KABANATA 14: Katotohanang May Password
Nang makatulog si Tentay, hindi siya tinabihan ni Ramil. Sa halip, naupo siya sa gilid ng kama at naghintay. Ilang oras ang lumipas. Umihip ang malamig na hangin sa bukas na bintana. Nang humilik si Tentay, maingat niyang kinuha ang cellphone sa ilalim ng unan.
Subok sa tatlong passcode. Sa ikaapat — nabuksan.
Mabilis ang tibok ng puso niya. Binuksan ang Messenger. Doon siya natigilan.
Joey: "Namiss ko 'yung amoy mo."20Please respect copyright.PENANAcqDHhkq24m
Tentay: "Hmp. Gusto mo bang lumipat ako dito na lang sa Batangas? Tapos tayo na lang?"
Joey: "Oo. Basta sa akin ka."20Please respect copyright.PENANAP8u6A5Kbvl
Tentay: "Sana para wala nang kumukulit sa akin tuwing uwi ako."
Unti-unti, nanlamig si Ramil. Ang mga daliri niyang may kalyo sa pagpihit ng wrench ay nanginginig. Nang marating niya ang gallery, mas pinili niyang huwag tignan.
Ibinaba niya ang cellphone. Tumayo. Pinagmasdan ang asawa habang ito'y himbing sa pagtulog.
"Paano mo ako nagawang palitan, Tentay?" mahina niyang bulong.
20Please respect copyright.PENANAkitxLn0JOu
20Please respect copyright.PENANAJqIzJ8jNKL