFWiERE8