KABANATA 11: Mamahaling Bagay, Mamahaling Kawala
"Para sa inyo ni Jae Ann," sabi ni Tentay habang iniaabot ang bagong TV kay Ramil.
Napatingin lang ang lalaki, hindi malaman kung matutuwa o maiilang. Noon pa man ay simple lang silang mag-asawa—isang kahig, isang tuka. Pero nitong mga huling buwan, sunod-sunod ang mga mamahaling gamit na inuuwi ni Tentay. Una, ang ref. Tapos rice cooker. Ngayon, TV. "May bonus lang," aniya, kasabay ng paghalik sa anak na si Jae Ann.
"Hindi mo naman kailangang gumas—"
"Gusto ko lang makabawi," putol ni Tentay. "Hindi ako palaging nandito, Ram. At least kahit papano... nararamdaman n'yo pa rin ako."
Tahimik si Ramil habang pinagmamasdan si Tentay. Sa bawat pag-uwi nito, parang may dalang bagong gamit, pero may nababawas sa samahan nila. Para bang bawat bago't makinang na gamit, may kaakibat na lamat sa kanilang relasyon.
"Okay ka lang ba dun?" tanong ni Ramil minsang sabay silang kumakain.
"San?" balik ni Tentay habang sinusubuan si Jae Ann.
"Sa tahian. Sa mga kasama mo. Sa... trabaho."
"Wala naman. Medyo nakakapagod pero okay lang. Masaya naman."
"Sigurado ka?"
"Oo nga," sagot niya, sabay iwas ng tingin.
Napansin ni Ramil na mas bihira na siyang tingnan ni Tentay sa mata.
16Please respect copyright.PENANAnNxKwgF0LA