KABANATA 20: BIOGESIC, PATAWA, AT PAG-AALALA
"BIOGESIC."
Isang salitang araw-araw binibitawan ni Ysay kay Ramil. Walang palya.17Please respect copyright.PENANAkXD5Khkj0V
Alam ng lahat na gamot ito para sa sakit ng ulo o lagnat, pero para sa kanilang dalawa... naging secret code na ito ng isang simpleng paalala:
"Ingat ka, ha."
"Wag kang masyadong papagod."
"Alagaan mo sarili mo kasi may nagmamahal na sayo."
At sa tuwing maririnig iyon ni Ramil mula kay Ysay—mapa-text man, tawag o voice note—hindi siya mapigilang matawa.
"HAHAHA! Ikaw talaga, Biogesic queen ka na. Araw-araw nalang? Hindi pa ba ako gumagaling?"
"Di ka gagaling kasi di mo naman ako gamot, ako nga pala ang dahilan ng kilig mo araw-araw," balik ni Ysay habang natatawa.
"Boom! Aray ko, checkmate," sagot ni Ramil habang nakangiti sa sarili niyang cellphone.
Hindi sila mapaghiwalay ng tawag.
Minsan literal na nawawala na sa sense ang usapan nila—napupunta na sa kung anong ulam ng kapitbahay, bakit ganun ang tunog ng huni ng ibon, at kung paano kaya magpapalit ng diaper si Ramil ng nakapikit.
"Wag ka ngang ano d'yan, kaya ko 'yon," pagyayabang ni Ramil.
"Ah talaga? Eh paano kung may poop explosion? Mapapaiyak ka," pang-aasar ni Ysay.
"Eh kung ako mag-aya ng date, mapapaiyak ka rin. Kaso sa saya," hirit ni Ramil na may pa-swag voice.
"HUUY! Gusto ko 'yan. Pero sa Jollibee lang tayo ha. Date na masaya, hindi mahal," sagot ni Ysay.
"Sige. Basta ikaw magbabayad," sabay tawa ng malakas pareho.
At kung minsan hindi agad makareply si Ysay...
Mapapansin agad ni Ramil.
10 mins na 'di nagrereply?
"LOADING KA NA NAMAN SIGURO EH. AYAN, PALODAN KITA."
Walang tanong-tanong. Pindot agad si Ramil ng ₱50 load.
Minsan tatawagan pa niya nang diretso, kahit hatinggabi na.
"Hoy? Ok ka lang?"
"Hala! Sorry, nakatulog ako habang pinapatulog si Angelique."
"Okay lang. Akin ka naman kahit anong oras," bulong ni Ramil, halos pabulong din sa damdaming ayaw na niyang amining lalong lumalalim.
Sa simpleng lambing. Sa mga walang kwentang tawanan. Sa pangungumusta. Sa linyang "Biogesic ha!"
Hindi nila namamalayang may binubuong mundo sila.
Hindi perpekto, pero ramdam na ramdam.
Hindi engrande, pero punong-puno ng tunay na pag-aalaga.
"Ram?"
"Hmm?"
"Alam mo ba, kahit ilang beses pa akong iniwan, ngayon lang ako nakaramdaman na hindi ako 'extra' sa eksena ng buhay ng isang lalaki."
"Hindi ka lang main character, Ysay. Ikaw ang title."
"Eh ikaw?"
"Ako? Supporting actor na laging handang pasayahin ang bida."
17Please respect copyright.PENANAPeb0ZiCOND